Diary Entry #12

73 2 0
                                    

Ika-04 ng Abril, 1847

Sumama ako kay Ryuusuke sa pagbalik nya sa kanyang bayan. Binisita nya ang kanyang bayan na sa matagal na panahon na lumipas ay marami nang nagbago. Tagsibol nun at malapit na din dumating ang tag araw.

Isa kaming dayuhan dito sa bayan nya. Dahil na din sa kakaiba naming kasuotan at pananalita. Wikang Ingles na ang gamit namin, ayaw nyang ipaalam na taga dito sya. 

Ilang araw din ang lumipas.... at may nakilala kami na katulad din namin. Ang pangalan nya ay Kyosuke Mitsukashi. Dahil sa magkababayan sila ay nag usap sila sa sarili nilang lenggwahe. Kahit papaano din naman ay may naiintindihan din naman ako.

Napag usapan nila ang panahon kung kailan nabuhay si Ryuusuke. Ang panahon pala na di pa ako isinisilang sa mundo. Ang panahon ng mga 'Daimyou' (mga taong nagmamay ari ng MALAKI/ MALAWAK NA LUPAIN/ PANGINOONG MAY-LUPA) at mga Samurai.

Masalimuot din ang nangyari sa pamilya ni Ryuusuke. Dahil sa mahirap lang sila noon ay madalas mangutang ang kanilang ama para may pangkain lang sila. Nang di na sila makapagbayad ay napagpasyahang patayin ang kanyang ama't ina sa kanyang harapan at binenta sya upang maipambayad utang. Doon ay nagsumikap syang magtrabaho.

Matapos noon ay may nakilala syang isang Samurai, kinausap nya ito dahil sa gusto nyang maging isang magaling na Samurai upang maipaghiganti nya ang pumatay sa kanyang mga magulang.

Matagal na panahon din ang lumipas at naging magiting syang Samurai. At dun na nagsimula syang pumatay para sa pinoprotektahan nyang amo. Hanggang sa may nakasagupa syang halimaw. Nakipagtuos sya dito pero sa huli ay natalo sya. Inakala na nyang patay na sya nang mga oras na 'yun subalit nang makaamoy sya ng dugo ng tao ay agad syang bumangon sa pagkakahimlay at ang sumunod na nangyari ay iniinom na nya ito na parang dalisay na tubig.

Hanggang dito na lamang ulit ang aking mailalathala.

~ Victoria

Ang Klasmeyt Kong Bampira by HiroAyamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon