NOTE TEN: Clueless

289 17 0
                                    

####################################

Note Ten: Clueless

####################################

ALEXYS POV

Nakatulog na naman ako sa library.

Pag gising ko, napansin ko ang notebook na nakabuklat. Nakalimutan ko sigurong isara.

Bago ko isara, napansin kong may sagot na si James.

Teka andito sya?

Nakita ba nya ako?

Nilingon lingon ko ang paligid nagbabakasakaling andito pa sya bago ko binasa ang sulat nya.

Kaso wala naman halos katao tao maliban sa librarian at ang lalaking laging tulog sa gilid.

(Sinubukan ko yung ginawa mo. Salamat effective sya. Hindi ko masabing kami ulit pero sabi nya bibigyan nya uli ako ng isa pang chance. Kapag nagkabalikan kami, lilibre kita ah.

Tungkol naman sa problema mo. Naku mahirap nga yan pag ganun. Bakit hindi mo kaya pagselosin? Pag nagselos sya ibig sabihin gusto ka talaga nya pag hindi, baka totoo nga ang sinabi nung bruhildang iyon. Goodluck sa atin)

Hmmm san naman ako maghahanap ng taong ikakaselos nya? Eh sya nga lang friend ko dito.

Bumalik na din ako sa classroom pagkatapos.

Nung uwian, hinihintay ko na sunduin ako ni JJ ng classroom kaso mukhang wala syang balak.

Siguro busy sya kaya umuwi na lang ako kagad.

♥♥♥♥♥

Kinabukasan, excited akong pumasok.

Kaya super aga akong dumating sa school.

Inabangan ko si JJ sa may corridor.

Ipinagluto ko kasi sya ng lunch pack bilang pasasalamat sa pagiging mabait nyang boyfriend sa akin.

At higit sa lahat, binigyan nya ako nang bagong friend, si Teddy.

Makalipas lang nang unting minuto, dumating din sya.

Hinihintay kong lumingon sya banda sa akin kaso parang malalim iniisip nya.

Padaan na sya sa may harap ko at aakma na akong batiin sya kaso nagulat ako nang derederecho syang naglakad.

Animo'y hindi nya ako nakita.

Nalungkot ako bigla.

Hindi ko alam kung bakit pero nasaktan ako sa ginawa nya.

Naglaho bigla ang excitement ko sa ginawa nya.

Pero I need to be optimistic.

Siguro, hindi nya lang ako napansin.

Siguro may problema sya. Mukhang sobrang lalim kasi ng iniisip nya eh.

Balak ko sanang silipin sya sa loob ng classroom nila kaso baka madisappoint lang ako.

Kaya pumasok na lang ako sa classroom at umupo.

Napasulyap ako bigla sa grupo nila bruhilda na malakas na nagtatawanan habang nagkukwentuhan.

Sumagi ulit sa isip ko yung sinabi ni bruhilda kahapon na ginagamit lang ako ni JJ.

Posible kayang totoo yun?

Paano nga kung totoo?

Ano gagawin ko?

Hindi pa naman ako sanay sa ganitong sitwasyon.

Nagsimula ang klase pero buong time lutang ako.

Sumapit ang lunch pero hindi man lang nya ako kinakausap.

Ni hindi ko nga sya nakita sa canteen eh.

Hindi ko din makita si Mitch di ko tuloy matanong kung anong nangyayari.

Paulit ulit na sumasagi sa isip ko yung sinabi ni bruhilda.

Siguro nga totoo..

Bigla akong nanghina.

Dahil mag isa na lang din naman ako, dumerecho na lang ako sa library at dun magtago.

Pagkadating ko dun, nakita ko ulit yung notebook. Binasa ko ulit yung last conversation namin ni James.

Pagselosin... tumatatak ito sa isip ko.

Eto lang ang way para malaman ko kung ano nararamdaman nya para sa akin.

Agad kong kinuha ang ballpen ko mula sa loob ng bag ko. At nagsulat muli.

(Help! Paano ko pagseselosin? Wala akong ibang kilalang lalaki. Maliban sa iyo)

Sana matulungan nya ako.

My Notebook Friend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon