Inimulat ko ang mga mata ko. Nasa isang madilim na daanan ako. Tanging sinag lang ng buwan ang nakikita ko.
*SHOCKED*
"Teka, A-anong lugar 'to?!" 'Di ako pamilyar sa lugar na 'to. Parang .... mala Shogunate Era 'to sa Japan. Oo tama! eto nga 'yon! nakita ko na 'to dati sa isang Anime Series! Ilang sandali pa, may nakita akong parating na tao. Isang lalaki na may nakasukbit na Samurai at Katana sa kanyang baywang.
Mga nasa edad 23 anyos na sya at may pagkakahawig kaming dalawa. Parang ako pagdating ng 23 years old. nyahahaha...!
Dahil na din kailangan kong mag-ingat ay nagtago ako sa isang eskinita. May mga kahon dun kaya dun ko napiling magtago at isa pa, madilim din. Patuloy lang sya sa paglalakad nang bigla akong may narinig na kaluskos. Napatigil din sya sa kanyang paglakad. Bahagya syang pumorma na bubunutin ang kanyang Samurai.
*stares*
*wind gently blows*
Nagulat ako sa sumunod na mga nanyari... biglang umatake ang isang lalaki na walang dalang armas. Mabuti na lang at malakas ang pakiramdam nya kaya agad nya itong naiwasan. Matapos nun ay nagtanong sya sa salitang Nihonggo.
"Kimi no Omaewa?!" (What's your name) Di ko alam kung ano 'yung ibig sabihin nun pero bahala na ... mukhang minura nya ata 'yung lalaki. Pero di sya sinagot ng lalaki. Tumindig lang ulit ito at sinimulan ulit syang atakihin. Kahit na madilim ang buong paligid ay nagagawa pa din nya itong dipensahan.
Kahit na anong wasiwas nya sa kanyang Samurai ay di nito matamaan ang kanyang kalaban. Nakakamangha din dahil sobrang bilis gumalaw ng kanyang kalaban. Parang 'di tao ang kalaban nya dahil mas mabilis pa sya sa ordinaryong tao.
Pagod na ang lalaki sa kakasalag ng atake at pinangtukod na nya ang kanyang Samurai. Nang makahanap ng tyempo ang kalaban nya ay bigla itong naglaho sa kanyang harapan. Pareho kaming nagulat sa pangyayaring iyon.
Ang sumunod na nangyari ay 'di kanais nais kaya bahagyang parang naramdaman kong gusto kong sumuka. Biglang lumitaw ang kalaban nya sa kanyang likod subalit, huli na nang mapansin nya ito. Biglang kinagat ang kanyang leeg na parang isang asong gutom. Ah, hindi, parang isang leon na nanginginain sa laman ng hayop.
BINABASA MO ANG
Ang Klasmeyt Kong Bampira by HiroAyama
Vampire"Vampires only exists in books and films. They are only but a fictions that created by man." Pero paano kung totoo nga sila? At ang maganda pa, isa ito sa mga kaklase mo? Paninindigan mo pa rin kaya na sila ay pawang kathang isip lamang? o tatanggap...