Ngayon pa lang ako nakapanood ng laro dahil wala naman akong interest sa sports pero kailangan kong pumunta para suportahan ang boyfriend ko. Pasok na nga ang school namin sa finals dahil ang galing talaga ni Trey.
Pupuntahan ko si Trey sa locker room nila bago magsimula ang laro nila sa isa sa mga malalakas na team. Alam ko naman mananalo sila at may tiwala ako sa kanila.
"Hey, miss..." Napatingin ako doon. "Are you alone?"
Ako ba ang tinatanong niya?
Tumingin ako sa paligid pero wala naman ako nakikitang ibang tao. Mukhang ako nga ang tinatanong niya.
"No, I'm here with my boyfriend. Actually, ang team nila ang makakalaban niyo mamaya." Sabi ko at umalis na.
Nandito na ako sa tapat ng locker room nila at kumatok na sa pinto. Binuksan ng isang miyembro ang pintuan.
"Trey, nandito ang girlfriend mo."
Lumapit siya sa akin kaya niyakap ko siya. "What's wrong?"
"Nothing." Tumingala ako sa kanya sabay ngiti. "Galingan niyo ah."
"Oo naman. Nandiyan ka para suportahan kami."
Sa 1st quarter ay nakakalamang ang kalaban dahil sobrang lakas talaga nila pero pagdating sa 2nd quarter ay nakabawi agad ang team namin. Over time na pero wala sa parehong team ang gustong magpatalo kahit pagod na pagod na silang lahat.
Naiiyak ako dahil nanalo ang team namin. Sa tagal na panahon ay nanalo ulit ang school namin.
"Trey!" Sigaw ko dahilan napalingon siya sa akin.
"Nanalo kami." He mouthed at nag-peace sign.
Nagmamadali akong puntahan sila sa locker roon para i-congratulate sa pagkapanalo nila.
"Congrats sa inyo."
"Salamat sayo, Pauline." Sabi noong team captain nila.
"Wala naman po ako ginawa ah."
"Kung hindi ko kinumbinse si Trey na sumali sa team baka talo kami ngayon."
"Alam ko naman mahal talaga ni Trey ang paglalaro ng basketball."
"Excuse us." Hinila niya ako palabas ng locker room nila.
"May kailangan ka ba–" Namilog ang mga mata ko noong dumikit ang labi niya sa labi ko pero hindi naman tumagal ay humiwalay na siya sa akin. "W-What was that?"
"A kiss and that's my reward."
Ngumiti ako. "Then, I'll give you more reward." Binigyan ko siya ng halik sa labi. Inaamin ko ito ang first kiss namin at hindi ko makakalimutan ang araw na 'to.
"Pauline."
Naitulak ko si Trey sa pagkagulat ko. Humarap ako sa taong tumawag sa akin at namilog ang mga mata ko.
"Mom..."
"What the meaning of this? Do you know this guy, Pauline?"
"Ma'am..."
"I'm not talking to you!"
"Mom, please stop! I know Trey because he is my boyfriend."
"Boyfriend?! Lumayo ka sa lalaking iyan, Pauline!"
"Why? Dahil ba sa nangyari noon kay kuya? Sa sobrang tagal na nangyari iyon at nagbago na si Trey."
"Gusto mong sirain ang pangarap ng kapatid niya tapos ngayon ang pangarap naman ni Pauline ang gusto mong sirain. Ano ba ang gusto mong mangyari?!"
"Mom, I said stop!" Hindi naman ako papayag na pagsalitaan niya ng masama si Trey. Kung paano niya ako protektahan ay poprotektahan ko rin siya kahit ang mga magulang ko pa ang magiging kalaban ko. "Mahal ko si Trey at hindi ako papayag na pagsalitaan niyo siya ng masama."
"Hindi mo siya kilala!"
"No! Kumpara sa inyo ay mas kilala ko si Trey. Kung ano ang pagkakilala niyo sa kanila noon ay hindi na siya ngayon."
"Wala kang utang na loob."
"I'm sorry, mom pero kung gusto niyong maghiwalayin kami ay hindi ako papayag." Matagal ko ng pinangarap na kausap nila ako pero hindi sa ganitong sitwasyon at malalaman nila ang tungkol relasyon namin. "Matagal na akong bayad sa inyo simulang tinanggap ako bilang scholar. Simulang umapak ako ng high school ay wala kayong ginaga–"
Napahawak ako sa pisngi ko noong sinamampal ako ni mama. Ngayon nga lang kami nagkausap tapos sa ganitong sitwasyon pa.
"Simulang nakilala mo ang lalaking iyan naging ganyan ka na!"
Hindi ko alam ang dahilan kung bakit sila ganito sa akin. Naging mabuting anak naman ako sa kanila pero ito ang pagtrato nila sa akin.
Umupo ako sa bench habang umiiyak. Sobra na akong nasasaktan. Ang akala ko hindi matatapos ang masasayang pagyayari pero nagkamali ako.
"Pau, I know it's my fault."
Pinunasan ko muna ang luha ko bago tumingib sa kanya. "Wala kang kasalanan, Trey. Hindi naman nasira ang pangarap ni kuya."
Umupo siya sa tabi mo. "Hindi nga nasira ang pangarap ni Jim pero paano kung hindi siya lumipat ng paaralan? Baka magaya rin siya sa akin."
"Don't say that."
"Salamat dahil nandiyan ka sa tabi ko, Pau."
"Hindi naman ako papayag na pagsalitaan ka ng masasakit na salita."
Mali rin ako dahil sinagot ko kanina si mama pero hindi rin tama ang ginawa niya.
"Tama ba ang narinig ko na mahal mo rin ako?"
Tumango ako. "Mas lalong nakilala kita doon ko narealize na mahal na pala kita."
"I love you too." Muli niya akong hinalikan sa labi.
"Trey, paalala ko lang sayo na ikaw ang first boyfriend ko kaya ingatan mo ko ah."
"Of course. Nangako rin ako kay Jim na hinding hindi kita papaiyakin. Takot ko lang na mawala ka."
Ngumiti ako. "Thank you."
Tumayo na siya. "May gusto ka bang puntahan?"
"Alam mo naman hindi ako mahilig mamasyal. Baka hinahanap ka ng mga teammates mo at magdidiriwang pa kayo sa pagkapanalo niyo."
"Nagpaalam ako sa kanila na hindi ako makakasama. Ayaw kong sumaya na ganito ang nangyari sayo ngayon."
"Best boyfriend ka talaga." Tumayo na rin ako saka niyakap siya.
"Siyempre. Gagawin ko ang lahat para maging masaya ka."
"Gusto ko na bumalik sa dorm at magpahinga." Sabi ko.
"Okay, hatid na kita sa dorm mo."
Nang makarating na kami sa dorm ko ay natakot lang kami sa tapat dahil bawal ang lalaki sa loob.
"Pahinga ka na at uuwi na rin ako sa amin."
"Tawagan mo ko kung nakauwi ka na ah. Para hindi ako magaalala sayo."
"Yes po. Tatawag ako sayo mamaya paguwi ko."
Pagpasok ko sa room ko ay humiga na ako sa kama para magpahinga. Wala naman ako masyadong ginawa ngayong araw pero pakiramdam ko pagod na pagod ako.
BINABASA MO ANG
When Bad Boy Meets Campus Nerd
RomansChase Series #1: Trey Chase Siya si Pauline Johnson isang matalinong magaaral o mas kilalang Campus Nerd at gusto lamang niya ang tahimik na buhay. Hanggang may bagong transferee sa kanilang section at guguluhin ang kanyang tahimik na buhay. Siya na...