Ikatlong Kagat: Lihim

341 3 0
                                    

~*LUNCH BREAK*~

Lahat ng mag estudyante ay nagpupunta sa Cafeteria para bumili ng pagkain.

*walks through the hallway, yawns*

"Kaantok ang panahon ngayon. Punta muna ako sa rooftop."

Patuloy ako sa paglalakad nang may napansin akong kakaiba. Napatingin ako sa pintuan ng bukas na storage room.

"Wag kang mag-alala, saglit lang 'to OKAY?" bulong ng malumanay na pamilyar na tinig.

"Pero nag aalangan talaga ako. Ayokong ituloy, baka may makakita sa'tin." pag aalangan ng kausap nya.

"Eh? parang tinig ni Anna 'yung nagsasalita." pagtatakang tanong ko sa aking sarili.

Sumilip ako kung tama ang hinala ko. At voila! Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Nakita ko, na nakikipag halikan si Anna sa kapwa nya babae. At sa Storage room pa ng Unibersidad namin. Napatakip ako ng bibig at napatalikod.

"Hindi, hindi ... tomboy si Anna? imposible. Sa ganda nyang yan." bulong ko.

Muli ay napatingin ulit ako sa kanya. Napansin ko na unti unting nanghihina ang kahalikan nya. Napansin ko na ... tutol ang ginagawang di kaaya aya sa kanya.

Patuloy ako sa pagmasid kahit na parang masususka na ako sa aking nakikita. Bahagya nyang idinilat ang kanyang mata. Hindi na normal na mga mata ang aking nakita. Katulad din ito ng mata ng babaeng humarang sa'kin kanina sa daan.

Nanatiling magkadikit ang mga labi nila. Napapahigpit ang yakap nya dito. Bigla ay may dugong tumulo sa kanyang bibig.

Matapos 'yon ay dahan dahan nyang inihiga ang babae. Sa takot ko ay kumaripas ako ng takbo papuntang rooftop. Tumakbo ako na may pag aalinlangan na nakita nya ako, at nalaman ko ang lihim nya.

*enters to the rooftop, hides* breathes heavily*

"Hi-hindi" *catches breathe* "Hindi 'to maaari"

*gulps, heart beats fast, sweat starts to fall*

"Yari ako pag nalaman nya na nakita ko ang ginawa nya. Ano ba talaga sya?"

Nung mga oras na 'yun, gulung gulo ang isip ko.

"Imposibleng bampira sya ... dahil 'di totoo ang mga 'yun. Sa libro lang lahat ng mga 'yun. Guni guni ko lang lahat yun ! oo tama ! ... guni guni ko lang lahat ng 'yon."

*wind gently blows*

*~~~30 minutes passed~~~*

Nahuli ko ang sarili ko na wala sa sarili. Tulala sa kalangitan. Tuyo na ang pawis ko sa T-shirt ko. Kumalma na rin ang pintig ng puso ko.

"Alam ko na nakita mo ang nangyari kanina sa loob ng Storage Room." bulong sa akin ng isang pamilyar na tinig.

Napalingon ako at bumungad sa'ken si Anna na kulay pula ang mga mata at may pangil. Halatang natatakam sa akin. Napaatras ako sa sobrang gulat at takot.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!! SORRY !! di ko sinasadyang makita ang mga 'yun ! SORRYY!! SORRY TALAGA !"

Unti unti syang lumapit sa'kin at hinukbit ang aking Necktie.

"Wala kang nakita." tugon nya sa akin habang nakatitig sa aking mga mata.  

"Hindi mo alam ang lihim ko. Pero mananatili kang akin. Akin ka lang Kenneth."

Sabay nilapit nya ang kanyang mukha sa aking leeg at inamoy.

*smirks*

"T-te-teka !? a-a-an-ano ?! Ano k-k-k-a-a b-b-baa talaga ?" kinakabahang tanong ko sa kanya.

Tahimik ang buong paligid. Hindi sya umimik. Napalunok na lang ako. Nakatitig sa kanya. Isa nga ba talaga syang bampira?

Ang Klasmeyt Kong Bampira by HiroAyamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon