Note Five: The Break Up

340 20 0
                                    


####################################

Note Five: The Break Up

####################################

JAMES POV

Hanggang ngayon hindi pa din kami nagpapansinan ni Nads.

Nabasa ko kasi ang payo sa akin ni Axis na palamigin ko muna ulo ko baka kasi makapagdesisyon ako ng mali.

Tama sya. Mahirap nga naman kung ganun.

"Insan hindi mo ba susuyuin sya?" tanong ni Mimi sa akin habang nagkaklase kami. Kaseatmate ko kasi sya.

"Wag muna. Palamig muna" sabi ko.

"ok sabi mo eh" sabi nya habang nagsusulat ng notes.

Bago umuwi, tumungo muna ako sa library.

Ewan ko ba at natutuwa ako na mabasa mga sulat nya sa akin.

Feeling ko may taong gusto makinig sa akin kahit ano pang sabihin ko.

(Nakakainis!Super nakakainis! Hindi ko na alam gagawin ko. Alam mo ba napasubo ako sa isang sitwasyon kung saan hindi ako makatanggi. Yung humalik sa akin huhu.. gusto nya akong maging girlfriend. Gusto nya agad ng sagot bukas. Eh hindi pa nga nya ako nililigawan! Okay naman sya. Gwapo at mabait. Katunayan nga, niligtas nya ako ngayon. Pinagtripan kasi ako nung bruhilda kong kaklase. Ano gagawin ko friend? Sabi nya aalagaan daw nya ako. Hindi ko nga alam kung pinagtitripan nya ako kaso seryoso sya ng sabihin nya yun sa akin. I need help badly. Ikaw lang naman kasi friend ko sana matulungan mo ako. Please??? Begging... Please..)

Napailing ako at natawa sa sulat nya. Iniimagine ko pa kung ano itsura nya habang sinasabi yung ganun.

Naalala ko bigla kung paano kami nagsimula ni Nads. Dahas ko din syang nakuha. Biglaan din.

(RELAX. Wag ka magpanic. Sabi mo nga wala kang lusot, kung tingin mo naman sincere sige subukan mo. Wala namang mawawala sa iyo kung susubukan mo. Malay mo, magclick kayo. Sabi mo nga gwapo at mabait kaya siguro naman safe ka. Sabihin mo araw araw ka nyang ligawan kahit kayo na. Ganun naman kasi diba dapat. Hindi yung manliligaw lang para mapasagot tapos wala na. Ganun din kami ng girlfriend ko nung umpisa. Tapos lagi ko sya nililigawan hanggang sa nahulog na loob nya sa akin. Subukan mo lang pag ayaw mo, pwede mo naman sya breakan. Ayaw mo nun, maeexperience mo nang magkaboyfriend tapus may another friend ka na naman hehe.)

Haha. Yan na sinulat ko. Buburahin ko sana kaso nasa kanya naman ang huling desisyon.

Ang akin lang eh advice bilang kaibigan.

Napalingon ako bigla sa bintana at nagulat ako nang makita si Nads na binubuhusan ng tubig si Margaux.

'Anak ng...' agad ako tumayo at tumakbo papunta sa kinatatayuan nila.

Naramdaman ko ang tensyon sa paligid nang makadating ako sa kinatatayuan nila.

"Nads what are you doing?'' galit na sabi ko sa kanya.

Hindi na maganda ito. Nang aaway na sya.

Humarap ako kay Margaux at ibinigay ang panyo ko para makapagpunas sya.

"Pasensya na Margaux ah" sabi ko sa kanya. At agad kinuha ang kamay ni Nads.

Agad ko syang dinala sa may likurang parte ng campus, kung saan wala masyadong taong dumadaan.

"Ano ba problema mo?!!" sigaw ko sa kanya. "ganyan na ba ka kitid ang utak mo ha" galit na sabi ko.

Ngumisi lang sya sakin.

"Ano bakit di ka mkapagsalita?! Pag hindi ako nakapagtimpi bebreakan na talaga kita!" galit na sabi ko.

Dala na din siguro nang galit kung bakit ko nasabi agad yun.

Natahimik kami pareho pero maya maya’y nagsalita sya.

"Ok" nagulat ako sa sagot nya. "Lets break up"

Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Nagulat ako sa mga salitang nabitawan ko pero mas nagulat ako sa reaksyon nya.

Ang lamig ng ekspresyon nya habang binibitawan ang salitang yun

'..lets break up.'

"Fine!" mahinang sabi ko at agad naglakad paalis sa harapan nya.

Nararamdaman ko nang patulo ang luha sa mata ko.

Nararamdaman ko ang kirot.. ang sakit! Syet!!

Hindi ko dapat sinabi yun.

Agad akong bumalik sa kinatatayuan nya.

"Im sorry.. I dont mean that babe" sabay hawak sa kamay nya. "I am really sorry" naiiyak na sabi ko.

Pansamantala kong kinalimutan ang pride ko para maisalba ang relasyon namin.

Kaso mas naiyak ako sa malamig pa din nyang ekspresyon.

Hindi sya nagsalita at tinanggal ang kamay ko na nakahawak sa mga kamay nya.

Maya maya’y nagsimula syang maglakad palayo sa akin.

Iniwan nya ako.

"Nads.." sambit ko pero di sya lumingon.

Patuloy ang agos ng kuha sa mata ko.

Ang sakit sobra.

♥♥

Umabot ng isang linggo bago ako pumasok ulit.

Pinalampas ko yung isang araw dahil second anniversary sana namin yun.

Kaso, the next days nawalan din ako nang ganang pumasok kaya nanatili lang ako sa bahay.

Tinetext ko sya kaso wala akong naririnig na reply mula sa kanya.

Kay Mimi na lang ako nakikibalita at masakit man aminin, mukhang okay naman daw sya.

Ang sakit pa din sobra.

Para akong namatayan.

Kasalanan ko.

Kung hindi ko sinabi yun, hindi din nya sasabihin yun.

Kinausap ko sya nung uwian din nun para sana bawiin lahat.

Pero hindi na nya ako pinapansin.

Parang nagsasalita ako sa hangin.

Kilala ko sya, once sinabi na nya, hindi na nya yun babawiin.

My Notebook Friend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon