Note Six: Brokenhearted James!

296 17 0
                                    


####################################

Note Six: Brokenhearted James!

####################################

JAMES POV

Ayoko pa sanang pumasok ngayon pero hindi pwedeng ganito.

Dumerecho muna ako sa library.

Umupo uli ako sa bandang dulong gilid. At kinuha ulit ang notebook para maglabas ng sama ng loob.

Napansin ko din na ang dami ding sulat ni Axis dun.

Kaya binasa ko muna ito.

(NO CHOICE KAMI NA. Haizt nung una skeptic ako kaso sobrang baet nya... sweet maalaga sa akin. First time kong matrato nang ganito. Masaya ako sa ginagawa nya kahit unang araw pa lang namin. Pero syempre hindi ko pinapahalata. Kinikilig ako shemayy.. hihi.. ito na ba ang sinasabi nilang love? Naku maaga pa bago malaman yun di ba? hehe.)

(o musta ka na? Namiss ko reply mo hindi ka na nagrereply ah? May nangyari ba? Hope okay ka lang. Ako eto second day namin. Ganun pa din pinapakilig nya ako. Kaso umepal na naman si bruhilda. Inaaway na naman ako. Pagkaharap si Bf, parang santa sa baet pero pag kami na lang, grabe ang patutsada ng dila. Iniintindi ko na lang. Lakas kasi ata ng tama nya kay bf kaya nagseselos. Hindi ko naman kasalanan di ba kung gusto ako ng gusto nya? Nakakasira sya ng araw. Gusto ko sanang sabihin yun kay BF kaso baka isipin nya na naninira ako ng kapwa. Kaya wag na lang.)

(Oh hindi ka na nagrereply ah? ganun ba talaga kabusy ang fourth years? Ako eto napofall na ata ako sa kanya. Ewan ang bilis. Natatakot ako baka mabilis din sya mawala.. Alam mo ba pumunta sya sa bahay namin at umakyat ng ligaw. Nagulat nga ako eh. Pero infairness, gusto sya ng mama ko ah. Hope okay ka lang. Andito lang ako friend ah)

(Tsk. Pinagtripan na naman ako ni bruhilda. :( gusto ko na sanang sabihin kay BF yun kaso nalaman kong magkakabata sila. Nakakalungkot kasi alam kong pag sinabi ko, talo ako. Kababata yun eh. Iniisip ko na lang na mahal ako ni bf kaya titiisin ko na lang muna)

(Aww.. okay ka lang ba? I miss you)

(Hindi ka na talaga nagparamdam ah. Namimiss kita. Naiisip tuloy kita kung ano itsura mo. Pumunta ako sa room ng fourth years baka sakaling makita kita. Gusto sana kita kamustahin kaso mali naman ata binigay mong pangalan. Siguro ikaw yung sinasabi nilang may sakit na di pumapasok hehe. Pagaling ka ah)

(Tsk. Epal na naman itong bruhildang ito. Naiinis ako kasi mas inuna pa ni BF yung babaeng yun. Pareho kasi silang nasa student council eh. Ewan ko ba bakit nakasali yung babaeng yun. Naghihintay tuloy ako na matapos sila kainis. Sana gumaling ka na para makapasok ka na. Get well soon. :))

Nakakatuwa talaga itong babaeng ito. Nawala tuloy sa isipan ko yung gusto kong isulat.

(Buhay pa ako. Medyo hindi pa ako magaling. Puso kasi tinamaan eh. :( Sya nga pala student council din ako. Naku baka kakilala ko BF mo at yang bruhildang yan. Mahunting nga? hehe joke lang. Congrats pala may bf ka na. Ako? Eto wala na kami :( ..)

Napahinto ako sa pagsusulat ng makita kong pumasok sa library si Nads.

Uupo ata sana sya sa pwesto ko kaso nagkatinginan kami at nilihis na lang nya ang tingin nya at tumalikod umalis.

Agad kong isinara ang notebook at tinabi sa gilid.

Sinundan ko siya.

"Nads" sigaw ko para mapahinto sya at huminto naman sya.

Hindi ko alam kung ano sasabihin ko pero nagbabakasakali akong pwede pang maayos.

"Kamusta ka?" tanong ko.

Pero hindi sya sumagot.

Bumalot ang katahimikan sa aming dalawa.

"James.." banggit nya bigla. "I am okay dont worry. I hope you too" sabay ngiti nya sa akin. "I need to go.." sabi ulit nya.

Hindi na ako nakapagsalita.

Nanghihina ako bigla.

Madami sana akong gusto sabihin pero parang wala lang sa kanya.

Bumalik ako uli sa library since gusto ko muna mapag isa.

Hanggang sa tinuloy ko na ulit ang pagsusulat ko.

Kaso nagulat ako nang may sagot agad si Axis.

Lumingon agad ako sa paligid.

Kaso lalaki lang ang nandun na natutulog.

Lumabas pa ako para sumilip kung sino.

Andito pala sya kanina.

(Aww bakit? Ano nangyari? Dumaan lang ako dito kasi may inutos sakin..Sinilip ko lang kung may reply ka. Masaya ako at nagreply ka. Kung ano man yan, cheer up lang. Pwede kang magemote dito. Friends tayo. Makikinig ako. este magbabasa pala ako hehe)

Sulat nya sa notebook.

(Nandito din ako. Bakit hindi kita namalayan..Ah baka nung lumabas ako. Sinundan ko pa kasi si Nads. Gusto ko sana kausapin sya tungkol sa amin kaso di ako makapagsalita. Ang masakit pa nun, mukhang okay naman sya. Ang sakit sobra para akong walang gana sa mundo ngayon. Ni hindi ako makapasok sa classroom. Hindi ko na alam gagawin ko.)

Napatitig ako sa labas.

Humihinto mundo ko dahil kay Nads.

Mahal na mahal ko talaga sya.

Hindi ko na talaga alam gagawin ko.

My Notebook Friend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon