10

294 19 0
                                    

Pauline's POV

5 years later...

"Are you okay? Masakit pa ba?" Tanong ko pagkatapos kong gamutin ang sugat niya.

Umiling siya. "Hindi na po."

"Next time be careful, okay?" Sabi ko.

Ang batang kausap ko ay isang Chase rin. Hindi ko alam kung kaanu-ano nila ang batang 'to. His name is Evan Chase.

"May susundo ba sayo?"

"Ang daddy ko po. Nangako po siya sa akin na susunduin niya ako after school."

"Okay, hintayin natin dito ang daddy mo."

Pumunta na ako sa isang kama dito sa infirmary kung saan may isa pang bata. He is my son and his father doesn't have any idea about him.

"Travis, wake up." Ginigising ko ang anak ko at dumilat na siya. "You're having a bad dream again, baby."

Niyakap ako ni Travis na mahigpit. "Yes, mommy.  Someone wants to take you from me."

"It's just a dream. Stop crying." Pinunas ko na ang luha niya. "Hindi aalis si mommy o papayag na makuha ako."

"Evan!" May narinig akong boses ng lalaki.

"Daddy!"

Mukhang nandito na ang daddy ni Evan kaya humarap na ako para makausap siya kaso laking gulat ko ng makita kung sino ang daddy ni Evan. Si Trey, my ex boyfriend.

"Thank you – Pau?" Kahit siya nagulat pagkakita niya sa akin. Gusto ko siyang yakapin pero mukhang may pamilya na siya ngayon. Sobrang miss ko na nga siya.

"Long time no see, Trey."

"Oo nga, eh. Kamusta ka na?"

"I'm doing great. Napupad ko na rin ang pangarap ko maging teacher. Ikaw, kamusta ka na? Hindi ko alam na may anak ka pala."

"Yes, pero ko kilala ang ina ni Evan. Isang araw na may nag-doorbell sa bahay namin at nakita kong may baby sa labas. Gusto ko sana iiwan sa bahay ampunan si Evan pero kinausap ako ni papa na huwag ko na lang ibigay doon kung pwede naman inampon namin. Habang lumalaki si Evan ay nakikita ko ang sarili ko sa kanya kaya nagpasya akong ipa-DNA at positive ang resulta namin."

"Kamusta na pala ang papa mo?"

"He passes away 3 years ago. Kamuntikan na nga ako hindi makapag tapos sa pagaaral dahil sa nangyari pero may isang tao ang tumulong sa akin. Malaki ang utang na loob ko sa kanya." Tumingin ako kung saan nakatingin si Trey at kay Travis siya nakatingin. "Kaninong bata iyan?"

"Anak ko." Sagot ko.

Binaling niya ang tingin sa akin. "Hindi ko alam may anak ka na rin pala. Maswerte ang asawa mo ah."

"Hindi pa ako kasal dahil hindi alam ng ama ni Travis na may anak kami."

"Daddy, hindi pa po ba tayo uuwi?"

"Sorry, buddy. Uuwi na rin tayo."

Binaling ko ang tingin kay Travis at tinawag siya. "Baby, uwi na rin tayo. Get your bag."

When Bad Boy Meets Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon