32

366 15 0
                                    

Ang dami nangyari sa buhay ko. Hindi ko inaasahan na makikita ko ulit si Pauline after 5 years at nalaman ko rin na may anak pala kami. Tapos ngayon magkakaroon ulit kami ng anak.

3 months ago nilakasan ko ang loob ko na kausapin ang mga magulang niya para payagan nila ako na pakasalan ang anak nila pero kahit hindi nila ako payagan pakasalan si Pauline ay wala rin sila magagawa dahil may mga anak na kami at alam ko rin na ipaglalaban niya ako gaya ng ginawa niya noon.

Napatingin ako ng may kamay pumatong sa balikat ko - it was Jim. Umuwi pa talaga siya noong sinabi naming malapit na ang kasal.

"Hindi ka ba nagaasikaso diyan. Baka maunahan ka pa ng kapatid ko kahit buntis pa iyon."

Napatawa ako sa huli niyang sinabi. "Hindi naman ako papayag na si Pau ang maghihintay sa akin sa altar."

"Kaya magbihis ka na." Sabi niya bago lumabas ng kwarto.

Nandito na ako ngayon sa simbahan at naghihintay sa pagdating ni Pauline.

Nakita ko ang mga kaibigan ko kaya lumapit ako sa kanila. "Bakit ngayon lang kayo?"

"Ang tagal kasi kumilos ni Jake. Ang akala nga namin ni Mario mahuhuli na kami."

"Sorry na."

Ang sabi ay nandito na daw ang sinakyan ni Pauline kaya bumalik na silang lahat sa pwesto nila.

"Trey, wala na ako sasabihin pa dahil sa nakikita ko ay mabait ka talaga kaya alaagan mo ng maigi ang mag-ina mo. Kapag nakita umiyak si Pauline ay ilalayo ko sila sayo."

"Hinding hindi ho mangyayari iyan."

Sana nga lang hindi pa makaramdam ng gutom si Pauline dahil maahaba itong seremonya.

Pagkatapos ng wedding ceremony ay dumeretso na kami sa reception. Bumati na rin ang emcee sa lahat na bisita ngayon at ang dami niyang sinasabi bago inalok na kumain.

"Ngumingiti ka diyan. Ano ang iniisip mo?"

Tumingin ako sa kanya. "Ngumingiti ba ako?"

Hindi ko namalayan na ngumingiti pala ako.

"Oo. Ano ba kasi ang iniisip mo?"

"Marami. Pero malalaman rin mamaya."

Lumapit na ako sa emcee pagkatayo ko at kinuha ko sa kanya microphone.

"Good evening. May gusto lang akong sabihin sa inyong lahat... Limang taon na ang lumipas ay hindi ko inaasahan na makikilala ko si Pau dahil naging kaklase ko siya noong high school pa lamang kami. Ang akala ko nga hindi na matatapos ang masasayang araw ko noong sinagot niya ako. Makalipas ang limang taon ay nagkita ulit kami sa hindi inaasahan at simula noon hindi ko na siya pinakawalan pa lalo na nalaman kong may anak ako sa kanya."

Napapangiti ako sa isipan sa tuwing naalala ko ang mga panahon una kami nagkakilala ni Pauline. Nagagalit siya sa akin sa tuwing kinukulit ko siya na maging kaibigan kami. Siya kasi yung tipong ayaw makipag usap sa mga tao na ayaw niya.

Bumalik na ako kay Pauline at umupo sa tabi niya.

Nakangiti akong tumingin sa kanya. "Ano ang masasabi mo?"

"Masasabi ko saan?"

"Sa speech ko. Kung naalala mo pa ba kung paano tayo nagkakilala."

"Paano ko naman makakalimutan iyan? Sa apat na taon ko nagaaral doon ay ikaw pa lang ang nakakagawang kumausap sa akin pero ang ayaw ko lang maalala yung binully ako ng mga fans mo."

"Speaking of your bullies. Naalala mo pa yung mga panahon na pumapasok ako na pasa pisngi?"

Tumango ito. "Yes, I remember that."

"Noong narinig ko yung ibang estudyante na may balak silang bully-hin ka ay nagalit ako sa kanila kaya nakipag away ako sa mga lalaking estudyante at ang mga babae naman ay pina-kick out ko. Alam kong ako ang dahilan kaya nila iyon ginagawa."

"Huwag na nga natin pagusapan ang tungkol diyan."

Pagkatapos ng wedding reception ay umuwi na kami ni Pauline sa bahay habang nasa bahay ng mga magulang ni Pauline ang mga bata at nandoon rin si Jim.

"Just you and me." Sabi ko habang tinatanggal ko ang necktie ko.

"Ano ang gagawin mo sa akin?"

"Nothing. Masaya lang ako dahil makakasama na kita."

"Dito rin naman ako nakatira ah. Hindi nga lang magkasama sa isang kwarto."

"Exactly. Hindi nga tayo magkasama sa isang kwarto kaya simula ngayon ay makakasama na kita at maalalagaan pa kita."

Solo namin ang bahay dahil wala rin si manang Melinda. Kasama rin siya ng mga bata doon sa bahay ng mga magulang ni Pauline.

"Nabuksan mo na ba yung mga binigay kong regalo sayo dati?" Tanong ko sa kanya.

Tumango ito. "Oo, kaso wala akong oras basahin yung isang libro na binigay mo sa akin."

"Ngayon naka leave ka kaya pwede mong basahin na yung libro pero bawal ka magpuyat ah. Kung ayaw mo magalit ako sayo." Binaba ko ang mukha ko sa tyan niya. Halata na talagang umbok pero napansin kong mas malaki ang umbok niya kumpara sa ibang buntis na nakikita ko.  "Kailan ang next check up mo?"

"Next week." Sagot niya.

Tumango ako. "Okay, aayusin ko ang schedule ko next week para masamahan kita."

"Yan ang gusto ko sayo, Trey. Kahit gaano ka busy sa trabaho pero gumagawa ka pa rin paraan para samahan ako sa check up."

"Siyempre ayaw ko palagpasin ang check up mo. Gusto ko makita ang baby girl natin."

Parehong lalaki ang anak namin kaya excited ako sa pagdating ng baby girl namin.

"Kaya mahal na mahal kita." Sinunggaban niya ako ng halik.

Ngumiti ako. "Huwag kang ganyan."

"Bakit? Ayaw mo ba?"

"Kinikilig kasi ako. Sobrang sweet kasi ng missis mo."

"Ikaw talaga."

Humiga na ako sa kama at tinapik ko ang kama para humig na rin siya. "Halika nga rito."

Humiga na rin siya at inunan niya ang braso ko. "Malapit na ako manganak, may naisip ka na bang pangalan sa baby natin?"

"Hindi ako magaling mamigay ng pangalan."

"Eh, sino ang nagpangalan kay Evan?"

"I don't know. Maybe his birth mother. Noong mga panahon nakita namin si Evan ay may iniwan ring sulat kaya Evan ang pinangalan namin sa kanya."

"Ako na nga lang ang magiisip ng pangalan ni baby."

"Magiisip rin ako ng magiging pangalan."

"Baka panget ang maisip mo ah."

"Grabe ka. Maghahanap ako ng magandang pangalan."

Tumawa siya. "Binibiro lang kita."

When Bad Boy Meets Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon