12

292 16 2
                                    

"Ah, shit!" Ang boses agad ni Trey ang narinig ko pagbukas ng pinto sa kwarto ko. Dito ko nga pala siya pinatulog dahil anong oras na dumating kagabi.

"Are you okay?" Tanong ko.

Tumingin siya sa akin habang minamasahe ang balikat niya. "I don't think I'm fine. Hindi ako sanay matulog sa sofa. Bakit kasi dito mo pa ako pinatulog?"

"Aga-aga nagrereklamo ka agad. Pasalamat ka nga pinatuloy kita dito, eh."

"Hindi ako kumportable sa sofa."

"Saan mo gusto matulog? Aba, Trey, hindi ka pwede matulog sa kwarto ko lalo na sa kwarto ni Travis dahil pangbata yung kama at hindi ka kakaysa doon."

Pumunta na ako sa kusina bago pa masira ang umaga ko sa lalaking ito. Pasalamat siya na inalukan ko siya dito magpalipas ng gabi dahil sobrang late na rin siya dumating.

"Pau."

"Ano?"

"Ang sungit mo naman. Ang laki na ng pinagbago mo noong huling kita ko sayo ah. Pero hindi iyan ang gusto kong sabihin sayo."

Lumingon ako sa kanya. "Ano ba iyon?"

"Naalala mo yung pinagluto kita dati?"

"Oo naman. Hinding hindi ko iyon makakalimutan dahil first time kong kumain ng sunog."

"Grabe siya. First time ko lang magluto sa mga panahon na iyon."

"Ngayon ba marunong ka na magluto?"

Umiling siya. "Hindi pa rin. Wala akong oras na magluto kaya dumadaan na lang kami ni Evan sa drive thru bago ko siya hatid sa school niya."

"Ibang klase ka talaga. Huwag mo sayanin ang bata sa fast food."

"Ano ang magagawa ko? Busy ako palagi sa trabaho."

"Daddy!" Rinig ko ang boses ni Evan. Gising na siya.

"Hey, buddy."

"Kararating niyo pa lang po ba?" Tanong ni Evan.

"No, Evan. Kagabi pa ako nandito pero dito na rin ako nagpalipas ng gabi."

"Mommy." Gising na rin si Travis.

"Gising na ang mga bata kaya kain na muna tayo ng agahan."

Pagkatapos ko magluto ay nagsimula na kami kumain ng agahan.

"Daddy, magkakilala po ba kayo ni teacher?"

"Kaklase ko ang teacher mo noong high school."

"Bakit, Evan?" Tanong ni Travis.

"Wala lang."

Tumingin sa akin para bang sabihin sa mga bata ang pinagusapan namin kagabi. Siya dapat ang kumausap sa kanila.

"Um, boys..."

"Bakit po?" Sabay nilang tanong.

"May gusto kaming sabihin sa inyo. Lalo na sayo Travis."

"Ano po iyon?"

"Travis. Um, I'm sorry kung wala ako sa tabi mo habang lumalaki ka."

"Ibig po bang sabihin magkapatid kami ni Travis?" Hindi makapaniwala si Evan kaya tumango si Trey sa kanya. "Yehey!"

"Bakit parang hindi ka masaya, baby?"

"M-Masaya po ako." Sabi niya sabay singot. "Masaya po ako dahil nandito na si daddy at hindi lang iyon nagkaroon pa ako ng kapatid."

"Hindi ka galit sa akin dahil wala ako sa tabi mo?"

Umiling ang bata sa kanya. "Sinabi po sa akin dati ni mommy nasa ibang bansa ang daddy ko kasama ang lolo."

When Bad Boy Meets Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon