NOTE Seventeen: Ghost or Magic?

420 14 0
                                    


####################################

Note Seventeen: Ghost or Magic?

####################################

ALEXYS POV

Habang happy ang lovelife ko sya namang kinalungkot ng lovelife ng notebook friend ko.

(Axis musta?
Sya nga pala. Wala na kami. Pinakawalan ko na sya.
Nawalan na ako ng tiwala sa sarili ko.
Nawalan na akong kompiyansa sa relasyon namin.
Lalo na ngayong may iba nang umaaligid sa kanya.
Buti may nagsabi sa akin.
Lagi na lang din kaming nag aaway.
Nakakapagod din pala.
Mahal ko pa din naman sya pero gusto ko muna ipahinga ang puso at utak ko).

Kahit break na sila, feeling ko mahal na mahal pa din ni notebook friend, James ang girlfriend nya.

(Friend. May nagsabi sa iyo? Sino naman? Wag mo sabihin yung pinagseselosan nya?)

Yun lang muna reply ko since dun ako sa parteng iyon nacurious.

Lately kasi nasa stage din ako na ganyan.

Napapaisip ako kung paano kung mangyari sa akin yung ganyan.

Friend kasi ni JJ si bruhilda eh baka mamaya siraan ako.

Galing pa naman gumawa ng kwento nun tapos patay na patay pa sya kay JJ syempre, mamaya mas kampihan pa nya yun kesa sa akin.

"Earth to Alexis" nagulat ako nang marinig ang pangalan ko. Si France lang pala. "kanina ka pa tulala ah. May problema ba?"

"Ha? naku wala hehe" sagot ko. "Nagdedaydream lang" dagdag ko.

"Buti lang nasa library ka nagdedaydream. Pag sa labas, baka isipin nila nababaliw ka na hehe" pangaasar pa nya.

Napansin ko naman ang mata nyang nakatingin sa notebook na itinabi ko.

"Napapansin ko bakit lagi mong iniiwan yan dyan sa tabi" sabi nya.

"Ah~ eh.. hindi kasi sakin yan.. Sa friend ko.." sabi ko.

Masyado mabilis ang nangyari at namataan ko na lang na nasa kamay na nya ang notebook.

Pipigilan ko sana syang buklatin ang notebook pero naibuklat na nya.

"Wow social studies 4 notes pala. Nagaadvance reading ka na?" tanong nya.

"huh? eh" Hindi ako mapakali. Lipat sya ng lipat ng page. "shux! nakakahiya. Wag mong sasabihin ang nabasa mo dyan ah" sabi ko.

"ang alin?"pagtataka nya. "wala namang ibang nakasulat dito ah kung hindi notes" nagtaka ako bigla sa sinabi nya.

Sabay pinakita nya ang loob ng notebook at yun ang mas kinagulat ko.

Agad ko itong hinablot para matignang mabuti.

Wala ang doodles ko.. wala ang mga sulat ko at sulat nya..

'teka ano nangyayari?!' pagtataka ko.

"Okay ka lang ba?" tanong ni France sa akin.

Hindi ako okay sa totoo lang. Paano nangyaring walang notes samantalang kakasulat ko lang?

Natakot tuloy ako.

Minumulto na ba ako?

Nagdedaydream lang ba talaga ako.

"Tara na!" sabay kuha ko sa gamit ko at hila kay France.

Hindi mawala sa isip ko yung notebook.

Paano kaya nangyari yun?

"Baby?" hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala si JJ.

Sinundan ko ang tingin nya at nakahawak pa pala ako kay France.

"Una na ako" sabay sabi ni France.

Umalis na si France.

"Whats that? Is there something wrong ba?" Kunot noong tanong ni JJ.

"ahmm" gusto ko sanang sabihin sa kanya kaso wag na lang. "baby totoo ba ang ghost? eh yung magic?" tanong ko bigla.

"Anong tanong ba yan baby? Tinakot ka ba nung lalaking iyon? kaya ka ba nakakapit sa kanya? Wag ka magpapaniwala dun. Nanantsing lang yun. At kung totoo man yun, nandito lang ako lagi sa tabi mo" sabay yakap nya sa akin.

Hindi na ako nagsalita pa ulit. Baka kasi isipin nyang nababaliw ako.

★★

Dahil sa takot ko, hindi ako kaagad nakabalik sa library.

Two weeks ata ako bago bumalik.

Kung hindi pa nagparesearch yung isang teacher namin, hindi na talaga ako babalik.

Nagkaroon kami ng groupings habang nasa library.

At sa kandamalas malasan, naupo grupo namin sa usual na inuupuan ko.

Sa dulo bandang gilid.

Andun pa din yung notebook.

Hindi ako mapakali habang nagbabasa ng libro.

Gusto ko ulit makita yung notebook.

Gusto ko ulit makita ang laman nito.

Dahil may mga kasama ako, hindi na ako natakot at binuksan ito.

Hindi na ako nagulat nang makitang wala pa ding laman ito.

Saan kaya napunta ang laman na ito?

Nagtayuan yung nga kasamahan ko para kumuha uli ng libro.

Ako na lang uli ang natira.

Pagbuklat ko ulit ng notebook, napabalikwas ako sa kinauupuan ko.

Napatingin tuloy lahat sa akin pero umakto akong normal.

Andun na ulit ang lahat ng sulat.

Inisa isa ko yung page at andun nga lahat.

May letter uli si notebook friend sa akin. Binasa ko naman ito kahit medyo natatakot ako.

(Si Margaux friend ko na pinagseselosan nya. Sya yung nagsabi about dun sa pumoporma kay Nads may mali ba ako?)

(oh bakit di ka na reply? may mali ba ako? siguro nga may mali ako :( )

(bakit di ka na sumusulat? okay ka lang ba? busy ka ba? ako? eto naguguluhan. Sinusuyo pa din ako ni Nads.
Minsan bumibigay na din ako kaso sabi ni Margaux mag move on na ako. Tama na daw. Ano ba gagawin ko? Asan ka na ba?)

Hindi ko namalayan na nakapagsulat na din ako.

(Margaux? alam mo ba sa dami ng pangalan sa mundo yan ang di ko mapagkatiwalaan. Kapangalan din sya ni bruhilda ah. Margaux.
Kung mahal mo yung girlfriend mo sana sya lang paniwalaan mo. Wag ka susuko, ipaglaban mo.)

Pagkatapus ko magreply, nagfade ulit ang notebook na sya namang pagbalik ng mga kasama ko.

Weird.

Pero hindi tulad kanina na natatakot ako, ngayon iniisip ko na may magic siguro ito.

Mukha namang harmless si James eh.

'Pero teka hindi ba friend sya ni France?' napaisip ako bigla.

Need ko na sya makilala para mawala itong agam agam ko.

My Notebook Friend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon