NOTE Nineteen: Goodbye Axis

249 14 0
                                    

####################################

Note Nineteen: Goodbye Axis.

####################################

JAMES POV

Nakailang balik na ako sa library.

Nakailang buklat na din ako nang notebook pero wala pa din.

Asan na ba yung Notebook Friend kong si Axis?

Tila hindi na sya nagpaparamdam.

May nangyari kaya sa kanyang masama?

Sana wala naman.

Lumipas ang mga ilang buwan, wala na akong narinig mula kay Axis.

Araw araw pa din akong pumupunta sa library kaso wala na syang reply.

Muli akong nagsulat sa notebook.

Eto na siguro ang pinakahuling entry ko dito.

Gagraduate na ako soon.

Aalis na ako sa school kaya malamang hindi ko na sya mamimeet pa.

Ang isang misteryosong kaibigan na nakilala ko nang dahil sa notebook.

( Dear Axis,
Siguro pag nabasa mo ito, wala na ako sa school. Gagraduate na ako bukas.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa iyo. Bigla ka na lang nawala. Sa totoo lang namimiss kita. Namimiss ko na sinusulatan mo ako.

Ilang beses akong pabalik balik dito sa library. Nagbabasakaling magreply ka kaso wala ka nang sagot. Sana okay ka lang. Sana nasa mabuti kang kalagayan.

Salamat Axis sa pagkakaibigan. Sa maikling panahon na nakilala kita, masaya ako na naging kaibigan kita.
Okay ka na kaibigan kaya wag kang matakot na makipagkaibigan sa iba.
Sana dumami pa ang kaibigan mo.

Hindi man lang kita nakita o nakuha man lang ang name mo. Hope someday makilala din kita. Aral ka nang mabuti ah.

Hinding hindi kita makakalimutan my Notebook Friend Axis. Salamat sa lahat ng tulong mo. Goodluck!)

Eto na ang naisulat ko.

Ayoko naman kasing umalis nang hindi nagpapaalam.

I guess, eto na talaga ang last.

Goodbye, Axis.

Goodbye my Notebook Friend.

My Notebook Friend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon