14

261 17 0
                                    

Kahit hindi pa tapos ang trabaho ko ay maaga akong umalis sa kumpanya para sunduin si Evan sa school. Hindi ko alam kung papayag ba si Pauline na sumabay sa amin.

Habang naghihintay sa paglabas ni Evan ay nakita ko si Pauline. Lalapitan ko na sana siya kaso may kausap siya at ayaw ko ang nakikita ko ngayon. Halatang may gusto sa kanya ang kausap niya.

Hmph! Kahit anong gawin niya, kahit magbigay pa siya ng effort ay ako ang mahal ni Pauline.

Pero sino ba ang niloloko ko? Paano kung iba na pala ang gusto niya?

Damn it, Trey! Stop being paranoid. Ikaw ang mahal niya.

"...dy." Napatingin ako noong marinig ko ang boses ni Evan. "Ayos lang po ba kayo?"

"Huh? Um, oo naman. Bakit?"

"Kanina ko pa po kayo tinatawag pero mukhang hindi niyo ko naririnig."

"Uh, sorry, buddy. May iniisip lang si daddy kanina." Inikot ko ang paningin ko pero hindi ko na makita si Pauline at yung kausap niya kanina. Binaling ko ulit ang tingin kay Evan. "Nasaan pala ang kapatid at mommy mo?"

"May sumundo na po sa kanila. Yung kaibigan po ni mommy ang sumundo sa kanila."

Damn it. Gusto kong murahin ang sarili ko. Kung hindi lang siguro malalim ang iniisip ko, sana kasabay namin sila Pauline. Bwesit.

Bumuga ako ng hangin. "Let's go home."

Papunta na kami ni Evan sa kotse na may tumawag sa akin.

"Buddy, sakay ka na sa kotse. Sasagutin ko lang itong tawag." Sabi ko at sinunod naman ni Evan ang sinabi ko. Sinagot ko na ang tawag. "Hello?"

"Hijo, how are you?"

"Mr. Jackson, okay lang po ako. Napatawag ho kayo."

"Galing ako kanina sa kumpanya mo pero ang sabi ng sikretarya mo wala ka daw. Nasaan ka, hijo?"

Kumunot ang noo sa sinabi ng matanda. "W-Wait lang ho. Nasa Pilipinas po kayo ngayon?"

"Yes, kaninang umaga lang ako nakarating."

"Bakit hindi niyo ho sinabi sa akin na babalik pala kayo ng Pilipinas? Sino ho ang kasama niyo?"

"Don't worry about me, Trey. I'm totally fine and I'm with my butler."

"Um, tungkol sa tanong niyo kanina. Sinundo ko po si Evan sa school pero babalik rin ako kaagad sa kumpanya."

"Kamusta na pala si Evan?"

Tumingin ako sa loob at ang tahimik ni Evan. "He's fine. Marami po ako ikukwento sa inyo. This weekend bibisitahin namin kayo."

"Mukhang nakakaisturbo ako sa inyo mag-ama. Ibaba ko na itong tawag." Binaba na ni mr. Jackson ang tawag.

Sumakay na ako sa kotse baka kasi mainip na si Evan kapag hindi pa kami umuwi.

"Ang tagal niyo naman po, daddy."

"Sorry. Hindi na pala natin kailangan bumalik ng Japan para bisitahin ang lolo Nick mo."

"But you promised, daddy!"

"No, buddy. What I mean is your grandpa Nick is here and this weekend we're going to visit him."

"Really po? Yaaaay! Pwede po bang kasama sina mommy at Travis?"

"I'll ask your mommy first, okay?"

Pagkauwi namin sa bahay ay nagpaalam ako kay Evan na babalik ulit ako sa kumpanya. May kasama naman siya sa bahay kaya walang problema.

Pagkarating ko sa kumpanya sinalubong ako ng sikretarya ko.

"Sir, galing ho dito kanina si mr. Jackson at tinatanong kung nasaan kayo."

"I know. Tumawag siya sa akin kanina at paayos ng schedule ko this coming weekend. Balak ko sana bisitahin si mr. Jackson sa kanila."

"Okay po, sir."

Nang makarating na ako sa office ko ay tinawagan ko si Pauline. Gustong gusto talaga ni Evan pakilala sila kay mr. Jackson.

"Napatawag ka, Trey."

"Remember na may gusto kami pakilala sa inyo? Actually, nandito siya ngayon sa Pilipinas. Kung ayos lang ba na sumama kayo ni Travis sa amin."

"Kailan ba?"

"This coming weekend."

"Ohh... Sorry, Trey. Uuwi si kuya sa Friday at nangako siya na papasyal sila ni Travis sa Saturday."

"I understand. Maiintindihan naman siguro ni Evan kung bakit hindi kayo makakasama sa amin."

"Sir–" Napatingin ako sa sikretarya ko kaya sinenyas ko siya na wait lang at tumango naman siya.

"Babawi ako sa inyo ni Evan."

"Hindi mo na kailangan gawin iyon. Ako na ang bahala kumausap kay Evan. Sige na may trabaho pa ako gagawin."

"You're still working. Huwag mo sana pababayaan ang sarili mo ah."

"Yes, mi amor." Sabi ko at binaba na ang tawag. Tumingin ulit ako sa sikretarya ko. "Yes?"

"Pinaabot ho ni ms. Reyes itong report, sir." Nilagay na niya yung report sa desk ko at lumabas na siya ng office ko.

Walang katapusan na trabaho pero hindi ko naman pwedeng biguin si papa rito. Pinaghirapan nila ni lolo ang kumpanya kaya hindi pwede dito matatapos ang lahat na pinaguran nila.

Pagkatapos ng trabaho ay lumabas na ako ng office para.makauwi na. Pagkalabas ko nga nakita ko ang sikretarya ko.

"Hindi ka pa ba uuwi."

"Uuwi na rin po ako, sir." Inaayos na niya ang mga gamit niya at tumayo na rin.

"Sumabay ka na sa akin sa pagbaba." Sabi ko at naglalakad ulit ako papunta sa elevator. Pinindot ko ang button noong nasa tapat na kami ng elevator.

"Sir, hindi ho alam na may girlfriend na pala kayo."

"She's not my girlfriend yet but soon."

"Siya po ba yung mommy ni Evan?" Tanong niya. Kilala lahat ng empleyado ko si Evan dahil noong maliit pa si Evan ay dinadala ko siya sa kumpanya.

Umiling ako. "No. She's not Evan's mother."

"Alam po niya ang tunkol kay Evan?" Tumingin ako sa kanya. "Ay, sorry po. Masyado ng personal ang tanong ko."

"No, it's okay. Hindi ko naman tinatago ang tungkol kay Evan o kung sino ang ina niya."

Bakit ko ba ikahihiya si Evan? Eh, anak ko naman talaga siya.

"Pero ito lang ang sasabihin ko sayo kung may pumunta man dito sa kumpanya at magpakilala na ina ni Evan ay huwag kayo maniwala dahil isa lang ang ina ni Evan. Iyon ay ang kausap ko kanina sa telepono."

"Okay po."

Sinalubong ako ni Evan pagkauwi ko sa bahay. Nawala kaagad ang pagod ko sa tuwing nakikita ko si Evan.

Binuhat ko siya. "Bakit gising ka pa?"

"Ayaw matulog ni Evan hanggat hindi ka pa daw umuuwi, hijo." Sabi ni manang.

"Ganoon ho ba?" Tumingin ulit ako kay Evan. "Buddy, hindi ka pwede magpuyat dahil masama sa kalusugan ang magpuyat at may pasok ka pa bukas."

"Sorry po. Pero nakausap niyo na po ba si mommy? Makakasama po ba sila?"

"Sorry, buddy. Hindi makakasama sila sa atin kasi uuwi daw ang kapatid ng mommy niyo."

"Aww..." Lumabi siya. Gustong gusto talaga niya pakilala sila Pauline. "How about Sunday na lang po? Para makasama sila."

Bumuga ako ng hangin. Hindi talaga ititigil ang batang 'to kapag hindi kasama ang mommy niya at si Travis. "Tatanungin ko muna ang mommy mo ah."

When Bad Boy Meets Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon