####################################
Note Twenty: EPILOGUE
####################################
JAMES POV
Kahit nalulungkot ako dahil hindi ko man lang nakilala si Axis sa personal, kahit papaano ay masaya na din ako sa lahat nang naitulong nya sa akin.
Sinunod ko yung huling payo nya sa akin.
Kinausap ko nang masinsinan si Nads at doon ko nalaman lahat ng nasa loobin nya.
Pati ang pambubully sa kanya ng kababata kong si Margaux na hindi ko din nakita noon.
Mula noon, hindi na agad akong naniniwala sa ibang tao.
All this time, narealize ko na malaki ang tiwala sa akin ni Nads.
Noon, hindi ko sya maintindihan dahil di nya maexpress nung una ang sarili nya pero ngayon, nasasabi na nya lahat sa akin.
Hindi pa din naman kami ni Nads.
Hindi ko pa sya sinasagot hehe.
Pangit man pakinggan, pero parang sya ang nanliligaw sa akin. Joke lang
Balak ko syang balikan ngayong araw nang graduation.
Naghahanap lang ako ng timing.
Halos lahat nasa gymnasium na at nagsimula na ang seremonyas ng graduation namin.
Hinanap ko kaagad si Nads at namataan ko naman sya agad. Nag nginitian lang kami.
Pinakanta kami, pinagspeech at sa wakas nakatanggap ng mga diploma.
Natapos ang graduation ceremony na masayang masaya kaming lahat.
Kinagabihan naman ay dederecho naman kami sa grad ball.
"Ayan na tol date mo" sabay bulong sa akin ni Franz.
Napalingon naman ako sa paparating na si Nads na sobrang ganda. Pero nagtaka ako nang mapansin kong nagmamadali sya patungo sa ibang direksyon.
Nagtaka din ako kung bakit hindi sya tumuloy pumasok sa campus hall kung saan ginaganap ang grad ball.
Napagpasyahan kong sundan sya.
Hindi naman dahil wala akong tiwala.
Curious lang kung ano pinagkakaabalahan nya.
Lakad kami ng lakad hanggang mapahinto sya sa isang pinto.
'Teka Library ito? Ano gagawin nya dito?' tanong ko sa sarili ko.
Pumasok sya at pumasok din ako.
Walang ibang tao kung hindi yung dalawang librarian.
Tumungo sya sa may dulong gilid.
May inilapag syang notebook sa may gilid.
Lumapit ako at nagulat nang makita.
"Yung notebook.."sabi ko pagkakita sa notebook.
Ang notebook na nawala ko.. ang notebook na nagpakilala sa akin ng isang kaibigang hindi ko pa nakikilala.
"Bakit nasa sa iyo yan?" tanong ko.
"Huh? eh.. eto yung sinasabi ko sa iyong notebook nung second year tayo. Kanina ko lang uli sya nakita. Nadala ko bigla kaya binabalik ko lang" nakangiting sabi nya.
"Axis?" tanong ko bigla.
"Huh? Paano mo? Hindi ko naman sinabi yun sa iyo ah" Gulat na sabi nya.
"I am James." sabi ko naman at pareho kaming gulat na gulat.
"You mean? Ikaw si James.." gulat na sabi pa din nya.
Napatango lang ako.
"Paano nangyari yun? Past ko and present mo? Naguguluhan ako" sabi nya.
Lumapit naman ako sa kanya.
"Wag ka na maguluhan..Isa lang ibig sabihin nun.. We are really meant to be" masaya kong sabi. "We're destined Axis.. my Nads.. My Nadine Alexys Reid" sabay yakap nang mahigpit sa kanya.
Yinakap din nya ako nang mahigpit.
"So tayo na?" tanong nya bigla habang nakayakap sa akin.
"Oo. Hindi naman tayo naghiwalay eh" sabi ko.
Kung hindi pa kami sinita ng librarian, baka buong magdamag na andun pa din kami sa library.
Tama sila na,
Love moves in mysterious ways.
and Love is really magical.
We never expect na ang simpleng notebook ang magsisilbing daan para maisaayos namin ang mga bagay na dapat ayusin.
Pagkakaibigan.
Ang simpleng hinangad ni Axis ay nagbunga din para makilala nya ang sarili nya. Maexpress nya ang mga talagang gusto nya.
Pagtitiwala.
Ang simpleng bagay na natutunan ko sa naging relasyon namin. Tiwala sa mga taong importante sa akin.
Salamat sa notebook at ngayon mas nagkaintindihan na kami
Thanks my notebook friend.. our notebook friend.
♥END♥
Salamat po sa mga nagtiyagang magbasa nang walang kwenta kong istorya hehe. Pa Like na lang po if nagustuhan nyo po. Kung hindi, ayos lang din po.
- ⓐⓝⓖⓔⓛ♕ⓔⓨⓞⓢⓢ™
BINABASA MO ANG
My Notebook Friend (Completed)
Ficção AdolescenteSabi nila, ang buhay daw ay super mysterious. Hindi mo malalaman kagad kung ano ba ang dapat na nakalaan sa iyo. Eh paano kung isa ka sa umaasa na mabago buhay mo? Paano kung ang isang notebook ang magpapabago ng buhay mo? Will that notebook leads y...