Inaasikaso ko na si Travis dahil ngayong araw na may papakilala daw sa amin sina Trey at Evan. Excited na nga rin si Travis makilala yung tumulong kila Trey.
"Mommy, tulog pa po ba si daddy?"
"I don't know, baby. Hindi ko pa nakikita ang daddy niyo."
"Puntahan ko na lang po siya sa kwarto niya."
Lumipat na kami ni Travis ng bahay dahil sa kagustuhan ng dalawang bata na buo ang pamilya kaya pumayag na ako. Pero hindi kami magkasama sa isang kwarto ni Trey. Sa guest room ako kasama si Travis.
"Samahan na kita sa kwarto ng daddy mo."
Papunta na kami sa kwarto ni Trey pero nakasulong namin si manang Melinda.
"Hello po, manang. Si Trey po?".
"Maagang pumasok si Trey kanina."
May pasok si Trey kahit Sunday? Sipag naman ng taong iyon, baka hinahanayaan na niya ang sarili niya at magkasakit pa.
"May sinabi po ba kung anong oras siya uuwi?"
"Pasensya na, hija. Walang sinabi si Trey kung anong oras siya uuwi mamaya."
"Ganoon po ba? Salamat po." Tumingin ako kay Travis. "Baby, sorry pero wala si daddy ngayon."
"Nasaan po siya?"
"Nasa work. Mukhang may importante siyang ginagawa ngayon." Tiningnan ko ang phone ko na tumunog iyon at nakita ko ang pangalan ni Trey sa ID caller. "Sasagutin lang ni mommy ito ah."
"Sige po. Doon na po muna ako sa kwarto ni Evan."
Sinagot ko na ang tawag. "Nasaan ka? Akala ko ba may pupuntahan tayo ngayon? Excited pa naman ang mga bata."
"Pau, relax. Isa-isa lang tanong at mahina ang kalaban."
"Nasaan ka ba kasi?"
"Company. May inaasikaso lang ako pero pauwi na rin ako. Hintayin niyo ko ng mga bata."
"Okay, magiingat ka sa pagmamaneho mo. Ibaba ko na ito para hindi ka maaksidente." Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya dahil binaba ko na ang tawag.
Pumunta na ako sa kwarto ni Evan para puntahan silang dalawa ni Travis.
"Mommy!" Pagkakita sa akin ni Evan.
"Hello. Hintayin natin ang daddy niyo."
"Nasaan po si daddy?" Tanong ni Evab.
"Nasa work kasi may inaasikaso lang siya pero pauwi na rin ang daddy niyo."
"Hintayin na lang natin si daddy. Laro na muna tayo."
"Sige, laro muna kayo diyan." Lumabas na ako sa kwarto ni Evan
Mga dalawang oras kami naghintay bago ko narinig ang busina ng kotse ni Trey.
Bumaba na siya sa kotse niya. "Sorry kung ngayon lang ako. Naipit kasi ako sa traffic." Umupo siya sa harapan ng mga bata. "Sorry kung ngayon lang si daddy. Babawi ako sa inyo pagkatapos natin bisitahin ang lolo Nick niyo."
Kumunot ang noo ko. "Sino iyon?"
Tumingala siya sa akin sabay ngiti. "You'll meet him later."
"Siya ba yung pupuntahan natin ngayon."
Tumango ito. "Yes.
Nagtataka ako dahil nandito kami ngayon sa isang sikat na hotel. Grabe naman sobrang yaman siguro yung bibisitahin namin ngayon. Dito pa talaga sa sikat na hotel nakacheck in.
BINABASA MO ANG
When Bad Boy Meets Campus Nerd
RomanceChase Series #1: Trey Chase Siya si Pauline Johnson isang matalinong magaaral o mas kilalang Campus Nerd at gusto lamang niya ang tahimik na buhay. Hanggang may bagong transferee sa kanilang section at guguluhin ang kanyang tahimik na buhay. Siya na...