Ika- Dalawampung Kagat: Alaala ng Nakaraan

128 2 0
                                    

"At sa lahi natin, ang halik ay isang sagradong bagay. Hindi ito ibinibigay kung kani-kanio, kung sino man ang makakuha ng halik mo ay sya mo dapat na pakasalan. Dapat sya ang mahal mo dahil kayo ay magsasama at gagawa ng isa pang henerasyon ng mga bampira. Hindi lingid sa atin ang magpalahi pero ito ang kautusan noon pa man. Kaya ingatan ninyo kung sino man ang pagbibigyan nyo ng matamis na halik."

Isang paalala ulit mula kay Ashmai. Ilang daang taon na din ang lumipas mula ng sumama ako sa angkan nila.

----

Anna's POV:

"Kung may isang bagay o tao na nakakapag pasaya sa'yo, 'wag mo 'tong pakawalan, Dahil sa buhay, minsan ka lang magiging masaya sa piling ng pinahahalagahan mo. Sana tama nga 'to. Kaso, iniwan nya ako dahil 'di nya ako mahal." 

Dapat talaga 'di ko sya hinabol. Dapat di ako naging malapit sa kanya, dapat, hanggang magkaibigan lang kami. Pero bakit ganito? Ang sakit ... akala ko maaalala na nya ako ... Ryuusuke ko. 

---

Saglit lang kami nag usap ni Luigi at bumalik na sya doon kina Lenny, Clarize at Toria. Ako naman ay binalikan si Anna dahil hinahanap na sya ng mga kasama namin.

"Anna? tayo na."

Napansin kong tulala sya. Nakatanaw kung saan. Nilapitan ko sya at hinawakan ko ang balikat nya.

"Anna, hinahanap na tayo dun." bulong ko sa kanya kaso tulala pa din sya.

"Anna? ui, Anna? Sorry talaga, di ko talaga magagagawa 'yung hinihiling mo sa'ken."

"Maghihintay ako." sagot nya. Hala? Anong maghihintay?

"Tara na Anna, sige na." ako ko sa kanya. Kung tungkol sa kasal 'yun di bale na lang.

Napatingin sya sa'ken with concern eyes, mas naging mapungay pa 'to kaysa dati. Mas lumitaw ang ganda nya dahil sa tingin nyang 'yun, pati yung mga labi nya kuminang. Para syang naglagay ng lipgloss. Grabe nakakatempt talaga syang tingan.

"Pasensya na din Kenneth kung nabigla kita kanina. Importante lang talaga sa'ken yung halik na 'yun." tugon nya sa'ken. "Pero sisiguraduhin kong ikaw lang ang magmamay-ari sa'ken."

*blush, looks down*

*blush as well*

"A-ano bang pinagsasabi mo dyan ui !? g-gutom ka ata eehhh? tara na nga!" tumayo ako tsaka ko inabot yung kamay nya. Ngayon ko nadama ang lamig pala ng kamay nya, talagang di nya sya buhay. Tapos sabayan pa ng nagpapalpitate kong puso, ANO BA 'YAN !!! :O

Puso ko kalma ka lang! please?

"Ang init pala ng kamay mo, ang sarap sa pakiramdam."

"S-salamat. Aahhh ..." grabe nauutal ako. Naku naman ....

"Naalala ko nung buhay pa 'ko. Ganito din kainit 'yung mga kamay ko. Kaso, ilang daan na 'kong patay."

Napatingin ako sa kanya, magka holding hands pa din kami. 

"Anna, dati ba, nagmahal ka na?" tanong ko.

"Oo, dati, dapat nga ikakasal na 'ko nun kaso ... namatay 'yung pakakasalan ko."

"Sorry natanong ko ..." nakakalungkot naman pala ang buhay ni Anna.

"Tara na, malamang nag iintay na sila sa'tin."  tumayo sya at hinila nya ako palabas ng garden. Magkaholding hands pa din kami. Naku! baka makita na naman kami ni Luigi nito!

"A-aahhh ... Anna, b-baka gusto mo bitawan 'yung kamay ko. Ehehe..." kaso ma hinigpitan pa nya lalo ang paghawak sa kamay ko. Parang wala syang balak pakawalan 'to. Hmmm...

*holds her hand back tighter, blush*

Hanggang sa makalabas kami ng Beach Resort, tsaka nya lang ako binitawan.

"Ui! nandito na pala 'yung Love Birds natin eeehhhh!! HAHAHAHAHA!!!" sigaw ni Clarize sa'min. 

Napatingin din sina Lenny, Jossette at Toria ng Totoo-ba-yun Look. Napatingin ako kay Luigi at  nakangiti sya ng nakakaloko. Naman OOOHHHHHH!!!????!!!!

"Balita ko nag kiss daw kayong dalawa aahhh?" sambit ni Josette sa'min. wow .. mukhang malaking issue 'to aahhh?

"Aaahhhhmmmm.." 

*gulps*

"Ano?"

"Ano kasi eeehh ... ahhmm..."

"Aksidente lang 'yung nangyari, 'wag kang mag-alala walang namamagitan sa'min ni Kenneth." ngiting sagot ni Anna sa kanya.

SInalo nya ako ... wow ...

(Salamat Anna.) napatiitg ako sa kanya.

(Walang anuman, 'di pa 'ko handang sabihin sa kanila 'yung totoo)

(Ano naman 'yun?)

('Yung tungkol sa nangyari. Hehehe, basta mula ngayon akin ka na, 'di kita hahayaang ma-inlove sa ibang babae.)

Okay, binabawi ko na ang salitang salamat. Ngayon mas matindi pa ang mararanasan ko ngayon. Lagot na talaga ako. Pagmamay ari na 'ko talaga ni Anna.

"N-nagbibiro ka lang diba?" 

*smirks*

"Tingin mo nagbibiro ang ngiting 'to?"

"Awts! grabe ka naman! 'Di ko naman sinasadya eeehhh!"

"Wala, what's done is done, hehe." sabay takbo sa dagat kasama nina Clarize at Josette.

WALA NA TALAGA AKONG KAWALA. SAKLAP.

Ang Klasmeyt Kong Bampira by HiroAyamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon