Pauline's POV
Nagising ako wala si Travis sa kwarto niya kaya hinanap ko siya sa kaso hindi ko siya makita.
"Saan naman pumunta ang batang 'yon?"
Palabas na sana ako ng bahay namin na may narinig akong tawanan sa labas. Nagtataka ako kung ano iyon kaya lumabas na ako pero laking gulat kong makita si Trey at Evan.
"Trey?"
Lumingon siya sa akin na may ngiti sa mga labi nito. "Good morning, sleeping beauty."
"Ano ang ginagawa niyo dito? I mean, bakit kayo nandito? Hindi ba may business trip ka ngayon?"
"Excuse ko lang iyon. Ayaw kong masira ang plano kong surpresahin ka."
"Mommy..." Tumingin naman ako kay Evan.
Naiinis ako dahil wala akong kaalam alam na pupunta sila dito. Kaya pala noong nakausap ko siya ay ayaw niya kami pauwiin ni Travis. Iyon pala ay may binabalak na pumunta dito.
"Pau?"
Inirapan ko siya at pinag krus ko ang mga braso ko. "Hmph! Huwag mo kong kakausapin. Naiinis ako sayo."
"Travis, Evan, pumasok na muna kayo sa loob." Sabi niya.
"Doon tayo sa kwarto ko, Evan. May papakita ako sayo." Sabi ni Travis kaya pumasok na ang mga bata sa loob.
"May nagawa ba akong mali, Pau? Sorry kung meron man."
Humarap ulit ako sa kanya. "Bahala ka sa buhay mo, Trey. Naiinis talaga ako sayo."
Pumasok na rin ako sa loob dahil nagugutom na ako. Hindi pa ako kumakain ng almusal.
Bumalik kami kinagabihan dahil namasyal kami pero hindi ko pa rin pinapansin si Trey. Ewan ko ba kung bakit ako naiinis sa kanya, hindi dahil sa surpresa niyang pupunta sila dito.
Pagkauwi ni kuya Jim galing trabaho ay kumain na kami ng hapunan. Pagkatapos kumain ay lumabas ako para magpahangin. Palagi kong ginagawa ito bago matulog.
"Mommy..." Lumingon ko noong tawagin ako ni Travis.
"Yes, baby?"
Hinawakan niya ang kamay ko sabay hila sa akin. "Sumunod po kayo sa akin."
Hindi ko na tinanong si Travis kung bakit gusto niya akong sumunod sa kanya. Pumunta kami sa backyard ng bahay ni kuya Jim at nakita ko si Evan at Trey habang may hawak itong gitara.
Nagsimula na siyang tumugtog ng gitara at kumanta.
Di ko nais na magkalayo tayo
Nagselos ka at nilayuan mo ako
Buhay nga naman tunay bang ganyan Bumalik ka naman 🎶Kahit na ano pa ang iyong gusto
Okay lang basta't magkabati tayo Minamahal kita hihintayin kita
Sorry na pwede ba 🎶Buhay ko'y nasayo
Matitiis mo ba ako oh baby
Huwag sanang magtampo
Sorry pwede ba🎶Kahit na ano pa ang iyong gusto
Okay lang basta't magkabati tayo Minamahal kita hihintayin kita
Sorry na pwede ba🎶Buhay ko'y nasayo
Matitiis mo ba ako oh baby
Wag sanang magtampo
Sorry pwede ba 🎶Buhay ko'y nasayo
Matitiis mo ba ako oh baby
Wag sanang wag sanang magtampo
Sorry pwede ba
Sorry pwede ba oh yeah
Sorry pwede ba🎶Pagkatapos niyang kumanta ay binaba na niya ang gitara at lumapit sa akin.
"Mi amor, I'm really sorry. I'm sorry kung may nagawa ba akong mali kaya ka naiinis sa akin. Naiinis ka ba sa akin dahil pumunta kami dito?"
"Hindi ako naiinis sayo dahil diyan."
"Eh, sa anong dahilan?"
"Hindi ko alam ang dahilan. Bigla na lang ako naiinis sayo."
Hinawakan niya ang baba ko para inangat ng kaunti saka hinalikan ako sa mga labi at agad akong tumugon sa halik niya.
Pero bigla kong naalala na may dapat pala akong sasabihin sa kanya kaya agad ko siyang tinulak.
"What's wrong?"
"May dapat akong sasabihin sayo."
"Okay, what it is?"
"Ano kasi... Uh –" Yumuko ako dahil hindi ko kayang tumingin kay Trey. Namumula na siguro ang pisngi ko.
Hinawakan niya ulit ang baba ko para inangat. "Look at me. Ano ba yung sasabihin mo sa akin?"
"Bu..."
"Bu? Come on, Pau. Deretsuhin mo na ang gusto mong sabihin sa akin."
"Ngayon ko lang naalala ang dahilan kung bakit ako naiinis sayo kanina."
"Okay, ano ba iyon?"
"Alam mo namang wala pa sa plano ko ang sundan si Travis pero ngayon nandito na."
Nakita kong tulala si Trey.
"Wala bang sasabihin man lang ba diyan?"
Kumurap ito saka tumingin sa akin. "Did you say you are pregnant? Kailan mo pa nalaman buntis ka? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?"
"Oo, buntis ako. Wala akong alam na buntis ako noong pumunta kami dito ni Travis at nakakahalata ang girlfriend ni kuya na pihikan ako sa pagkain kaya dinala niya ako sa clinic para pa-check up at doon kumpirma. Hindi ko pa dapat sasabihin sayo ang tungkol dito pero wala na dahil nandito na yung baby."
"Kaya pala konti lang ang kinain mo kanina. Damn. Magiging daddy ulit ako." Nakita ko ang paglunod ni Trey sa harapan ko at mukhang may kinukuha siya. "Balak ko talagang gawin ito at napaaga nga lang."
Napasinghap ako ng makita kung ano ang kinuha niya. Isa pa lang maliit na kahon naglalaman na singsing.
"Pauline, will you marry me?"
Hindi ako makasagot dahil hindi pa ako handa sa ganitong bagay pero nandito na.
Dahan-dahan akong tumango pero naluluha pa rin ako. Hindi ko talaga inaasahan ito. "Y-Yes, I will marry you, Trey."
Tumayo na siya saka sinuot ang singsing sa daliri ko at niyakap na rin niya ako. "Thank you, Mi amor."
Tiningnan ko ang singsing sa daliri ko bago binaling sa kanya. "Bakit bigla mo itong ginawa? Hindi ako handa."
Tumawa siya saglit. "Balak ko rin sana magpropose sayo dito. Pero hindi sa backyard ng bahay ni Jim ah. Ang gusto ko sana memorable ang pagpropose ko sayo."
"Dapat hindi ka muna nagpropose sa akin."
"No, no. Hindi pwede lalo na magkakaroon ulit tayo ng anak. Okay na ito. Memorable pa rin dahil sa magandang balita."
"Mommy, daddy, okay na po ba kayo?" Tanong ni Travis.
"Yes, buddy. Salamat sa tulong niyo ni Evan."
"Ginamit mo pa talaga ang mga bata para magkaayos lang tayo."
"Hindi ko sila ginamit. Sila mismo ang lumapit sa akin at tinanong ako kung kailan ko ba ng tulong."
"Ganoon na rin iyon. Humingi ka rin ng tulong sa mga bata."
"Sorry, hindi na mauulit." Nakita ko ang pagtingin niya sa phone niya. "Naku, late na pala. Kailangan na namin bumalik ni Evan sa hotel."
"Bakit hindi lang kayo matulog dito?"
"Pero nandoon ang mga gamit namin ni Evan."
"Pwede ka naman humiram kay kuya ng damit at pwede rin humiram si Evan kay Travis."
"Sige na nga kung mapilit ka talaga."
BINABASA MO ANG
When Bad Boy Meets Campus Nerd
RomanceChase Series #1: Trey Chase Siya si Pauline Johnson isang matalinong magaaral o mas kilalang Campus Nerd at gusto lamang niya ang tahimik na buhay. Hanggang may bagong transferee sa kanilang section at guguluhin ang kanyang tahimik na buhay. Siya na...