2

411 19 1
                                    

Habang papasok ako sa schoo. As usual maaga akong pumasok. Wala akong ginagawa sa dorm pagkagising ko sa umaga, hindi rin naman ako kumakain ng agahan.

"Pau!" Lumingon ako sa tumawag sa akin at familiar sa akin ang boses na iyon. "Good morning."

"Close tayo?"

"Sorry. Ayaw mo bang tinatawag ka na Pau?"

Sasagot na sana ako ay may naramdaman akong mga pares na mata nakatingin sa akin, yumuko na lamang ako. Kung pwede nga lang nakakapatay ang mga titig na iyon baka kanina pa akong patay.

"Pau? May problema ba?"

"Wala." Tumalikod na ako sa kanya. "Una na ako sayo."

Nagmamadali na akong pumasok sa loob ng school. I'm sure mga kaklase kong babae ang mga iyon dahil alam ko namang may gusto sila kay Trey.

Papasok na sana ako sa classroom na narinig kong pinaguusapan na ako ng mga kaklase kong babae.

"Ang kapal talaga ng mukha ng nerd na iyon."

"Oo nga. Akala mo pa namang maganda para magustuhan siya ni Trey."

Tumuloy na ako sa pagpasok na dahilan huminto na sila sa paguusap. Ang sama nga ng tingin nila sa akin, eh.

Natapos ang araw na pangbubully ang ginagawa sa akin. Ito na nga ba ang ayaw kong mangyari sa akin. Simulang dumating ang Trey na iyan naging magulo na ang buhay ko.

"Pau–"

Humarap ako sa kanya habang naluluha. "Pwede ba huwag na huwag mo na akong guluhin. Ayaw ko ng gulo, Trey. Tahimik ang buhay ko bago ka dumating."

Umalis nga ako sa amin para tahimik ang buhay ko tapos ganito rin mangyayari sa akin dito.

Tahimik lamang ako habang nasa kotse ako ni kuya Jim. Mamayang tabi pa naman ang flight niya kaya may oras pang magkasama kaming dalawa.

"Sis, okay ka lang ba?"

"I'm fine, kuya."

"Sabihin mo lang sa akin kung may problema ka ah."

"Pagod lang po siguro ako ngayon."

"Paguwi natin sa bahay ay pahinga ka na."

Yes, napag desisyunan ko na umuwi sa bahay kahit hindi ako exist sa mga magulang ko. Para bang nagsisi sila na dumating ako sa mundo. Ganito ang trato nila sa akin.

Pagkarating namin sa bahay ay nauna na ako bumaba sa kotse at pumasok sa loob. Ano pa nga ba ang aasahan kong makita rito? Ang kakamustahin nila ako? Tsk, imposible mangyari iyan. Pumunta na lang ako sa kwarto para magpahinga.

Nagising ako na hindi ko inabalang magpalit ng damit. Binuksan ko ang pinto dahil may kumakatok.

"Bakit, kuya?"

"Gusto ko lang magpaalam sayo bago ako umalis."

Sumimangot ako dahil babalik na talaga si kuya Jim sa Australia. "Ingat ka palagi doon ah."

"Ikaw rin." Pinisil niya ang pisngi ko.

"Ow. Masakit, kuya."

"Mamimiss lang kita. Sige na alis na ako. Baka maiwanan pa ako ng eroplano."

Maganda ngang mangyari 'yan para kasama ko ulit si kuya.

Ang sama ng iniisip ko.

"Bumaba ka na dahil malapit na ang hapunan." Dagdag pa niya kaya sumabay na ako bumaba kay kuya Jim. "Ma, pa, alis na po ako."

"Ingat ka palagi, Jim. Huwag mong kalimutan tawagan kami rito." Ani mama.

Pagkaalis ni kuya Jim ay pumunta na ang mga magulang ko sa kusina para kumain pero naririnig ko sila naguusap. Nahihinayan tuloy akong sumabay sa kanila kumain. Imbes na sumabay sa kanila ay lumabas na lang ako ng bahay.

Umupo ako sa swing pagkarating ko sa park. Itong lugar ang madalas na pinupuntahan namin ni kuya Jim pero ngayon umalis na siya kaya magisa na lang ako.

Lumingon ako sa kabilang swing at namilog ang mga mata ko ng malaman ko kung sino ang nakaupo doon.

"What are you doing here? Sinusundan mo ba ako?!"

"Hindi ah. Naglalakad at nagpapahangin lang ako hanggang nakita kita rito. Samahan kita dahil delikado lalo magisa ka lang. Nasaan pala si Jim?"

"Bumalik na si kuya sa Australia."

"I see... Bakit ka nga pala nandito?"

"Ayaw ko muna umuwi sa amin. Hindi kasi maganda ang relasyon ko sa mga magulang ko, para bang nagsisi sila na dumating ako sa mundo. Pinaparamdam nilang hindi nila ako anak dahil ganito ang trato nila sa akin. Wala naman akong balak umuwi ngayon pero pinagkausapan ako ni kuya na umuwi."

"Mahal na mahal mo ang kapatid mo, 'no?"

"Oo naman. Si kuya na nga lang ang kakampi ko sa buhay pero ngayon magisa na lang ako." Pinunasan ko na ang luha ko na kanina pa pumapatak. Kainis naman.

Napatingin ako kay Trey noong may naririnig akong kumakain at siya lang pala yung kumakanta. Grabe, magaling rin pala siyang kumanta.

"Magaling ka pala kumanta."

"Hindi sa nagyayabang ako pero kilala ang pamilya ko sa musika. Ako sa gitara, si Clark sa piano at si Taylor–" Bigla siyang tumahimik pagkabanggit niya sa pangalan ng kakambal niya.

"Siya ba ang dahilan kung bakit ka huminto sa paglalaro ng basketball?" Tanong ko.

"Paano mo nalaman?"

"Nabanggit sa akin ni kuya na siya ang dahilan kung bakit ka sumali sa basketball dati."

"I see... Isa si Taylor naniniwala sa galing ko sa paglalaro ng basketball. Nagpursigi talaga ako para maging mas magaling na basketball player pa ako. But 4 years ago naaksidente si Taylor. Kung hindi lang lumayas noon si Clark, sana buhay pa ngayon ang kakambal ko."

"What do you mean? Si Clark ang may dahilan kung bakit siya namatay?"

"Hindi rin kasi maganda ang relasyon ni Clark at papa kaya isang gabi lumayas si Clark. Ilang oras na ang lumipas ay hindi pa siya umuuwi kaya nagpasya si Taylor na hanapon si Clark pero mga isa o dalawang oras nakatanggap ang mga magulang ko na tawag naaksidente daw si Taylor. Simula nangyari ang trahedya na iyon ay hindi na maganda ang relasyon namin dahil palagi kong sinisi sa kanya ang nangyari. Kapag nagkikita kami sa bahay ay madalas kami magaaway kaya umaalis na lang ako sa bahay. Ayaw ko kasi makitang umiiyak si mama nang dahil sa pagaaway naming magkapatid."

"So, nagaaway ulit kayong dalawa?"

"Parang ganoon na nga. Mas okay na ang umaalis ako ng bahay. I need peace of mind." Tumingin ito sa kalangitan. "Sana laging ganito tayo."

Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"

"Ang akala ko kasi kanina okay na tayo pero bigla ka na lang nagalit sa akin na hindi ko alam kung may gawa ba akong mali kanina."

Paano niya malalaman kung tulog siya kanina. Hindi ko nga maintidihan kung bakit nagagalit sa akin ang mga babae. As if na boyfriend nila si Trey.

"May nang aaway ba sayo kanina?" Tanong niya dahilan napatingin ako sa kanya.

"Huh? Wala." Tumingin na rin ako sa kalangitan. "Pwede naman tayo magusap ng ganito pero ayaw ko sa school."

Napatingin siya sa akin. "Bakit?"

"Basta."

Ayaw kong lumaki pa ito kung sasabihin ko sa kanya ang dahilan kung bakit ayaw ko sa school kami magusap.

When Bad Boy Meets Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon