"May gusto ka bang sabihin sa akin kanina bago pumasok ang teacher natin?" Tanong niya sa akin.
"Huh? Wala. Nakalimutan ko na."
May gusto na ba ako sa kanya? Ewan ko pero ang alam ko lang hindi ako ganito dati. Hindi ko magagawang protektahan ang isang tao lalo na babae. Ang madalas ko lang ginagawa ay makipag away.
"Um, Pau." Humarap siya sa akin pero umiling lamang ako. "Nothing. Uwi na ako."
Imposibleng magkakagusto ako sa kanya lalo na ilang buwan ko pa lang siya kilala.
"Okay, ingat ka sa paguwi."
Paguwi ko sa bahay si mama ang sumalubong sa akin.
"Saan ka galing, Taylor?" Tanong ni mama at ang masakit pa tinawag na naman niya akong Taylor. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin tanggap ni mama ang pagkawala ni Taylor.
"Um, sa labas lang po." Sagot ko. Ayaw kong makitang umiyak si mama kaya no choice ako na magpanggap na ako si Taylor.
"Nasaan pala si Trey?"
Ma, ako ito si Trey. Tanggapin niyo na matagal ng wala si Taylor. Sinasaktan niyo lang ang sarili niyo sa tuwing iniisip niyong buhay pa si Taylor.
Damn it. Hindi ko masabi kay mama ang katotohanan na matagal ng patay si Taylor.
"Wow naman. Ang ganda ng salubong sa akin. Ang anak nagpapanggap bilang si Taylor para hindi umiyak si mama."
Lumingon ako sa likod at binigyan ko siya ng masamang titig. "Manahimik ka, Clark."
Habang nasa kalagitnaan kami ng hapunan ay tinanong ako ni papa kung ano nangyari sa mukha ko at ant magaling kong kapatid ang sumagot na akala mo siya ang tinatanong.
"Ilang beses ko bang sinasabi sayo na magbago ka na, Trey. Hindi ito ang unang beses na napaaway ka."
"Exactly, pa. Pero may dahilan ako kung bakit ako napapasok sa gulo."
"Ano ang dahilan mo?"
"May isang babae siyang pinoprotektahan." Sagot ni Clark. See? Siya ang sumasagot.
"Tang- Yes, pa. May pinoprotektahan akong tao sa school."
"Sino?"
"Pauline Johnson. Kapatid siya ni Jim, remember him?"
"Aminin mo na may gusto ka sa kanya kaya mo ito ginagawa."
"Manahimik ka!"
"Kung magaaway na naman kayong dalawa, huwag sa harap ng mama niyo."
Pagkatapos kumain ay lumabas ako ng bahay dahil ayaw na ayaw ko talaga makita ang pagmumukha ni Clark at magaaway at magaaway lang talaga kami.
Habang naglalakad ay nakita ko si Pauline sa park. Tambayan niya talaga ang park, 'no? Kaya nagpasya na akong lumapit sa kanya.
"Kaya ka nandito ngayon dahil sa pamilya mo..."
Tumingala siya sa akin. "Parang ayaw ko na ngang umuwi sa amin."
Umupo ako sa kabilang swing. "Ang akala ko tuwing weekend ka lang umuuwi sa inyo."
"Oo, pero may kinuha lang ako sa amin kaya umuwi ako."
"Ano nangyari?"
"As usual, wala talaga silang oras para sa akin. Mas importante sa kanila ang trabaho nila kaysa sariling anak. Iniisip ko nga kung anak ba talaga nila ako o hindi."
"Sorry kung hindi kita matutulungan sa problema mo. Sigurado ako hanggang ngayon ay ayaw pa rin sa akin ng mga magulang mo dahil sa nangyari noong mga bata pa lang kami ni Jim."
"It's okay. Ikaw, bakit ka nandito? Nagaway na naman ba kayo ni Clark?"
"Yeah, masyado kasing pinapakialam ang buhay ko. Sinasabi pa niya sa mga magulang namin na may gusto akong babae pero ang totoo niyan ay hindi pa ako sigurado. Lalo na kung ilang buwan ko pa lang siya kilala."
"Good for you kung may nagustuhan kang babae pero bad news iyan sa mga kababaihang may gusto sayo."
Tumingin ako sa kalangitan. "If ever na may nararamdaman ako para sa kanya, sa tingin mo bang magugustuhan niya rin ba ako?"
"Siguro. Mukha ka namang mabait at handang protektahan siya kapag may umaway sa kanya."
"Mukha? Mabait naman talaga ako sa taong mahalaga sa akin. And yes, handa akong protektahan siya. Gagawin ko siyang reyna ko at mamahalin ko talaga siya."
"Ang swerte naman magiging girlfriend mo."
"Ikaw ba, ano ang gusto mo sa isang lalaki?"
"Siguro yung mamahalin, rerespetuhin ako at siyempre nandiyan palagi sa tabi ko sa tuwing may problema ko. Hindi yung iiwanan ako ng walang dahilan pero hindi pa pumapasok sa isipan ko ang pumasok sa isang relasyon. Study first."
"Parang ako iyang tinutukoy mo ah."
"Ang kapal ng mukha mo." Natatawa niyang sabi pero biglang bumili tibok ng puso ko. Shit – nagiging weird na, hindi na ito tama.
"Alam mo mas gumaganda ka habang tumatawa."
"Huh? Ano pinagsasabi mo diyan?" Umiwas siya ng tingin sa akin.
At doon ko lang narealize ang sinabi ko sa kanya. Shit, ano ba itong pinagsasabi ko?
"Maganda ka naman talaga, Pau. Sa tingin ko ibahin mo lang ang style mo at maraming kalalakihan ang magkakagusto sayo."
"Hindi ko naman kailangan na may nagkakagusto sa aking lalaki. Baka sila pa ang dahilan masira ang mga pangarap ko sa buhay."
"Paano kung isang araw ay may umamin sayo? Babasterin mo ba siya o ano?"
Tumingin siya sa akin at halatang naguguluhan. "Kung mahal talaga niya ako ay magagawa niyang maghintay kung kailan ako handa pumasok sa isang relasyon."
Tumango ako. "I see..."
"May mga katanungan pala ako sayo."
"Okay, go ahead."
"May ibang babae ka pa bang kausap maliban sa akin?"
"Wala akong kinakausap na ibang babae maliban sayo. Bakit?"
"Wala naman. So, yung babaeng gusto mo ay sa school rin natin nagaaral?"
"Hindi ko pa nga alam kung gusto ko nga ba talaga siya o ano."
"Sorry. So ano nga? Sa school rin natin siya nagaaral?"
"Oo, sa school rin natin siya nagaaral."
"Trey, umamin ka nga sa akin. Hindi naman ako magagalit sayo kung umamin ka."
"Ano ang aaminin ko sayo?"
"Ako ba yung babaeng tinutukoy mo? Ayon sa mga sinasabi mo na ilang buwan mo pa lang nakilala yung babae. Ako lang yung babaeng kinakausap mo palagi at wala ng iba. Tapos sa school rin natin siya nagaaral. Hindi lang iyon dalawang beses mo pa ako prinotektahan sa mga estudyante na may binabalak na masama sa akin."
"I– I don't know how I feel. Gaya nga ng sabi ko kanina hindi pa ako sigurado. Sorry, Pau. Pangako hindi ako magiging sagabal sa pagaaral mo at magkaibigan pa rin tayo."
"Sorry, Trey." Tumayo na siya. "Pagaaral lang ang nasa isip ko ngayon."
Shit. Wala pa nga mukhang basted na agad ako. Hindi ko pa nga alam kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya.
"Sige, balik na ako sa dorm ko."
"Hatid na kita. Delikado ang–"
"Huwag na. Wala naman papatol sa kagaya kong nerd." Umalis na siya sa park.
Bumaga ako ng hangin. "Ngayon alam na niya ang lahat. Damn it."
BINABASA MO ANG
When Bad Boy Meets Campus Nerd
RomanceChase Series #1: Trey Chase Siya si Pauline Johnson isang matalinong magaaral o mas kilalang Campus Nerd at gusto lamang niya ang tahimik na buhay. Hanggang may bagong transferee sa kanilang section at guguluhin ang kanyang tahimik na buhay. Siya na...