Chapter 2

433 10 0
                                    

Chapter 2

Umiiyak at halos humahagulhol ako pagdating ko sa room ni Tita. Nakatayo si Kuya Gio sa isang gilid at nakapikit at nakahawak sa kaniyang noo. Habang ako ay tuloy-tuloy ang mga luha.

Mga luhang pinipilit ko lang sa ka-dramahan ko.

Hindi pa ako tumatagal nang ilang minuto nang humampas na ang kamay ni Tita sa ulo ko, binatukan niya ako at agad akong napalayo at natatawang dumaing at hawak hawak ang binatukan niya.

"Pwede ka ng mag artista. Jusko naman Aliann Kristen, hindi pa ako patay!" nang gagalaiting saad ni tita. Umayos ako ng upo at pinunasan ang aking luha sa aking pisngi.

"Akala ko mamamatay kana hehe." Nag peace sign pa ako sa kaniya. Umirap siya at bumuntong hininga sa inis.

"I'm just kidding tita. Kamusta ka po, nahihilo ka ba o may iba kang nararamdaman na masakit?" Pag seseryoso ko ngayon sa kalagayan nya.

"Maayos naman na ako, huwag mo na akong alahanin. Did you cut your class because of me?"

Umiling ako. Hinawakan ko ang kamay niya. "It doesn't matter, Tita. Ako na ang bahala don.. ikaw po ang mahalaga ngayon. Nasabi na ba sa 'yo ng doktor na pwede ka ng lumabas?"

She nodded. "Hihintayin ko siya. Ang sabi niya'y okay naman na daw ako." Tita said.

Sa nakalipas na taon. Tita is our mother. She's the one who took care of us, sa aming mag kakapatid. Siya ang humahawak sa lahat ng ari-arian na iniwan ng mga magulang ko at nila lola at lolo. Behind her white hairs' tita's beauty can't hide it. Kadalasan ay napagkakalaman kaming mag kapatid although 36 years old na siya, at siya ang mas bata kaysa kay Mommy.

Dumating ang doctor. Tinulungan namin si Tita na na discharged sa hospital. Ang mga gamit ay nasa sasakyan na at ganoon din si Tita.

"Bumalik kana sa klase mo, Liann. Ako na ang bahala kay Tita." Kuya Gio said.

"I will see you tonight at house. Mag pahinga ka ha?" Sabi ko kay Tita. Ngumiti siya at tumango sa akin habang hawak ang aking kamay na hindi parin binibitawan.

"Go back to school. Mag explain ka nalang kung bakit ka nag cut." Kuya added.

Tumango ako. Kuya Gio went inside the car and they drove away. Hinintay kong makaalis ang sasakyan at sumakay sa jeep.

Nasaan na kaya si Knight in shining armour ko? Ka-batch ko kaya siya? O baka nag wo-work na? Kaso ayoko naman ng mas matanda sa akin. Pero okay lang naman if ahead sa akin ng 2 to 3 years. Ayoko lang naman ng sobra. Bawal kumontra, opinyon ko 'to, charot.

My day went well after the incident of Tita. Ako na ang nag asikaso sa gawaing bahay. I took care of Tita, of course. Nag aral ako dahil may exam na naman bukas. Literal na everyday ata 'yon sa isang major subject, valid naman ang kaso halos patayin na kami sa mga quizes. Kulang nalang nga pati every night namin may quiz narin e.

The next day, nilibot ko talaga kasuluk sulukan ng bahay para lang mahanap si Tita dahil baka mamaya naging langgam na siya o kaya ipis. Pero mabuti naman ay hindi, tao parin siya nang tiwagan ko kung nasaan siya. She said she has a lot of work to do kaya pumasok siya sa trabaho. Expected ko talaga iyon, dahil makulit siyang nilalang na nakatira sa Pilipinas.

Sa huli ako parin ang mag isa sa bahay kaya umalis nalang ako at sumakay sa jeep. Bumaba sa Mcdo upang kumain. Wala talaga 'to sa plano kaso na crave ako sa burger at fries nila. Umagang umaga nilalaklak ko na naman ang coke, kaya uti ang abot ko nito.

Papunta palang at papasok sa loob ng Mcdo ng makakita ako ng pusa. It's a stray cat.

"Swswsw."

Lumapit ako at umupo upang magtagpo ang aming mga mata. Hindi kona kailangan na ipilit siya sa akin na lumapit dahil siya na ang nag kusa at kiniskis ang sarili sa akin. At first, she's sniffing me pero kalaunan ay naka tihaya na siya at nagpapa kamot.

De Villiere #2 : Pointless DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon