NOTE Twelve: Success!!

287 12 0
                                    

####################################

Note Twelve: Success!!

####################################

ALexys POV

Nagselos sya!

Meaning seryoso talaga sya sa akin.

Kung may nakakakita lang sa akin now for sure iisipin nilang baliw ako.

Abot hanggang tenga ba naman ngiti ko eh.

Buti na lang andito ako sa library.

May gagawin kasi akong assignment eh.

Pagkatapos kong gumawa, chineck ko din yung notebook friend ko baka kasi nagsulat sya.

Mukhang wala syang sulat now. Busy siguro.

Kaya agad akong tumayo para makapunta na sa classroom ko.

Hindi pa ako nakakalabas ng library ng mapansin ko si France yung kumausap sa akin kahapon. Siya yung friend ni notebook friend James na tumulong sa akin.

Nagbabasa sya ng libro sa isang tabi. Binalik ko muna ang hiniram kong libro saka lumapit sa kanya.

Kinalabit ko sya.

Tinignan nya ako at nginitian ko sya.

Umupo ako sa may tabi nya.

"Hi." bati ko.

Nakatitig sya sa akin na tila kinikilala nya ako.

Awkward. Eto pa naman ang first time kong ako ang lumapit para makipag usap.

Need ko kasi magpasalamat kasi hindi ko nagawa kahapon dahil hinila agad ako ni JJ sa sobrang selos nya.

"Ako yung friend ni James na tinulungan mo kahapon. Salamat pala ah. Nakalimutan ko mag thank you sa iyo" pabulong kong sinabi para di ako makastorbo sa iba.

"James?" takang tanong nya.

Nagtaka din ako kasi bakit di nya kilala. Pero naalala ko na baka gumamit din sya ng ibang name tulad ko.

"ah.. basta thank you sa ginawa mo kahapon. Pasensya na kung umalis agad ako ah na di nagpapaalam. Hinila na kasi ako." sabi ko.

"Oh that girl sa bleacher right?" he asked and I just nodded. "Now I remember" nginitian naman nya ako.

"O sige una na ako. Nagdropped by lang ako para magthank you" sabi ko. Tumango lang sya kaya umalis na ako.

Bumalik na agad ako sa classroom.

★★

"So what are you and JJ now?" napalingon ako bigla sa grupo nila Bruhilda.

Ang nagsabi nun ay si Mikay, isa sa mga friends nya.

Napansin ko din na nilingon muna ako ni Bruhilda bago sumagot.

"For now, we're good friends." sabi ni Bruhilda na halatang nilakasan para iparinig sa akin. "But not for long." dugtong pa nya.

Ano kaya ibig nyang sabihin sa not for long?

"Bagay kayo friend. You'll be the hottest couple pag nagkataon" sabi pa nung isang kaklase namin na friend nya.

"Ofcourse!" Bruhilda with her sarcastic tone. "kaya nga pinagbibigyan ko lang yung mga nagpapantasya sa kanya habang hindi pa kami kasi pag naging kami na, maiinggit ang lahat." sabay tawa nila.

"Eh kelan mo naman balak maging kayo?" tanong naman nung isa pa nyang friend.

"Malapit na." yung ngisi nya nakakaloka. "Hindi nya kasi alam kung paano makipagbreak ng derecho kaya dinadahan dahan pa daw nya" sabi nya.

Nakaramdam ako nang inis sa sinabi nya.

At the same time, nalungkot ako kung saka sakaling ganun nga ang balak ni JJ.

Pero nanaig pa din sakin ang tiwala ko kay JJ lalo na ngayong napatunayan kong mahalaga ako sa kanya.

Natapos ulit ang nakakabagot na klase.

Nagulat ako nang paglabas ng classroom, nakita ko na nakatayo si France.

Ngumiti sya agad sa akin kaya alam kong ako ang sadya nya.

"Hi" bati nya sa akin. "Napadaan lang ako since medyo nakonsensya ako kanina.. you know.. the way I act. I just want to personally apologize to you" hindi ko talaga maintindihan kung ano dapat nyang ikasorry. Wala lang naman sa akin yun.

"Ay naku wala yun." sabi ko sa kanya. "ako nga dapat magpasalamat kasi kung hindi dahil sa inyo ng friend mo, baka hanggang ngayon nababaliw pa ako sa kakaisip hehe" dagdag ko.

"By the way, this may sound rude but can I ask your name again? I forgot eh" napakamot pa sya sa ulo ng tanungin yun.

Nginitian ko na lang sya "Alexys." sabi ko at inabot ang kamay ko para makipag shakehands.

Kinamayan din nya ako.

"By the way where's your..." hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko eh naramdaman ko na lang na may umakbay sa akin.

JJ? (o.o?)

Bakas sa mukha nya ang selos kaya medyo sa isip ko ay tumatawa ako ng malakas.

Ang sama sama kasi ng tingin nya kay France.

"I guess I need to go." naiilang na sabi ni France. "Nice to meet you Alex" sabi nya at sumensyas na paalis na.

"Sige bye" sabi ko.

"Tss." nakita ko ang pag ismid nitong si JJ habang sinusundan ng tingin si France na naglalakad palayo.

Tinignan ko lang sya habang nakangisi.

"What?!" bulalas nya ng makita ako.

"Wala lang" sabi ko. "Bakit ka nga pala andito?" tanong ko.

Normally kasi pag uwian lately, busy sya sa student org o kaya may lakad sila ng barkada nya kaya di kami nagsasabay.

"Hahatid kita ngayon. Nakalimutan mo na ba?" sabi nya.

Ay oo nga pala.

Sabi pala nya sa akin kahapon na hatid sundo na ako kaya pala andito sya.

Buti na lang hindi pa ako nakauwi kung hindi, lagot na.

"Hehe.. Kala ko kasi di totoo" pagpapalusot ko.

"Tss. Tara na" sabay kuha nya sa bag ko.

At syempre kinuha din nya ang kamay ko kaya hhwwitc (holding hands while walking inside the campus) kami.

Nagmeryenda muna kami ng streetfoods at pagkatapos nun, hinatid na nya ako pauwi.

My Notebook Friend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon