####################################
Note Seven: Sweet Boyfriend
####################################
ALEXYS POV
Nalungkot ako bigla para kay James.
Mukhang matindi pinagdadaanan nya. Kaya siguro nagkasakit sya dahil dun.
(Cheer up sabi! Hindi ko alam kung ano pakiramdam ng brokenhearted pero sana lakasan mo loob mo. Kung ayaw nyang makipagusap edi suyuin mo ulit. Hindi ba ikaw nagsabi sa akin na dapat araw araw nililigawan ang babae. Kaya ligawan mo ulit. Kung mahal mo talaga sya, gawin mo. Pasensya na yun lang kaya kong sabihin sa iyo hehe)
"Oh sabi na eh andito ka eh" napatingin ako bigla kay JJ tapos napalingon din ako sa kasama nyang babaeng may salamin. "Sya nga pala pinsan ko si Mitch. Gusto ka daw nya makilala eh"
"Hi" bati ko sa kanya.
"Haha.. dami kasing kwento nito sa iyo eh. Now I am glad nameet na kita" sabi pa.
"So tara na girls, lunch tayo" yaya ni JJ.
Kaya sabay sabay na kaming pumunta ng canteen.
"Alam mo bang ang tagal ka na nitong gusto. Bata pa lang kami kinukwento ka na nya samin" kwento bigla ni Mitch.
Ewan ko ba pero kinilig ako sa sinabi nya.
"Oi tumigil ka nga. Wag mo ako ipahiya" awat ni JJ sa kanya.
"haha bakit namumula ka? totoo naman kasi sinasabi ko" pangaasar pa ni Mitch.
"sungalngalan kita dyan eh" sabi ni JJ habang pinitik ang noo ni Mitch
"Aray" sabay bawi ng pitik ni Mitch sa ulo ni JJ.
Natawa ako bigla at napalingon silang dalawa sa akin at tumawa.
Ang cute nilang magkulitang magpinsan. Habang tumatagal, andami ko nang nalalaman kay JJ.
After lunch, dahil vacant namin at vacant din nila, niyaya ako ni JJ sa music room.
"Upo ka dyan" Pinaupo nya ako sa isang upuan sabay kuha nya ng gitara sa gilid.
"Ano gagawin mo?" tanong ko.
"Obvious ba? Kakanta syempre" sabay ngiti nya sa akin.
Ewan ko ba naexcite ako bigla sa gagawin nya.
Tinono muna nya ng gitara at saka pinatugtug.
♬♪Uso pa ba ang harana
Marahil ikaw ay nagtataka
Sino ba itong mukhang gago
Nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba
Puno ang langit nang bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa iyong tingin ako’y nababaliw.. giliw
At sa awitin kong ito
Sana’y maibigan mo..♪♬
Kinakanta nya ang HARANA. Kinikilig ako sobra habang pinapakinggan ang boses nyang napakaganda.
"Nagustuhan mo ba?" tanong nya pagkatapos ng kanta.
"oo naman ang ganda pala ng boses mo pagkumakanta" natutuwa kong sabi.
"teka lang ah" sabay tumayo sya at may kinuha sa may labas.
Nagulat ako nang pagbalik nya ay may dala na syang malaking teddy bear at bouquet ng tulips.
Iniabot nya ito sa akin. "Happy weeksary baby ko"
Ramdam ko ang bakas na pamumula ng mukha ko. Sobra sobrang kilig ang naramdaman ko habang tinatanggap ko ang bigay nya.
Sobrang saya ko sa pinaparamdam nya sakin kaso natatakot din ako na baka hindi totoo lahat.
"salamat." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap sya.

BINABASA MO ANG
My Notebook Friend (Completed)
Teen FictionSabi nila, ang buhay daw ay super mysterious. Hindi mo malalaman kagad kung ano ba ang dapat na nakalaan sa iyo. Eh paano kung isa ka sa umaasa na mabago buhay mo? Paano kung ang isang notebook ang magpapabago ng buhay mo? Will that notebook leads y...