####################################
Note Eighteen: Mysterious James
####################################
ALEXYS POV
Kinabukasan, hinanap ko kagad si France.
Hindi ko sya nahanap kahapon kasi may inasikaso pa ako.
Bawat classroom ng fourth years hinalughug ko.
Kaso wala akong nakitang France.
At ang weird, walang nakakakilala sa kanya.
"Baby sino hinahanap mo?" napalingon ako sa likod ko nang makitang nakasunod na pala si JJ sa akin.
"Ah si France" sabi ko. "may itatanong kasi ako"
"Eh bakit sa classroom ka ng fourth year naghahanap?" takang tanong nya.
"Eh saan ba dapat?" tanong ko.
"Babe kabatch natin sya ah. Bakit di mo alam? Taga kabilang section sya? Sa tabi lang ng room nyo?" nagulat ako sa sinabi nya.
"Eh?" sabi ko. "Tara samahan mo ako" sabay hila sa kanya.
Tumungo agad kami sa classroom nila France.
Andun nga sya.
Nakita naman nya kami agad kaya nilapitan agad nya kami.
"oi ano kailangan?" masayang bati nya.
Hindi agad ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung magtatanong ba ako since nakaharap din si JJ. Hindi ko naman ito mapapaalis dahil pinagseselosan nya itong si France.
"France itatanong ko lang kung nasaan si James?" tanong ko.
"Sinong James?!" sabay pa yung dalawa sumagot.
"oo nga pala nakalimutan ko. Baka hindi pala yun yung name nya" napakamot tuloy ako sa ulo. "Yung friend mo na nag utos sa iyo na pumunta dun sa bleacher.kung saan tayo una nagkakilala..".mukhang hindi nya maalala. "Yung time na pinagseselos ko ito" sabay turo kay JJ.
"Nice pinagseselos mo lang pala ako ah" ngising ngisi naman si JJ nang marinig nya yun.
"Wala namang nag utos sa akin." sagot naman ni France. "Hindi naman ako umupo dun dahil inutusan ako. Hinintay ko kasi baon ko nun kaya ako andun. Sino ba yung James na yun? Wala naman akong kilalang ibang James kung hindi yang si JJ" sabi pa nito.
"James ka ba?" takang tanong ko.
"Hala baby hindi mo ba alam? JJ means Jason James. Katampo baby" nagpout pa sya.
"Sure ka?" sabay lingon kay France.
"Oo sure ako. Bakit ano ba nangyari?" tanong nya.
Nung una ayoko ikwento pero ikinuwento ko din sa kanila.
Pumunta din kami ng library kaso napansin kong wala na yung notebook.
Naglaho na lang syang bigla.
Ayaw na din ni JJ na pumupunta punta ako ng library na hindi sya kasama.
Kaya mula noon hindi na ako pumupunta.
BINABASA MO ANG
My Notebook Friend (Completed)
Teen FictionSabi nila, ang buhay daw ay super mysterious. Hindi mo malalaman kagad kung ano ba ang dapat na nakalaan sa iyo. Eh paano kung isa ka sa umaasa na mabago buhay mo? Paano kung ang isang notebook ang magpapabago ng buhay mo? Will that notebook leads y...