Note Three: First Friend

417 21 0
                                    

####################################

Note Three:  First Friend

####################################

ALEXYS POV

Tingin sa kanan.

Tingin sa kaliwa.

All Clear.

Pesteng lalaki yun. Hinalikan ba naman ako sa harap ng mga kaklase ko.

Feeling close masyado.

*FLASHBACK*

Nagaayos ako ng gamit ko nang biglang banggain ng kaklase kong babae yung upuan ko, kaya nahulog tuloy mga gamit ko.

"Ewww sorry" sarkastika nyang sabi. "Kadiri naman ng mga gamit mo halatang galing palengke." halos lahat nang nasa paligid ay nagtawanan.

Gusto ko sanang sumagot na oo palengke nga yan. Hindi ko naman afford bumili ng mamahalin. Kaso walang boses na lumalabas sa bibig ko.

Tinignan ko na lang sya nang masama.

"Ano tinitingin tingin mo dyan? Gusto mo bang sundutin ko yang mata mo?" mataray na sabi nito.

Ewan ko ba kung bakit ang hilig hilig nang babaeng ito na mantrip.

Malas lang ako napagtripan.

"Oi tama na yan" Napalingon kami lahat sa lalaki sa may pinto.

Si JJ.

Bakit naman andito sya? Ah oo nga pala friends sila nitong bruhildang ito.

"Kainis kasi tumingin nitong loner na ito. Palibhasa kasi walang friends" inemphasize pa nya ang word na friend.

Ewan ko ba kung bakit laki ng galit sa akin ng bruhildang ito.

"Sinong loner? Hindi naman sya loner" sabi naman ni JJ habang hindi ko naman namalayan na nakatayo na pala sya sa tabi ko.

"Tss. Nakakahalata na ako pareng JJ ah. Lagi mo yang pinagtatanggol" pang iinis pa nung isa pa nilang barkada.

"FRIEND ko ito kaya wag nyo sya aawayin" sabi nya bigla na ikinagulat ko.

Tinignan ko sya ng masama habang nakatingin sya sa akin. Sabay bulong na.

"wag mo kong tignan ng ganyan, baka mahalikan kita dyan"

Napaatras ako bigla sa sinabi nya at nakita ko naman na napa ngisi sya.

Tinignan ko uli sya ng masama pero ewan ko kung ano ang nangyari at bigla na lang nya akong hinalikan.

Sobrang bilis nang pangyayari kaya sobrang bilis ko din syang nasampal.

*slap*

"Bastos!!" sigaw ko pagkasampal sa kanya at agad agad kinuha ang bag ko para makaalis.

Pesteng lalaking yun! Kabadtrip!

Kala ko pa naman ipinagtatanggol nya ako.

Isa din pala sya sa mantitrip sa akin.

Tsk.

Yung First kiss ko tuloy wala na!

﹋o﹋

Nagtago muna ako sa library.

Ayoko syang Makita.

Hindi ko namalayan na nagdodrawing na pala ako ng baboy sa notebook ni James. Padami ng padami.

Huhu. Mabubuntis na ba ako?

((﹋o﹋) Huhu.. Napagtripan ako ngayon ng mga kaklase ko. Nakakainis. Ang baboy nya! Akala ko pa naman ang bait bait nya pero ayun pala! Kuya, mabubuntis ba ako sa kiss? Hinalikan akong pig na yun! Kinuha nya first kiss ko huhu)

My Notebook Friend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon