####################################
Note Two: Jealous Girlfriend
####################################
JAMES POV
Maaga akong pumasok.
Ewan ko ba kung bakit bigla akong naexcite.
Medyo nacurious kasi ako dun sa babaeng nakakita ng notebook ko.
Sinulatan ba naman nya ang isang page dun. Kaya pati ako nagsulat na din.
Nakalimutan ko kasi kung saan ko naiwan yun last week.
Naalala ko lang nung isang araw.
Kinuha ko sya nung lunch kaso nung maalala ko na nageffort pala si Nads, ang girlfriend ko, na gawan ako ng notes, nahiya na tuloy akong sabihing nakita ko na.
Ang swerte swerte ko talaga sa kanya. Sobrang baet ng girlfriend ko kaya nga mahal ko sya.
Yun nga lang lately, medyo nagiging selosa siya kaya hindi ko masisi kung madalas nag aaway kami.
Dumerecho na agad ako sa library at tinignan yung notebook.
Hindi naman ako nagkamali at nakitang nagreply sya.
(Opo kuya sige friends na tayo. Second year lang po ako. Ako nga pala si Axis.. yan ang pangalan ko. Hindi po ba magagalit girlfriend nyo na kachat ko pa kayo sa notebook na ito? Baka po magselos sa akin. Ayoko po sana ng gulo. Sige kuya, need ko na umuwi. Bukas na lang uli ah)
Natawa naman ako sa sinulat nya.
(Kuya? parang 2 years lang naman tanda ko sa iyo. James na lang tawag mo sa akin. Dont worry walang gulong mangyayari. Mabait yun. Have a nice day na lang muna ah. Pasok muna ako)
Sagot ko. Naubusan na din kasi ako ng salitang sasabihin.
Dumerecho na uli ako sa classroom at napansin ko kagad si Nads na nag aaral.
Samantala ang iba, nagtsitsismisan pa.
Yan ang gustuhan ko kay Nads, sobrang simple, sobrang tahimik at sobrang baet pa.
Ayoko kasi ng maarteng babae.
"Hi baby" bati ko sa kanya at hinila ang upuan sa harap nya para tumapat sa kanya.
"baby maya na ah busy ako. Tinatapos ko pa kasi ito" sabi nya habang nakatutok sa pagsagot sa assignment namin.
Teka assignment yan ah.
"Babe ngayon ba yan ipapasa?” tanong ko at sya naman ay sinamaan ako nang tingin na ibig sabihin ay ngayon nga ito ipapasa. “Naku! Nakalimutan ko yan." sabi ko at agad kinuha ang notebook at ballpen ko para magsagot din.
Napansin ko naman na nakatitig pa din sya sa akin habang nagsasagot ako.
"May problema ba babe?" tanong ko habang patuloy na nagsasagot.
"mmm.. bakit ka nagsasagot? Hindi ba assignment yan? Wala ka naman ginawa kagabi di ba?" mahinahon nyang tanong.
"Ha eh.. nakalimutan ko lang babe.. sorry! Hayaan mo hindi naman ako kokopya sa iyo kaya wag ka magalala" ngumisi pa ako sa kanya.
"Siguraduhin mo lang ah" ayan na naman ang pagseselos nya. Hindi ko na lang pinansin since ayokong mag away kami.
Natural na kay Nads na gumawa ng assignment sa school.
Nagwoworking student kasi siya.
Gusto ko sana syang tulungan kaso ayaw nya kaya hindi ko na sya pinilit pa.

BINABASA MO ANG
My Notebook Friend (Completed)
Teen FictionSabi nila, ang buhay daw ay super mysterious. Hindi mo malalaman kagad kung ano ba ang dapat na nakalaan sa iyo. Eh paano kung isa ka sa umaasa na mabago buhay mo? Paano kung ang isang notebook ang magpapabago ng buhay mo? Will that notebook leads y...