####################################
Note Fifteen: Unhealthy
####################################
JAMES POV
Natauhan ako bigla habang binabasa ko ang sagot ni Axis.
Tama siya.
Pinagkatiwalaan ako ni Nads pero sinira ko yun.
Kasalanan ko. :(
"James what are you doing here?"
Si Margaux.
Nahiga kasi ako sa bench sa may looban.ng student council room.
Tinignan ko lang sya at tumitig uli sa kisame.
Napansin ko naman na umupo sya sa may tapat na upuan.
"You know what? You are stupid" Napalingon ako sa sinabi ni Margaux.
"I am not." mahinang sabi ko. "I just love her so much" dugtong ko.
"THAT made you so stupid" sarkastikong pagkasabi nya. "Iniiputan ka na nga sa ulo pero habol ka pa din ng habol"
"What do you mean?" kunot noo kong tanong habang inayos ko ang sarili para umupo ng maayos.
"THAT poor girl.. I mean your whatever.. she's a flirt. She's dating that Francis guy" maarte nyang sabi.
Nagulat ako sa sinabi nya. Pero alam kong hindi magagawa ni Nads yun.
"Thats impossible Margaux!" napalakas tuloy ang tono ng boses ko. "She's not like that" pagtatanggol ko sa taong mahal ko.
"James.. even before Nads existed,.we are already friends. Bata pa lang magkakilala na tayo. You need to believe me this time. Trust me." sabi nya at tinignan ko sya ng masama.
"Paano naman kita pagkakatiwalaan after what you did" I honestly told her na medyo naiinis ako kaso di ko makuhang magalit dahil kababata ko sya at ni minsan wala syang ginawang masama sa akin.
Agad kong kinuha gamit ko at tumayo.
"Where are you going?" takang tanong nya. Tinignan ko lang sya ng masama.
Nasa labas na ako nang bigla uli syang nagsalita.
"Nasa music room sila." sigaw nya. Napahinto tuloy ako. "To see is to believe" sabi nya nang makalakad sa kinatatayuan ko.
Hindi ako makakilos sa sinabi nya.
"Goodluck James" Pasigaw nyang sabi nang di ko namamalayang lumampas na sya sa akin.
Hindi ko alam kung ano ba dapat gawin.
Habang nagtatalo utak ko at puso ko, dinadala na ako ng paa ko papunta sa music room.
Habang palapit nang palapit kinakabahan ako.
Nasa may pintuan na ako nang marinig ang malakas na halakhak ni Nads.
Nandito nga sya.
Agad akong sumilip at nakita syang nagpapiano.
"Ano bang key pipindutin ko?" sabi nya. Hindi ko pa makita kung sino kausap nya.
Pumasok ako sa may likuran. Hindi nila ako namalayan dahil may nakaharang.
Inaninag ko kung sino ang kausap nya. Hindi na ako nagulat nang makitang kasama nya si Francis.
Lumakad si Francis at tumabi sa kanya habang tinuturuan sya.
Sumama ang pakiramdam kong makitang nagkadikit ang mga kamay nila habang nagpapiano.
"Ang daya mo naman kasi eh" natutuwang sabi pa ni Nads.
"Pagnagkamali ka dyan. Hahalikan kita" pagbibiro pa nung gagong yun.
"Ayoko nga!" sabay tayo ni Nads.
Pero laking gulat ko nang makitang yumakap bigla si Francis sa kanya.
Hindi ko alam gagawin ko.
Napaatras ako bigla at nahulog ang isang kahoy na itinayo sa may gilid kaya pareho silang napalingon sa akin.
"James?" gulat na sabi ni Nads.
Pero, umakma na akong palabas.
Masakit eh.
Kung ano ano na tumatakbo sa utak ko.
Habang ako nag iisip kung paano sya suyuin, ayun nagentertain na sya ng iba.
Alam ko namang mali ako eh pero sana man lang wag ganito.
"James!" nagulat ako nang maramdaman ko ang hawak ni Nads sa braso ko.
Hindi ako makatingin sa kanya.
"Look. Yung nakita mo wala yun. Wag ka sanang mag isip ng kung ano ano" pagpapaliwanag nya.
Hindi ako umimik at patuloy naglakad.
Pero sinusundan pa din ako ni Nads.
Napahinto ako. At sya din huminto.
Hinarap ko sya.
Bakas sa mukha nya ang lungkot.
"Nads, gusto mo ba sya?" mahinahong tanong ko sa kanya.
"Ano ka ba naman James. Alam mo naman na ikaw mahal ko. Sabi ko sa iyo wala lang yun" pagpaliwanag nya.
"Niyakap ka nya. Ano gusto mo isipin ko?" tanong ko ulit.
"Hindi ko naman alam na gagawin nya yun James eh."sabay hawak nya sa kamay ko. "Sorry na please" sabi nya.
"Ilang weeks kitang sinusuyo para patawarin mo ako. Oo may mali ako pero yung ipagpalit mo agad ako.. yung magentertain ka kagad. Masakit yun. Kung gusto mo akong saktan dahil sa ginawa ko, pwes eto nasaktan na ako." naiiyak na sabi ko.
"James mali iniisip mo.." sabi nya.
"Mali? balita ko nga daw madalas na kayo magdate eh. Akala mo ba hindi umabot sa akin yun" malamig na sabi ko pero hindi ako makatingin ng derecho sa kanya.
"Hindi kami nagdate. Oo inamin ko lumabas kami pero hindi kami nagdate James. Hindi ko magagawa sa iyo yun
Mahal na mahal kita alam mo yan. Kahit masama loob ko sa ginawa mo last time, hindi ko yun magagawa." naiiyak na pagpapaliwanag nya.
Natahimik kami ng ilang segundo saka ako nagsalita.
"Nads... Lets stop this." hindi ko alam kung tama pero eto na ang napagdesisyunan ko.
Hindi na din kasi healthy relasyon namin.
Wala nang tiwala..
"What do you mean? James. No Ayoko! Please wag ka naman ganyan. Remember ikaw may kasalanan sa akin" naiiyak na sabi nya.
"Oo ako may kasalanan. Pero this time ikaw na din nagbigay sakin ng dahilan kung bakit kita papakawalan" malamig na sabi ko sa kanya.
Hindi ko sya matignan ng derecho dahil natatakot ako na baka bawiin ko ang sinabi ko.
Hindi sya umimik
Pero dinig ko ang paghikbi nya.
Tumalikod na ako at iniwan sya.
Mahal na mahal ko si Nads.
Pero tulad ng sabi ko, hindi na healthy.
Need namin ng space para makapag isip ng tama.
BINABASA MO ANG
My Notebook Friend (Completed)
Teen FictionSabi nila, ang buhay daw ay super mysterious. Hindi mo malalaman kagad kung ano ba ang dapat na nakalaan sa iyo. Eh paano kung isa ka sa umaasa na mabago buhay mo? Paano kung ang isang notebook ang magpapabago ng buhay mo? Will that notebook leads y...