Note Thirteen: TRUST

239 12 0
                                    

####################################

Note Thirteen: TRUST

####################################

JAMES POV

Ilang araw na akong iritado dahil dyan sa Francis na yan.

Lagi kasing nakabuntot kay Nads eh.

Pinipigilan ko lang sarili ko dahil ayokong mag away kami ni Nads.

Kahit may tiwala ako kay Nads, sa lalaking yun wala akong tiwala.

"Nakakunot na naman noo mo" puna ni Mimi sa akin.

"May epal kasi sa paligid" pabulong na sabi ko sa kanya habang nakatambay kami sa may bleachers.

"Relax ka lang cuz. Maya manuntok ka na lang sige ka babadshot ka" payo sa akin ni insan.

Sinusubukan ko naman kasing magrelax pero kumukulo talaga dugo ko dyan sa lalaking yan.

Maya maya'y lumapit na si Nads sa amin.

"Pasensya na. Nagpatulong kasi si Francis eh" sabi ni Nads. "Selos ka na naman" biro pa nito.

"Hindi ah" sabi ko. "chill lang ako"

"Asus. Nararamdaman ko usok ng ilong mo kanina pa" pagbibiro ulit ni Nads at tumawa naman si Mimi.

"Sige pagtulungan nyo ako. Kayo talagang dalawa lagi nyo na lang akong pinagkakaisahan" sabi ko.

"Hala napikon na Nads" biglang biro ni Mimi.

Lumapit naman si Nads sa akin at agad nyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Di ba hindi ka pikon babe? Love mo ako di ba kaya di ka mapipikon" malambing na sabi nya.

"Oo hindi. Pasalamat ka mahal kita" sabi ko sabay sunggab nang yakap sa kanya.

"Eww.. PDA!" mapaklang sabi ni Mimi.

"Inggit ka lang!" Sabay naming sabi ni Nads.

Naalala ko bigla na magpaparty yung isang friend ko sa Sabado, which is bukas na.

"Babe ano sasama ka ba sa bukas?" natanong ko bigla. Hindi pa nya kasi sinasagot kung sasama ba sya.

"Babe baka hindi eh. Alam mo namang dami akong gagawin. Bawal pa ako mag absent sa part time job ko. Sorry." nalungkot bigla sya.

So ako lang talaga mag isa.

Hindi din sasama si Mimi since magmamarathon daw sya ng korean dramas nya.

♥♥♥♥♥

Kinabukasan, hindi ko ineexpect na muli kaming mag aaway ni Nads.

Paano ba naman yang pesteng Francis na yan. Panay akbay sa kanya. Kaya ayun hindi ko nacontrol sarili ko. Nasuntok ko sya.

Parang nang iinis pa sya. Alam naman nyang nasa harapan ako. Ayun nagalit tuloy si Nads sa ginawa ko.

Nagpalamig muna ako.

Pumunta ako nang party kinagabihan para makapag unwind din.

Nakikipagkwentuhan ako sa mga barkado ko nang bigla akong lapitan ni Margaux.

"Buti pinayagan ka ng girlfriend mo. Balita ko nag away na naman kayo kanina" sabi nito na tila tipsy na.

"Ah wala yun. Alam mo naman na away bati kami nun" sabi ko.

Lumapit pa sya lalo sa akin at halatang lasing na talaga sya kaya medyo inaalalayan ko sya.

"Alam mo hindi ko maintindihan sa iyo kung bakit mo nagustuhan yun" sabi nya. "Away bati kayo. Bakit di na lang kasi kayo mag hiwalay" sabi pa nya.

"Hindi mangyayari yun. Mahal ko si Nads. Hindi ko kaya mawala sya" sagot ko.

Nagulat ako nang bigla syang tumawa tapos maya maya'y umiiyak na.

"Alam mo ang tanga tanga mo James. Magmamahal ka lang sa pangit pa. Andito naman ako James. Bakit hindi na lang ako ang mahalin mo?" sabi nito.

Hindi na din siguro nya alam pinagsasabi nya. Lasing na kasi.

"Wag kana kasing umi---" naputol ang sasabihin ko nang bigla nya akong sunggaban ng halik.

Agad ko syang itinulak.

"What the hell, Margaux!!" inis na sigaw ko.

Sabay punas sa labi ko.

Natumba sya sa may gilid pero nasalo sya nang isang kaschoolmate din namin.

"Pare" kalabit sa akin ni Franz. "Si Nads andito kanina" bulong nya.

"Shit!" bulalas ko at agad hinanap sya.

Kaso hindi ko sya mahanap.

Kahit nakainom ako at gabi na, tumungo ako sa bahay nila.

Halos magkasunod lang kaming dumating.

Nakasakay din sya ng taxi.

"Babe wait lang" sabi ko habang nagmamadali syang pumasok sa bahay nila.

"I Trust You. I did Trust you" naiiyak nyang sabi sabay sarado ng gate nila.

Shit!

I ruined everything..again!


My Notebook Friend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon