Diary Entry# 06

106 2 0
                                    

Ika-13 ng Agosto, 1803

Pareho nang pumanaw sina Amang at Inang kasama ko. Biglang may dumating na iba ibang mga kalalakihan at inatake ang baryo namin.

Lahat ng mga lalaking iyon ay nanglilisik ang mga mata at naghahanap ng dugo. Bahagya ding natalsikan ng dugo ang kwardeno ko.

Tanging si Ryuusuke lang ang di nila ginalaw ng mga oras na 'yon. At nung oras na lumusob sila sa baryo namin ay wala si Ryuusuke dito.

Sinunog ng mga magnanakaw lahat ng mga bahay dito. Walang tinira maski isa. Mapa bata o matanda ay tinira nilang lahat, naisalba ko lang ang aking sarili, itong kwadernong hawak ko at ang panulat ko. 

Di ko nagawang mailigtas sina Amang at Inang sa mga kamay ng mga magnanakaw. Pinatakas na nila ako bago pa man din nila ako maabutan.

Minalas malas ako at ako'y naabutan nila. Ilang saglit lang ay hinubaran nila ako ng damit at kinagat ang aking leeg. Sobrang sakit, para akong sinasaksak. Subalit di nagtagal ay nakaramdam ako ng kaginhawaan sa aking katawan. Parang hangin sa umaga na dumadampi at nagpapakalma sa akin.

Ilang saglit pa ay di ko na maramdaman ang katawan ko. Wala na rin akong maamoy. Di ko na nararamdaman ang tibok ng puso ko. 

Lumipas pa ang ilang sandali at bigla ulit akong bumangon. Napansin ko na punung puno na ng dugo ang buo kong katawan at wala akong saplot sa aking katawan. AT himalang nakakaaninag na ako sa dilim. 

Pumunta ako sa aming baryo at nakita kong tupok na lahat ng apoy ang mga bahay doon. Wala na lahat. Wala na ang mga taga sa'men. Tuluyan nang tinupok ng apoy.

Labis labis ang aking paghihinagpis ... wala na sa akin ang lahat. Wala akong tutulyan, wala na ang aking mga magulang at wala na din ang aking buhay.

Hanggang dito na lamang ang aking maisusulat sa ngayon. 

- Magdalena

Ang Klasmeyt Kong Bampira by HiroAyamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon