####################################
Note Eleven: A Little Help
####################################
JAMES POV
(..Hindi ko maintindihan kung bakit hindi nya ako pinapansin now. :( Mukhang malalim iniisip nya kanina. Hindi ko maiwasan na baka dahil kay bruhilda. Alam mo.. gusto ko sana subukan yung suggestion mo na pagselosin sya para malaman kung ano ba nararamdaman nya para sa akin. Kaso san naman ako kukuha ng ganun? Una, wala namang may gusto sa akin. Ikalawa, wala naman akong ibang kaibigan kung hindi ikaw at si JJ. Isama na natin yung pinsan nya, kaso alangan magpatulong ako dun eh pinsan nya yun. Hindi naman pwedeng tulungan mo ako baka magkagalit pa kayo ng GF mo. Ano kaya gagawin ko?)
Mukhang sya naman ang may problema ngayon.
Dahil sa payo nya, naging okay na kami ni Nads.
Buti na lang may secret friend akong tulad nya.
Nag iisip ako kung ano naman kaya pwede kong maitulong sa kanya since sya naman ang may problema.
Ah!! Biglang gumana ang bumbilya sa utak ko.
(Axis ganito.. bukas nang umaga, mga 7am, magkaayos man kayo o hindi, may papatambayin akong kaibigan ko sa may unang bleacher ng main gate. Tabihan mo sya. Sasabihan ko itong kausapin ka. Sya na bahala sa iyo. Mabait ito kaya safe. Kukwento ko na lang sa kanya kung ano mangyayari basta gumamit ka ng pink na panyo palatandaan. Gwapo ito kaya tiyak na magseselos sya dito. Wag ka lang maiinlove ah haha. Yun lang kaya kong maitulong sa iyo bilang pasasalamat sa payo mo)
Pagkatapos ko isulat ito.
Agad kong hinanap si Franz. Best friend ko sya at dakilang playboy sa school namin.
Agad ko naman syang nakitang nakikipagharutan sa mga babae sa corridor.
"Tol" bati ko
"Tol" bati nya.
Umakbay ako sa kanya para makaalis sya sa grupo ng mga babae.
"Teka lang girls ah" pagpapaalam nya sa mga kausap nyang babae. "Ano problema tol?" tanong agad nya.
"May favor sana ako tol" sabi ko. "May kaibigan kasi akong second year. Gusto sana nya pagselosin boyfriend nya eh"
"You mean ako gagawa?" tumbok agad nya ang sasabihin ko at napatango ako. "Chix ba yan?" tanong aniya.
Inisip ko muna ang sasabihin ko baka kasi pag sinabi kong hindi ko pa nakikita eh pagtawanan nya ako.
"Hindi eh. Walang nagkakagusto kaya nga humingi ng tulong eh" sabi ko base na din sa sinabi ni Axis.
"Okay sige. Alam mo naman malakas ka sa akin" sabi agad nya.
"basta magkita kayo bukas ng umaaga mga 7 am. Uupo sya sa may unang bleachers may pink na panyo sya. Kausapin mo lang. Patawanin mo hanggang mapadaan boyfriend nya" sabi ko.
"sige sige tol." excited na sabi nya. "ayos yan para may silbi na din charm ko hehe"
"Salamat tol" sabi ko pagkatapos.
Ayan ayus na. Hope gumana ang plano ko.
Pagkatapos ko kausapin si Franz, hinanap ko na man si Nads.
Ayun nakita ko na sya sa cafeteria may kausap na lalaki na nakatalikod kaya agad ko syang nilapitan.
Nilingon ko agad kung sino yung lalaki at nagsalubong naman ang kilay ko nang makita kung sino.
BINABASA MO ANG
My Notebook Friend (Completed)
Teen FictionSabi nila, ang buhay daw ay super mysterious. Hindi mo malalaman kagad kung ano ba ang dapat na nakalaan sa iyo. Eh paano kung isa ka sa umaasa na mabago buhay mo? Paano kung ang isang notebook ang magpapabago ng buhay mo? Will that notebook leads y...