1

550 21 1
                                    

It's been a while since he transferred in our school. Ang problema nga lang kung hindi siya late pumasok, laging tulog sa klase pero nakakagulat nga lang kay Trey ay kahit palagi siyang late o tulog nagagawa niyang pumasa sa mga quizzes at exams namin. At isang araw nga ay nakita kong puro pasa ang mukha niya.

Nakipag away ba siya?

Bakit ko ba iniisip kung nakikipag away siya? Wala akong pakialam sa ibang tao.

Lunch break na kaya inaayos ko na muna ang mga gamit ko bago lumabas ng classroom.

"Psst..."

Lumingon ako sa kanya. "Ano?"

"Narinig ko sa ibang kaklase natin may homework daw tayo sa English. Pakopya."

"Aba, huwag kasi matulog sa klase para alam mo kung may homework tayo."

"Sige na. Ililibre kita kapag pinakopya mo ko."

"Kung mangongopya ka lang sana sa iba ka lang kumopya dahil hindi ako nagpapakopya ng sagot."

"Eh, yung tanong na lang ang kokopyahin ko."

"Ganoon na rin iyon. Makikita mo rin ang sagot ko."

"Ahh... Ganito na lang. May crush ka ba? Pwede kitang tulungan sa kanya."

"Wala akong crush. Kahit magkaroon ako ng crush sa isang tao ay alam kong hindi rin naman nila ako magugustuhan."

"Malay mo. At saka hindi ka naman mukhang nerd, eh. Maganda ka, Pauline."

"Pero wala talaga akong crush."

Napakamot siya ng ulo. "Ang hirap mo naman pakiusapan na pakopyahin ako."

"Fine." Kinuha ko na ang papel ko kung saan ko sinulat ang homework namin sa English at binigay sa kanya. "Oh, heto. Ibalik mo sa akin kapag tapos ka na."

Kinuha niya sa akin ang papel ko. "Thank you. Babawi ako sayo."

Dahil pwede kumain sa loob ng classroom at sinamahan ko si Trey habang kinokopya niya ang homework namin.

"Ano pala ang nangyari sa mukha mo?" Tanong ko. Curious talaga ako.

"Hm, this?" Tumango ako sa kanya. "Nakipag away ako kahapon bago umuwi. Hindi kasi maganda ang sinabi niya sa isang tao."

"Ibig sabihin importante sayo ang taong prinotektahan mo."

"You can say that." Binalik na niya sa akin ang papel ko. "Here. Salamat sa pagpakopya sa akin."

"Ngayon lang ito ah. Sa susunod hindi na kita papakopyahin ng sagot."

Tumango siya. "Friday na bukas. May gagawin ka ba?"

"Marami akong gagawin. Nagaadvance reading ako kapag weekend. Bakit mo ba gusto malaman?"

"Yayain sana kita lumabas bukas."

"You and me?" Tanong ko. Baka may binabalak ito sa akin ah.

"It's not what you think. Punta lang tayo sa park kasi gusto pa kita makilala."

"No need. As you can see I"m a nerd. Wala may gustong makipag kaibigan sa akin pero sanay na ako magisa."

"I can be your first friend."

"Tatapatin na kita, Trey. Maraming kababaihan na may gusto sayo at kapag nalaman nilang nakikipag kaibigan ka sa isang nerd na gaya ko ay magiging magulo na ang tahimik na buhay ko. Ayaw ko maging magulo."

Tumango na lamang ito sa akin. "I see... Sorry."

Pagkatapos ng klase namin ay iniisip ko kung ano ba talaga ang gagawin ko bukas. Kung uuwi ba ako sa amin o hindi. Kahit umuwi ako sa bahay ay invisible ako sa mga magulang ko para bang hindi ako exist sa kanila.

"Sis!"

Tumingin ako doon sa taong iyon dahil familiar sa akin ang boses at lumapit ako sa kanya. "Oh? Bakit ka nandito, kuya?"

"Bukas na kasi ang balik ko sa Australia kaya gusto kong lubusin ang oras na magkasama tayo."

Nalungkot ako dahil babalik na si kuya Jim sa Australia. Hindi ko naman pwedeng pakiusapan si kuya Jim na huwag na lang bumalik sa Australia para may kakampi ako rito.

"Sis, tatawag naman ako sayo araw-araw para kamustahin ka. Anyway, uuwi ka ba sa bahay bukas?"

"Hindi ko pa alam kung uuwi ako bukas."

"Sabihan mo ko kung uuwi ka bukas para susunduin kita."

"Huwag na, kuya. Baka mahuli ka pa sa–"

"Jimmy?" Pareho kami ni kuya Jim ang napalingon sa taong iyon at nakita ko si Trey.

"Trey?" Ani kuya Jim.

"Magkakilala kayo,  kuya?"

"Wait, you know him, Pau?"

"Siya ang sinasabi ko sayo noong isang araw na transferee sa section namin."

"Ahh.. si Trey pala ang tinutukoy mo. At oo, kilala ko siya dahil kababata ko siya."

Kunot noo akong tumingin kay Trey. "Ilan taon ka na?"

"Um, 21. Why?"

Kasing edad sila ni kuya Jim. Hindi ako makapaniwalang mas matanda siya sa akin, ang akala ko kasi kasing edad ko lang siya.

"Hindi ko alam babalik ka na pala sa pagaaral mo ngayon, Trey." Sabi ni kuya Jim.

"May dahilan ako kaya bumalik sa pagaaral."

"Condolence pala sa nangyari kay Taylor. Sorry kung hindi ako nakapunta."

"Ayos lang, pre."

Taylor? Sinong Taylor na tinutukoy ni kuya?

"Sige, Trey. Nice to see you again."

Pumunta na kami ni kuya Jim sa park dahil dito kami madalas tumatambay kapag gusto niya ako makita.

"Kuya, sinong Taylor ang tinutukoy mo kanina?"

"Trey's twin brother."

Kumurap ako. "Twin brother?"

Tumango ito. "Yup, tatlo sila magkakapatid. Close sina Trey at Taylor sa isa't isa at si Taylor ang may dahilan kung bakit sumali si Trey sa basketball team."

"You mean magaling si Trey sa basketball?"

"Magaling sa basketball si Trey at palaging champion ang school namin dati kapag pinapasok na siya ng coach nila."

Bigla kong naalala ang sinabi ni Trey sa kausap niya noong isang araw. Na may dahilan siya kung bakit siya huminto sa paglalaro. Ang dahilan ba niya ay ang kakambal niya?

"Paano ba namatay ang kakambal niya?"

"Hmm, I don't know the whole details pero nabalitaan ko namatay si Taylor sa isang aksidente." Humarap sa akin si kuya Jim. "Bakit nga pala may pasa sa mukha si Trey?"

"Nakipag away daw. Ewan ko ang dahilan kung bakit siya nakipag away."

May narinig akong ice cream kaso hindi ako mahilig masyado sa matatamis.

"Gusto mo ba ng ice cream?"

Napatingin ako kay kuya Jim. "Alam niyo naman hindi ako mahilig sa matatamis."

"Oo nga pala."

"Kuya, bakit hindi mo sinabi sa akin na kaibigan mo pala si Trey?"

"Matagal tagal na rin ang huling kita namin. Siguro nasa 5th grade ako noong huling kita namin."

"Sa anong dahilan kung bakit sobrang tagal?"

"Nalaman nila mama nangyari noon kasi madalas kami tumatakas ni Trey sa likod ng school pero hindi namin nalamayan na may nakakita pala sa amin at sinabi sa principal ang ginagawa namin. Nagalit sa akin sila mama sa nangyari. Dapat nga papanggalin si Trey sa school pero nakiusapan ko sila mama na huwag nila ituloy kaya ako na lang ang lumipat. Simula noon wala na akong communication sa kanya."

"Paano niyo nalaman na may nangyari sa kapatid niya?"

"Social media. Puro condolence nakikita ko sa mga post ng mga kaibigan namin."

Para tuloy gusto ko pang makilala ng lubusan si Trey ah. Mukhang mabait naman siya pero may pagka basagulero.

When Bad Boy Meets Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon