Chapter 1

742 10 0
                                    

Chapter 1

"Aki! Napaka tagal mo!!" Sigaw ni Liam mula sa labas.

Agad kong sinuot ang skirt ko habang magulo at basa parin ang aking buhok. Damn! Kasalanan talaga 'to ng koreano'ng 'yon. Nag puyat ako kakapanuod ng kdrama na 'yon!

"Puta ka! Mag hintay ka sabi!" Inis na sabi ko sa kaniya.

"Ikaw na nga lang nag papasabay, ikaw pa ang galit?!" He hissed too behind the door of my room.

For sure, Tita Maia will scold me. Lagi naman at wala namang bago.

"May utang ka sa akin 'no! Kapal nito!" Nag hadali kong sinuklay ang aking buhok sa harap ng aking salamin. Nag hahadali akong nag lagay ng sunscreen, liptint at mascara.

I opened the door. Agad na napalingon siya sa akin. Liam is wearing a slacks and his black and white stripes sleeves. Tinaasan ko siya ng kilay ng hindi siya gumalaw at nakatingin lamang sa akin.

I waved my hand in front of his face. He blinked twice before he looked away. Umubo pa siya kaya napataas ang gilid ng aking labi.

"Tara na, mag aalmusal pa ako." saad ko at naunang mag lakad sa kaniya.

He groaned. "Malelate na tayo! Huwag ka ng kumain!" He hissed.

Gagong 'to, walang hiya talaga. Mahirap din walang laman ang pagkain 'no.

I just sticked my tounge out at him and went down stairs with him. As usual, tama nga ang hula ko dahil habang kumakain ng sandwich ay pinag sasabihan ako ni Tita.

"Just to remind you, Aliann Kristen! Third year college at hindi ka na bata! Jusko naman. Ang tanda-tanda mona, lagi ka pa rin nalelate! Isa mo pang late ha! Papalayasin na kita!"

I pouted. "Pag lalayas naman ako.. hahanapin mo 'ko.." bulong ko. Which is true, everytime she's mad at me lagi nyang sinasabi na papalayasin niya ako. Pero hindi naman nangyayari dahil ayaw nya akong hindi nag uupdate sa mga ginagawa ko sa isang araw.

"Sorry na tita, promise hindi na mauulit!" I even raised my hand at her signing I will do my promise.

Umirap siya. "Tatanggalin ko mga poster ng mga koreano mo dyan nang hindi ka palagi naka titig sa mga 'yan!"

I groaned. "Tita, don't! In fact, they're my inspiration. Wala na nga akong jowa tapos ipagkakait mo pa sa akin 'yang mga poster lang?"

Tita Maia rolled her eyes again. Pang ilan naba 'yon? Baka mamaya maduling na siya ng tuluyan ah.

"Konware kapa. Parang noong nakaraan na linggo nakita kitang may kasama lalaki."

I pressed my lips together, pinipigilang matawa. "Fling lang 'yon.. saka matanda na ako sabi mo." Ngisi ko pa.

She sighed at me, and continue to scold me. After I ate, nag paalam na ako kay tita at agad na humupa ang kaniyang inis. I promised that I won't be late tomorrow.

Nang makalabas ay nakita ko ang sasakyan ni Liam.

I froze a second and I glanced at him. Umiling ako para sabihin na huwag siyang mag aalala pa. Pero bawat pag tanggi ko ay hindi ko maiwasang isipin na.. kailangan ko parin lagpasan ang kinakatakutan ko. Hindi dapat ako habang buhay na ganito.

"Lagi kabang iniiwan ni kuya Gio?" Liam asked me.

Sinuot ko ang seatbelt at hinarap siya. "Nauuna palagi, hinahayaan ko nalang kasi early bird." Kibit balikat kong sagot.

He chuckled and shook his head, and start the engine. "Mabagal ka kasing kumilos. Tsaka, bakit kaba adik sa mga koreano, marami namang pogi sa paligid-ligid. Tulad ko, tingin ka lang sa akin."

De Villiere #2 : Pointless DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon