22

239 13 0
                                    

Pauline's POV

Sinagot ko ang tawag ni Trey dahil tumatawag siya sa akin. Mukhang hinahanap na ako.

"Nasaan ka?"

"Bumalik ako sa amin. Marami akong katanungan sa mga magulang ko ngayon lalo na nalaman ko kung sino ba talaga ang magulang ko."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka sa inyo?"

"Alam kong busy ka kaya ayaw kong makaisturbo sayo."

"Kahit kailan hindi ka isturbo sa akin. Hintayin mo ko diyan."

"Trey, huwag na. Kaya ko namang harapin ang mga magulang ko at kailangan ko rin gawin ito na magisa."

"Okay, pero tawagan mo ko kung may kailangan ka ah."

"Oo naman." Binaba ko na ang tawag at tumingala sa bahay nasa harapan ko. Matagal tagal na rin ang huling punta ko rito. Yung huli nga noong nalaman kong ampon ako.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at nagulat nga si mama ng makita ako.

"Pauline..."

"Sana sagutin niyo ho ang lahat na katanungan ko."

"Katanungan? Anong katanungan iyon?"

"Marami akong katanungan na gustong tanungin sa inyo ni dad."

"Okay. Maupo muna tayo." Alok niya.

Umupo na ako sa solohang sofa. "Ang unang tanong, paano ako nakarating sa inyo?"

"Binigay ka sa amin ng kaibigan ng dad mo. Ang sabi niya sa amin na hindi ka niya kayang alagaan na magisa dahil namatay ang tunay mong ina sa pagkapanganak sayo kaya binigay ka sa amin."

"Kilala niyo po ba kung sino ang kaibigan ni dad na iyon?"

"Um, Nick Jordan. Business partner siya ng dad mo."

"Kaya ba hindi niyo magawang maging proud ni dad sa akin dahil hindi niyo ko tunay na anak?"

"Hindi totoo iyan, Pauline. Kahit hindi ka nanggaling sa akin ay tinuring pa rin kitang anak ko."

"Bakit ganito ang pagtrato niyo sa akin? Hindi niyo ko sinusuportahan sa mga bagay na ginagawa kahit ang pagkakaroon ko ng boyfriend."

"Ang gusto namin ng dad mo na sa mabuting kalagayan ka. Nang nalaman namin ng dad mo na nagkaroon ka ng boyfriend at si Trey ang boyfriend mo ay gusto namin tumutol sa relasyon niyo pero sa nakikita kong masaya ka habang kasama mo siya."

"Masaya ako sa tuwing kasama ko siya. Nandiyan siya para damayan ako sa lahat na problema ko. Alam ko ho na mali ang ginawa ko dati na maaga akong nabuntis."

"Nadisappointed kami ng dad mo noong sinabi mo sa amin na buntis ka. At mali rin ang sinabi namin na ipalaglag mo ang bata."

"Don't worry, ma. Hindi ko naman ho pinalaglag ang anak ko. Kahit mahirap mamuhay na magisa pero kinaya kong tumayo sa sarili kong mga paa." Tumayo na ako. "Kahit hindi kayo ang tunay kong magulang pero nagpapasalamat pa rin ako sa inyo dahil inalagaan niyo ko. Mahal na mahal ko kayo ni dad, ma."

"Mahal ka rin namin, Pauline." Tumayo na rin si mama at niyakap ako. "Sana mapatawad mo kami ng dad mo."

"Matagal ko na ho kayo pinapatawad."

Pagkatapos namin magusap ni mama ay nagpaalam na ako sa kanya. Baka hinahanap na talaga ako ng mga bata. Paglabas ko ay nagulat ako dahil nasa labas si Trey.

"Ano ang ginagawa mo rito?"

"Hinintay ang girlfriend ko."

"Ano nga kasi ang ginagawa mo?"

"Tumawag si manang Melinda sa akin kanina at tinatanong sa akin kung kasama ba kita kasi hinahanap ka ng mga bata. Kaya ito sinusundo kita."

"Sorry ah."

"Para saan?"

"Naisturbo ka pa tuloy ng mga bata."

"Wala iyon. Tapos na rin naman ang lahat na trabaho ko kanina. Musta na ang paguusap niyo kanina?"

"Ayun, ayos lang. Pinatawad ko na sila sa pagkukulang nila sa akin."

"So, pumapayag ka ng pakilala sa kanila si Travis?" Tanong niya at pinagbuksan niya ko ng pinto ng kotse.

Pumasok na ako sa loob at sinuot na ang seatbealt. Hinihintay ang pagsakay niya sa driver's seat.

"Hindi lang naman si Travis ang papakilala sa kanila. Kahit si Evan."

"Pau, thank you for accepting Evan as your own son."

"Ano ka ba, Trey. Ang drama mo. Kahit hindi sa akin nanggaling si Evan ay tanggap ko siya bilang anak ko. Ayaw kong mang gaya siya sa akin na lumaki na walang suporta ng mga magulang. Kung ano pa ang gusto niya maging ay susuportahan ko siya."

Nagtataka ako dahil huminto kami sa isang tabi at tinanggal niya ang seatbelt niya. "Kaya mahal na mahal kita, Pau."

Ngumiti ako. Eh, sa kinikilig ako. "I love you too."

"I love you more." Sabi niya saka dumikit ang mga labi namin.

Masaya ako dahil nakilala ko si Trey. Kahit na wala akong pakialam sa mga taong nakapaligid sa akin pero sa kakulitan pa ni Trey. Pero ang nagustuhan ko sa kanya ay ang pagiging mabait niya at protective sa akin.

Paguwi namin ay nagsitakbuhan ang mga bata paglapit sa akin.

"Mommy."

"Sorry kung ngayon lang ako nakauwi."

Ang sabi ko nga sa kanila na hintayin nila ang pagbalik ko dahil may pupuntahan ako. Hindi ko kasi magawang isama ang mga bata baka hindi sila tatanggapin ng mga kinilala kong magulang lalo na si Evan kapag nalaman nilang hindi ko anak si Evan.

"Ayos lang po iyon. Ang importante umuwi na kayo." Ani Travis.

"Aww... Ang sweet mo talaga, baby." Niyakap ko si Travis. Namiss ko ang ganito. Kung pwede nga lang na pahintuin ang takbo ng oras ay sana matagal ko ng ginawa. Ayaw ko pang lumaki sina Travis at Evan.

Pinatulog ko na ang mga bata pagkatapos namin gawin ang homework nila.

"Tulog na ba sila?"

Lumingon ako na may ngiti sa mga labi ko. "Oo, eh. Mukhang napagod kanina."

Nagulat ako sa paghila sa akin ni Trey. Ano ba ang gusto nitong gawin?

"Ano ba, Trey!"

"Shhh... Huwag ka maingay baka magising ang mga bata."

"Bakit mo ba ako hinihila?"

"Napag isip ko na bakit hindi natin sundan na sina Travis at Evan?"

"Aba..." Pinalo ko siya sa braso. "Loko ka talaga."

"Why? Malaki na rin naman sila. Kaya gusto ko ng may baby sa bahay."

"Hoy, mr. Chase. Baka nakakalimutan niyo ho na boyfriend pa lang kita, hindi pa asawa. Ang gusto ko lang naman na ikasal muna bago sundan ang dalawa nating anak."

"Eh, yayain na kita ng kasal."

"Tumigil ka nga. Hindi pa ako ready."

Ano ba itong pinagsasabi ni Trey. Mas lalo akong kinikilig sa sinasabi niya. Siya kaya ang first love ko.

"Kailan ka naman maging ready?"

"Hindi ko pa alam kasi gusto ko sana na magbakasyon muna kami ni Travis sa Australia."

"Huh? Hindi kami kasama ni Evan?!"

"Trey naman. Hindi ko na kailangan sumigaw at alam kong marami kang gagawin sa kumpanya. Siyempre hindi mo pwedeng iwanan ang trabaho mo, kung ayaw mong tambak ang trabaho mo kapag sumama ka sa amin sa Australia."

"Mas gugustuhin ko pa ang maraming trabaho kaysa iwanan mo kami ni Evan."

"Bahala ka. Ikaw rin naman ang masisi kapag tambak ang trabaho mo."

Tumingin siya sa phone niya noong tumunog iyon. "Excuse me lang ah."

Tumango ako. "Oh, sige."

When Bad Boy Meets Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon