Note Eight: The Witch

308 17 0
                                    


####################################

Note Eight: The Witch

####################################

Alexys POV

Kaso nawala bigla ang sweet moments ng biglang pumasok sa Music room si bruhilda.

Hmp. Natunugan sigurong andito kami.

Nakatingin sya sa amin at sa binigay sa akin ni JJ. Then, bumaling ulit atensyon nya kay JJ.

"Nandito ka lang pala. Tara na may meeting pa tayo" sabay hila nya kay JJ at inirapan ako.

Kaloka itong bruhang ito. Tss.

"Babe kita tayo mamaya ah" sabi nya sa akin before umalis.

Pagkaalis nya kinuha ko kagad ang binigay nya kaso before pa ako makaalis nagulat ako ng bumalik si Bruhilda.

"Nakalimutan ko nga pala" sabi nya sabay agaw ng hawak ko.

"Teka ano ba ginagawa mo. Akin ito" sabay hila ko din sa teddy bear. Nahablot nya ng bulaklak pero hindi ko pinakawalan ang teddy bear.

"Hindi naman kasi para sa iyo yan. Hindi mo pa din ba magets? ginagamit ka lang ni JJ para pagselosin ako." Nagulat ako sa sinabi nya pero nanaig sa akin ang tiwala kay JJ. "hindi ka ba nagtataka kung bakit nalaman ko na andito kayo? Pinapunta nya kasi ako para lang makita ang eksena nyo. Tsk. Stupid Loner!"

Hindi ko alam kung maniniwala ako pero parte sa akin ang nanlumo na baka totoo ang sinasabi nya.

Hinila pa din nya yung teddy bear pero di ko hinayaang makuha nya ito kaya tumigil na din sya.

"Girl wag ka magpakatanga. Payo yan sa iyo" sabay irap at umalis na.

Hindi ko alam gagawin ko.

Ginagamit lang ba ako ni JJ?

Pero nanaig talaga sakin na hindi.

Pumunta ulit ako sa library.

Dahil sa notebook, gumagaan pakiramdam ko kasi feeling ko may taong nakikinig sa akin.

Kaya muli akong nagsulat kahit alam kong may problema din si friend.

(Help! Hindi ko alam kung ano paniniwalaan ko. Sabi kasi ni bruhilda na ginagamit lang daw ako ni BF para pagselosin sya. Ewan ko ba parang parte sa akin na naniniwala sa kanya. Paano ba naman kasi kung nasaan kami, andun din sya. Tapos now sinorpresa ako ni BF sa music room, eh bihira lang pumupunta dun. Hindi kasi daanan yun di ba? pero sumulpot sya bigla dun :( kinikilig pa naman ako tapos eto nangyari...)

After ko magsulat, napahiga ang ulo ko sa lamesa habang yakap yakap ang teddy bear.

"Teddy wag mo ako iwan ah. Sana hindi nya ako niloloko" muntanga lang na bumulong ako dito.

Hindi ko namalayan na nakatulog ako.

My Notebook Friend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon