Note Fourteen: Busy Week

241 13 0
                                    

####################################

Note Fourteen: Busy week

####################################

ALEXYS POV

Naging super busy ang sumunod na week.

Examination week kasi eh.

Hindi din ako makatambay sa library dahil may project kaming stage play kaya puro practice.

Este sila lang pala. Sa props kasi ako nakaassign kaya medyo madugo ang ginagawa ko.

Halos di na ako magkaugaga dahil may mga projects din na dapat tapusin.

Nairaos ko naman ang two weeks na pagiging busy sa pag aaral.

At syempre, konsuwelo ko na ang pagkakaroon ng mabait at maalagang boyfriend.

Super okay naman kami.

Medyo selos pa din sya kasi kinakaibigan ako ni France.

At hanggang ngayon, hindi ko pa din nakikilala ang notebook friend kong si James.

Speaking of James, hindi na ako nakakadalaw sa library.

Since vacant naman now, sumaglit muna ako.

Pagkaopen na pagkaopen ko pa lang parang ayoko ng basahin.

Mukhang may problema na naman sya.

(Fuck!! Shit! Taena!..)

Ang daming mura nyang sinulat. May mga doodle doodle pa na kung ano ano. Halatang galit na galit sya.

(PESTENG lalaki yan aligid pa ng aligid eh nag away tuloy kami lalo.

Pasensya na Axis. Gusto ko lang ilabas ang sama ng loob ko.

Sobrang badtrip ako. Exam week sinabayan pa ng ganito.

Umattend ako ng birthday nung barkada ko. Hindi ko naman alam na pupunta si Gf. Akala ko ayaw nya kaya hindi ko sya sinundo.

Siguro naman alam mo ang party di ba? May mga taong nakainom. At isa na dun yung pinagseselosan nya. Dahil gentleman ako, hinahayaan ko lang syang makipagusap sa akin. Medyo lasing kaya hindi alam ginagawa, ayun hinalikan ako bigla. Nalaman ko na lang pagkatapos, na andun daw si Gf sa paligid.

Bad shot na naman ako!

At dahil exam week, ang hirap nyang kausapin.

Tapus sisingitan pa nitong epal na lalaking itong may gusto sa kanya.

Shit! Ano gagawin ko? Gusto ko mag explain.)

Aww. Unang part pa lang nababasa ko nyan kaso natameme na ako.

(Busy ka din ba? Sobrang need ko ng advice. Galit na galit sya sa akin. Ayaw nya akong kausapin :( Ano ba gagawin ko? Nababakla na ata ako. Wag mo sabihing suyuin ko sya dahil ginawa ko na. Ang masakit pa dun parang wala lang effort ko. Buti pa yung lalaking yun kinakausap nya. Shit talaga!)

(Andyan ka na ba? Busy ka pa din? )

(oi paramdam ka naman na)

Pagkatapos ko mabasa. Agad kong kinuha ang ballpen ko sa bag para magsulat.

(Alam mo friend.. alam ko hindi ako expert habang sinasabi ito pero sabi mo nga pinagseselosan nya yung babae.. mahihirapan ka sa pagsuyo kasi una habang wala pala sya dumidikit sa iyo yun. Kahit sabihin mong sya dumikit, pwede ka namang umiwas eh lalo na baka pagtsismisan kayo ng iba. Kahit wala sya dun, madaming mata sa paligid. Pwedeng kumalat yun. Hindi din rason na akala mo di sya pupunta. Babae din kasi ako. Kung ako nasa posisyon nya, magagalit talaga ako. Una kasi nagtitiwala ako na walang gagawin ang boyfriend ko tapus pag nakatalikod pala ako, inientertain yung taong pinagseselosan ko. Pangalawa, nakita ko pang hinalikan syempre kung ano ano na tumatakbo sa isip ko nun. Para sa akin, kung ayaw mo iiwas ka. Base sa kwento mo nagpahalik ka. Pwede ka naman umiwas. Sana itinulak mo di ba? Wala man sya dun, makakarating din un sa kanya at masasaktan sya. Eh nandon sya, nakita nya, mas masakit yun. Kaya intindihin mo muna kung bakit ayaw nya makipag usap sa iyo. Palamigin mo muna ulo nya. Basta wag ka na gumawa ng ikagagalit nya. Goodluck! Tiis lang kaya mo yan)

Sagot ko sa kanya hehe.

Actually, hindi ko alam kung ano sasabihin eh.

Pag katapos nun. Bumalik na din agad ako sa classroom dahil madami pa akong gagawin.

My Notebook Friend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon