Note Nine: Operation Suyu

279 17 0
                                    

####################################

Note Nine: Operation Suyu

####################################

JAMES POV

Napaisip ako sa sinabi ni Axis.

Tama sya dapat suyuin ko si Nads para bumalik loob nya sa akin.

Ako naman kasi may mali.

Dahil sa pride ko, nagkandaleche leche na tuloy lahat.

"Mimi ibigay mo naman ito kay Nads oh" sabi ko  habang inaabot ang chocolates na may card.

"Gawin daw ba akong delivery girl?!" taas kilay na sabi ng pinsan ko. "Bakit kasi hindi na lang ikaw ang magbigay nyan?" sabi pa nya.

"Alam mo namang iniiwasan ako nun eh" malungkot na sabi ko.

"Tss" sabi nya. "Lakas mo din kasi makipagbreak. Ayan ngayon hirap ka" pang iinis pa nito.

"Talaga bang dapat ipagdiinan pa? Oo na mali na nga ako di ba. Please Mimi. Maganda kong pinsan. Pakibigay yan ah" pambobola ko pa sa kanya.

"Oo na, sige na!" sabi nito sabay kuha ng ipinabibigay ko at umalis.

Maya maya'y bumalik din ito.

Kaso nawala ang ngiti ko nang makitang hawak pa din nya ang chocolates na ipinabibigay ko.

"Hindi nya tinanggap." malungkot na pagkasabi ko.

"Sorry cuz ah." sabi ni Mimi. "Pero cuz wag ka sumuko kasi kinuha naman nya yung card eh. Ayaw lang nya nito kasi nagdadiet daw sya." bigla akong nabuhayan sa sinabi nya.

Kahit papaano nagkaroon ako ng unting pag asa.

"Salamat insan ah." sabay tapik sa balikat nya.

"Wala yun. Goodluck sa panunuyo." sabi pa nya.

Dahil sa unting pag asa, nakaisip uli ako nang paraan para suyuin sya.

Pumunta ako sa music room at humiram ng gitara.

Balak ko syang kantahan.

Hinintay kong mag uwian.

Hindi na ako nakapasok sa last subject ko dahil gusto kong paghandaan ang gagawin ko.

Wala na akong pakialam kung ano magagalit sya sakin or what. Atleast sinubukan ko.

Tumunog ang bell.

Nakapwesto na ako sa may pintuan ng classroom nila.

Halos lahat ng kabatchmate ko kinakantyawan ako.

Pero kakapalan ko na mukha ko kahit hindi maganda boses ko.

Maya maya'y  lumabas na si Nads sa classroom nila.

Agad ko namang kumanta.

♬♪What would I do without your smart mouth

Drawing me in, and you kicking me out♬♪

Napahinto sya sa gulat nang makita ako.

♬♪You got my head spinning, no kidding, I can't pin you down

What's going on in that beautiful mind

I'm on your magical mystery ride

And I'm so dizzy, don't know what hit me, but I'll be alright♬♪

Patuloy akong kumanta. Maya maya'y nagmadali syang umalis palayo sana sa akin kaso mukhang natrap sya ng mga kaschoolmate ko dahil lahat sila pinalibutan na kami.

♪♬My head's underwater

But I'm breathing fine

You're crazy and I'm out of my mind♪♬

Nakatitig ako palapit nang palapit sa kanya habang kumakanta. Nararamdaman ko ang ilang nya pero lakas loob ko pa ding ipinagpatuloy ang pagkanta ko.

♪♬'Cause all of me

Loves all of you

Love your curves and all your edges

All your perfect imperfections

Give your all to me

I'll give my all to you

You're my end and my beginning

Even when I lose I'm winning

Cause I give you all of me

And you give me all of you, oh♪♬

Nang makalapit na ako at patuloy pa ding kumakanta, nakita kong tumulo ang mga luha sa mga mata nya.

Maya maya'y ngumiti sya habang patuloy pa ding naiiyak.

Agad ko syang niyakap nang mahigpit.

"Sorry babe. Sorry" naiiyak na sabi ko habang yakap yakap sya at sya naman ay umiiyak sa may dibdiban ko.

Kahit nakakahiya ang ginawa ko, masaya ako na ginawa ko ito.

My Notebook Friend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon