####################################
Note Four: Girlfriend?
####################################
ALEXYS POV
At hindi nga ako nagkamali, after ng klaseng yun. Dahil break time namin, tumayo sa harapan ko si bruhilda at kinuha ang bulaklak.
"Wow! Ang ganda naman nito.. at mahal pa. Swerte mo naman loner. Afford mo palang bumili ng ganito" hindi ko na sana papansinin kaso bigla nyang inapak apakan ang bulaklak.
Nagulat ako sa ginawa nya. Kaso hindi ko sya mapigilan.
Pero mas nagulat ako nang ibuhos nya ang chocofudge na kinakain ng kaibigan nya sa akin.
Napatayo ako sa bigla sa gulat.
"Ano ba problema mo?" inis na sabi ko sa kanya habang tinitignan ang sarili kong uniform sa lagkit at dumi. Wala pa naman akong extra shirt. Tsk.
"Ikaw." seryoso nyang sabi. "you dont deserve this tulips. Hindi bagay. Tsk. Wag ka umasa girl na gusto ka nya ah. Kasi hindi kaw ang tipo nya" sarkastika nyang sabi.
Hindi na ako nakapagsalita. Marami syang kakampi. Ayoko magulo ang buhay ko.
Nagrestroom muna ako para linisin ang sarili ko.
Kaso mukhang wala nang pag asa. Mantsado na ang blouse ko.
Magagalit sa akin si mama for sure.
Lumabas ako ng restroom. Alam kong pinagtitinginan ako dahil sa blouse ko pero wala akong magawa eh. Andyan na.
Nagulat ako nang makita si JJ na papunta sa akin.
Napahinto ako nang biglang huminto sya sa harap ko. At bigla nyang isinuot sa akin ang jacket nya.
Halos lahat nagkatinginan at nagbulungan sa ginawa nya.
"Babe pasensya na ah. Dahil sa akin ginaganyan ka nila" nagulat ako sa sinabi nya.
Napakalakas nito na parang pinarinig nya talaga sa lahat.
"Babe?" pabulong na tanong ko.
Pero mas nagulat ako nang bigla nya akong yakapin. "Babe wag ka iiyak ah andito lang ako para sa iyo" malakas nya uling sabi. Kaya nagbulungan lahat. Sinusubukan kong kumalas sa yakap nya kaso pinigilan nya at bumulong "aawayin ka nila pag kumalas ka. sumakay ka lang" kaya hindi ko na sya pinigilan.
"Ano okay ka na ba? Tara hatid na kita sa classroom mo. Maya sabay tayo maglunch ah" sabi nya habang inilakad nya ako patungo sa classroom ko.
"hindi mo kailangan gawin ito" mahinang sabi ko.
"gusto ko gawin ito" sabay ngiti nya sa akin. "masaya ako na gawin ito. Ako magpoprotekta sa iyo" seryoso nyang pagkasabi.
Ano daw? protekta?
Nakaramdam ako nang kakaiba, masaya na may halong kaba sa sinabi nya.
Nang matapat kami sa classroom, nakatingin lahat sa amin pati si bruhilda nakatingin ng masama sa akin.
"sige pasok ka na" sabi nya.
"salamat ah" mahinang sabi ko at tumuloy sa loob.
Hinintay nya pa akong makaupo bago sya umalis.
Pagkaalis nya. Nagsimulang magbulungan uli ang mga kaklase ko.
"Pasalamat ka girlfriend ka nya. Hindi ka na mapagtritripan" sarcastic na pagkasabi ni bruhilda. "Low taste" sabay irap sa akin.
Teka.. Girlfriend? Aww.. lahat sila alam na girlfriend ako. Pero teka mali yun hindi yun pwede.
Hinintay ko mag uwian para makausap si JJ.
At hindi man lang nya ako pinahirapan na hanapin sya dahil nagulat ako nang makita syang naghihintay sa tapat ng classroom ko.
At tulad kanina, masama pa din ang mga tingin sa akin ng grupo ni bruhilda. Kulang na lang ay kainin nila akong buhay.
Hinintay ko munang makaalis ang mga kaklase ko bago lumabas ng classroom at harapin si JJ.
Pag kalabas ng lahat saka ko sya agad agad nilapitan.
Bungad agad nito ang maganda nyang ngiti na talagang nakakaakit.
“Hinihintay mo ba ako?” agad kong naitanong.
“Oo. May sasabihin sana kasi ako sa iyo,” sabi naman nya. Ano naman kaya ang sasabihin nito?
“Ako din. Teka, pinagkamalan nila akong girlfriend mo dahil sa ginawa mo kanina” walang patumpik tumpik na sabi ko.
“Yun din sasabihin ko sa iyo. Tatanong ko sana kung pwede kitang maging girlfriend.” Nagulat ako sa sinabi nya.
Hindi ko tuloy alam kung nantitrip ba sya o ano.
Girlfriend agad? Hindi man lang sya manligaw sa akin.
“teka.. ang bilis naman ata. Hindi mo naman ako nililigawan tapos girlfriend agad?” sagot ko sa kanya.
“Gusto kita maging girlfriend. Oo o hindi lang ang sagot” seryosong sabi nya.
Hindi ako makaimik. Hindi ko kasi alam sasabihin ko.
First time kong matanong nang ganito.
Wala naman akong tutol kung tutuusin dahil grade 5 pa lang gusto ko na sya kaso ang bilis naman ata.
“mmm… pwede bang pag isipan muna? Ang bilis kasi eh” sabi ko.
“Okay. Bukas ang sagot. Hihintayin ko” sabi nya.
Bago pa ako makapag react, nagulat ako nang bigla syang tumakbo palayo sa akin.
Maya maya’y nilingon nya ako at sumigaw.
“Bukas ah. Yung sagot!” sigaw nya sabay ngiti.
Ano ba itong pinasok ko?
BINABASA MO ANG
My Notebook Friend (Completed)
Teen FictionSabi nila, ang buhay daw ay super mysterious. Hindi mo malalaman kagad kung ano ba ang dapat na nakalaan sa iyo. Eh paano kung isa ka sa umaasa na mabago buhay mo? Paano kung ang isang notebook ang magpapabago ng buhay mo? Will that notebook leads y...