####################################
Note Fifteen: Upside Down
####################################
JAMES POV
Parang bumaligtad ang mundo.
Kung dati rati, ako ang sumusuyo kay Nads.
Pero dahil sa nangyari, ako na ang sinusuyo nya.
"James wait!" habol sa akin ni Alexa ng madaanan ko sya sa hallway.
Hindi ko sya nilingon habang patuloy na naglalakad.
"James sorry na.. wag ka na magalit sakin please" sabi nya habang nakasunod sa akin.
"James.. James" tawag sya ng tawag sa pangalan ko pero hindi ko sya nililingon.
Masama pa din kasi loob ko.
Feeling ko kasi wala ng tiwala ang relasyon namin.
Siya walang tiwala sa akin..
Ako din nawawalan na din ng tiwala.
Hindi sa kanya pero sa sarili ko.
Nawawalan ako ng tiwala dahil sa madalas na pag aaway namin.
Siguro nga nasa punto akong pagod na.
Mali man eto pero masakit na.
Napaupo na ako sa upuan ko nang makapasok na sa klase.
Tinabihan naman ako ni Nads habang may kinakalkal sa bag na dala nya.
"Tyarannnn!" napalingon ako kay Nads na tumabi sa akin. Para syang excited na bata nang mabuksan ang isang malaking chippy. "Alam ko fave mo ito"
Hindi ko uli sya pinansin.
"Ui, lumingon sya" pang aasar pa nya "say 'ahh' na baby susubuan kita" sabi pa nya.
"What are you doing?" kunot noo kong tanung habang inaakma nyang subo ang chips na hawak nya.
"I am feeding you your favorite" sagot naman nya.
"Nads.." huminga muna ako ng malalim bago sabihin ang susunod. ".. its over... we're over" sabi ko.
Sabay walk out sa class room.
Dumerecho ako agad sa library.
Gusto ko muna mapag isa at ito lang ang lugar kung saan tahimik ang buhay ko.
Binuklat ko kaagad ang notebook para magsulat.
(Axis musta?
Sya nga pala. Wala na kami. Pinakawalan ko na sya.
Nawalan na ako ng tiwala sa sarili ko.
Nawalan na akong kompiyansa sa relasyon namin.
Lalo na ngayong may iba nang umaaligid sa kanya.
Buti may nagsabi sa akin.
Lagi na lang din kaming nag aaway.
Nakakapagod din pala.
Mahal ko pa din naman sya pero gusto ko muna ipahinga ang puso at utak ko).Nag stay muna ako sa library ng limang minuto at saka bumalik ng classroom.
Nagbabakasakaling wala na dun si Nads.
Hindi pa ako nakakalayong maglakad nang makita ang eksenang mas nakakasakit para sa akin.
Namataan ko si Nads na umiiyak habang yakap yakap ng gagung Francis na yun.
Gusto ko sanang lapitan. Pero nagulat ako nang may humawak sa kanang braso ko.
"Tama Na James. Shes not worth it!"sabi ni Margaux.
Hinayaan ko na lang sila at sumabay kay Margaux maglakad.
Nagulat uli ako nang biglang nasa harap ko na si Nads.
"Dahil ba sa kanya?" umiiyak nyang tanong habang nakatingin sya kay Margaux.
"Whats your problem girl?" inis naman na sabi ni Margaux. "Look girl, he's mine now so stop being a cry baby." dagdag pa nito.
"Tama na yan" awat ko kay Margaux at hinila sya palayo kay Nads.
I dont think she deserves an explanation anymore.
Tapos na kami. Wala nang dapat pag usapan.
"I will wait for you James, tandaan mo yan" sigaw nya.
Pero hindi ko pa din sya nilingon.
"The nerve~ she' so slutty" sabay sabi ni Margaux na kinapintig ng tengga ko.
"Shut Up!" Napalakas ata boses ko. "You dont know her. You dont have the right to say that to her" sabay nauna na akong maglakad.
I broke up with Nads.
Pero hindi ko pa din hahayaan na may humusga sa kanya.
Ako ang nawalan nang tiwala at kompiyansa sa relasyon namin.
Its my fault not hers.
BINABASA MO ANG
My Notebook Friend (Completed)
Teen FictionSabi nila, ang buhay daw ay super mysterious. Hindi mo malalaman kagad kung ano ba ang dapat na nakalaan sa iyo. Eh paano kung isa ka sa umaasa na mabago buhay mo? Paano kung ang isang notebook ang magpapabago ng buhay mo? Will that notebook leads y...