Chapter 20
Nanginginig ang aking kalamlam habang nasa loob ng taxi na ito. I tried to calm myself, ngunit hindi nag patinag ang aking luha. Napahawak ako sa aking dibdib, at mahinang sinuntok 'yon habang humihikbi parin.
Why..
Sa dami ng tao.. bakit siya pa?
"Si l-lolo.. si l-lola kuya.. wala na sila?" Humikbi ako habang naka luhod sa kaniya.
Lumuhod rin siya upang mag pantay ang aming mga mata. Gaya ko rin ay namumula at naluluha ang mga mata. "W-wala na sila.. wala na sila mommy at daddy.. aki.."
Hinila niya ako at niyakap ng mahigpit. "T-tayo nalang dalawa.. hindi kita iiwan, hindi ka iiwan ni kuya.."
"U-ulila na tayo k-kuya?" Humikbi ako. "H-hindi ako naniniwala! Sabi ni mommy at daddy saglit l-lang sila! Babalik sila! Sabi nila babalik sila!" Nag wala ako at hinampas siya sa kaniyang dibdib.
Humagulgol siya at sinalag ang aking pag hampas sa kaniya, at pilit na niyakap ako. "Naaksidente sila a-aki.. patay na s-sila.."
"Hindi 'yan totoo!" Hinarap ko siya at tinulak siya sa kaniyang dibdib kaya napa upo siya sahig.
Agad akong tumayo at patakbong papalayo sa kaniya. Mabigat ang dibdib at umiiyak parin. Nagising na lamang ako nang umaga na walang natatandaan, bukod sa nangyari sa'min nila lolo dad at lola ma.
Wala na sila.
"Iha.. kumain kana.." sabi ni tita amai habang naka tutok sa akin ang kutsara. Nag iwas ako ng tingin sa kaniya at hindi nag salita.
Bumuntong hininga siya at ngumiti sa 'kin, bago tuluyang umalis at iniwan ang pagkain. Humiga ako sa aking kama habang tanaw-tanaw ang pintuan na kaniyang nilabasan. Maka ilang minuto lang ay tumayo ako para hanapin siya.
Rinig ko ang hikbi niya habang may kausap. "M-may pumatay sa kapatid ko at sa asawa niya?"
Humarap ang lalaki at bumuntong hininga at tumango ng dahan-dahan. Muling umiyak si tita maia. "Sino ang may kagagawan nito?"
"Isang.. abogado.. sa firm na ito-"
Bumigat ang aking talukap ng mata at natagpuan ko ang aking sarili sa lapag. Narinig ko ang kanilang boses na humihingi ng tulong. Ngunit, wala na akong narinig pa pag kalipas ng ilang segundo.
Marahas ang aking pag pasok sa loob ng bahay namin. Wala na akong pakielam kung narito ang hayop na 'yon. Basang basa ang aking pisngi dahil sa luha.
"Aliann, anong ginagawa mo rito?"
Napa tigil ako sa tono ng kaniyang boses.
"T-tita.." I whispered.
Nanlaki ang mata niya, at suminghap.
"T-tita.. s-sila.. sila.."
"Aliann, ang sabi ko'y anong ginagawa mo rito?!" Sigaw niya habang mariin akong tinignan.
I gasped and met her eyes. Naka tikom ang kaniya mga palad. "Hindi ba't ang sabi ko, huwag na huwag kang pupunta rito hangga't hindi ka nag sosorry sa tito mo?!"
Nahulog ang aking luha, isa pa 'yon.
"T-tita.. m-may s-sabihin po a-ako.."
Nag iwas siya ng tingin at nag tiim ng panga. "Umalis kana,"
Pumarte ang aking labi sa kaniyang sinabi. Kumabog ang dibdib, kahit nang hihina na. Patuloy ang pag ragasa ng aking mga luha.
"T-tita.. kailangan kita.."
BINABASA MO ANG
De Villiere #2 : Pointless Days
Ficción GeneralMiguel Traise. Miguel Traise is the eldest son of De Villiere. He's known as a submissive son, focused and has a goal in his life. Traise took legal-management because his dad wanted him to take that course, and he obeyed his father. Until he met h...