Diary Entry #05

111 1 0
                                    

Ika-09 ng Pebrero 1749

Tatlong taon na din ang lumipas mula nang matagpuan namen ng aking ama ang estranghero sa pampang ng dagat. Ryuusuke ang kanyang pangalan. Natuto na din sya magsalita ng Tagalog.

Naging matyaga ako sa pagtuturo ng wikang iyon sa kanya. Upang magkaintindihan kaming dalawa. May napansin akong kakaiba sa kanya ... lagi syang nakabantay sa gabi at natutulog sa araw. Kakaiba din ang kanyang pagkain. Hindi pangkaraniwan. Minsan ay nasaksihan ko syang nanghuli ng isang baboy-ramo sa kakahuyan. Nakita ko na bigla nya itong kinagat hanggang sa mawalan ng lakas ang hayop.

Nakita kong puro dugo ang kanyang labi. Natakot ako ng labis sa aking nasaksihan. Kaya kumaripas ako ng takbo mula sa kakahuyan hanggang sa'min. Nagtago ako sa silong ng bahay namin ... sa takot ko na baka masaktan nya ako.

Mula nang makita ko yun ay labis labis na ang aking pangamba na baka ako ang isusunod nya ...

Natatakot na talaga ako. Ayoko na ... sana ay dumating na ang kaibigan ko mula Inglatera dahil sa kanya lang ako nagtitiwala.

Hanggang dito na lang muna sa aking talaarawan.

~ Magdalena

Ang Klasmeyt Kong Bampira by HiroAyamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon