31

288 15 0
                                    

Naging busy ako nitong mga nakaraang araw dahil ang dami kong tinatapos na trabaho tapos nagkaroon pa ng problema sa workshop.

Habang may ginagawa ako nang may tumawag sa akin galing sa lawyer ni mr. Jordan. Mukhang alam ko na kung bakit ako pinapupunta sa office niya ngayon pero hindi ako lang ako ang pupunta doon.

Tinawagan ko si Pauline at wala pang isang ring ay sinagot na niya ang tawag ko. "Nasa bahay ka na?"

"Nasa bahay na ako. Bakit?"

"Tumawag kasi sa akin kanina ang lawyer ni mr. Jordan at alam nating pareho na ikaw ang anak niya, hindi ako. Kaya pupuntahan natin ang office niya ngayon."

"Maybe I'm his daughter pero ikaw ang kasama niya noong nabubuhay pa siya."

"Siguro nga inampon at pinagaral niya ako pero may karapatan ka pa rin."

"Fine, fine. Anong oras ka ba makakauwi? O kita na lang tayo doon?"

"No, sabay na tayo pumunta doon. Sa loob ng isang oras nandiyan na ako."

"Okay. Ingat."

Wala ngang isang oras ako nakauwi sa bahay dahil wala masyadong traffic ngayon. Hindi pa naman rush hour at masyado pang maaga.

Nakita ko na siya lumabas at sumakay na siya sa kotse.

"Uuwi ka ba sa bahay mamaya pagkatapos nito? O hahatid mo lang ako?" Tanong niya sa akin.

"Uuwi ako mamaya. Gusto ko muna ang magpahinga dahil sobrang dami kong ginagawa kanina at nawawalan na ako ng oras sa inyo."

"Magiging busy na rin ako lalo na malapit na ang exam ng mga bata."

"Okay. Basta huwag mo hahayaan ang sarili mo ah."

"Paano ko naman hahayaan ang sarili ko? Una sa lahat magagalit ka sa akin kapag nangyari iyon tapos sa tuwing break time ng mga bata ay pumupunta sa high school department para bantayan ako. May kutob ako na inutusan sila na bantayan ako."

"What? May tiwala ako sayo na aalagaan mo ang sarili mo at wala akong kaalam alam na ginagawa ng mga bata iyan. Inosente ako."

Pagkarating namin sa law firm ay dumeretso kami sa receptionist para tanungin. Ang pagkaalam ko ay nasa Japan siya dahil pinakilala siya sa akin ni mr. Jordan noong bumisita siya sa bahay ni mr. Jordan pero may office rin siya dito sa Pilipinas.

Kumatok na muna ako pagkarating namin sa office niya at binuksan ko na ang pinto.

"It's good to see you again, mr. Chase." Sabi niya saka tumingin kay Pauline. "And who is she?"

"She is the daughter of mr. Jordan. Bago nangyari ang lahat ay sinabi niya sa akin na may anak siya na pinaampon niya sa kakilala niya at si Pauline iyon."

"I see... May nabanggit nga sa akin si mr. Jordan tungkol sa anak niya noong huling paguusap namin. Ang akala ko ikaw iyon."

"Pwede na ba tayo magsimula, attorney?"

"Yes." May kinuha siya sa table niya. "Babasahin ko ang nakasulat sa last will ni mr. Jordan."

Binabasa na niya ang nakasulat sa last will ni mr. Jordan. Hindi na ako nagulat kung malaki ang pera ang naiwan niya dito pero ano ang gagawin ko ang naiwan niyang para sa akin.

"At may iniwan rin si mr. Jordan na sulat para sa inyo."

"Sulat para sa akin?" Takang tanong ni Pauline.

"Yes." May inabot siyang sulat kay Pauline.

Binasa na niya ang sulat pagkakuha niya. Ano kaya ang sabi sa sulat na iyon? Hindi ko naman pwedeng alamin baka private iyon para sa kanilang mag-ama.

"I can't accept this."

"Bakit? Ano ba ang sabi sa sulat?"

Tinapat niya ang papel na hawak at tinuro kung ano ang sabi sa sulat. Laking gulat kong mabasa ang nakasulat. Malaking halaga ang iniwan ni mr. Jordan kay Pauline.

"Pau, kilala ko si mr. Jordan at hindi iyon papayag na tumanggi ka sa iniwan niya sayo."

"Ayaw ko. Hindi ko matatanggap ang perang iniwan niya sa akin. Siguro nga marami ako pwedeng gawin sa 50 million pesos pero ayaw ko pa rin."

Naiintidihan ko naman ang dahilan kung bakit tumatanggi si Pauline. Kahit lumaki siya sa yaman pero simple lang ang pamumuhay niya.

"Kung ayaw mo talagang tanggapin ang perang iniwan sayo, ano ang gagawin mo doon?"

"Bakit hindi natin i-donate sa ampunan? Maraming bata ang matutuwa sa gagawin natin, Trey."

"Sang ayon ako sayo." Humarap na ako kay attorney. "Siguro naman hindi magagalit si mr. Jordan sa gusto namin gawin, 'no?"

"Hindi naman dahil sinabi niya rin sa akin kung hindi tinanggap ng anak niya ang perang iniwan niya ay bahala na siya kung saan niya gustong gamitin ang 50 million."

Binaling ko ang tingin kay Pauline. "May naisip ka na ba kung saang orphanage natin idodonate?"

"Naalala ko lang na may charity ang mga magulang ko. Kakausapin ko si papa na tutulong tayo sa charity nila."

"All set. Charity under by..."

"Mr. Johnson." Sagot ko.

"Kakausapin ko muna si papa tungkol dito."

Pagkatapos namin kausapin yung lawyer ni mr. Jordan ay hinatid ko muna si Pauline sa bahay bago pa ako dumeretso sa company.

"Anong oras ka uuwi mamaya?"

"Hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi mamaya. Huwag mo na ako hintayin dahil marami pa akong gagawing trabaho."

"Sana next week hindi ka ganoon busy para sa check up ko."

"Gagawa ako ng paraan para makasama sa check up mo."

Nauna na bumaba si Pauline pagkarating namin sa bahay.

"Ugh. Dito ko na nga lang tatapusin ang trabaho ko." Pinarada ko na muna ang kotse ko sa garahe bago bumaba.

"Daddy!" Pagsalubong sa akin ng mga bata.

Ginulo ko ang mga buhok nila at binaling ko ang tingin kay Travis. "Tabi na muna kayo ni Evan matulog mamaya."

"Okay po."

Pumunta na ako sa kwarto nila Pauline at nakita ko siyang nagpapalit.

Napansin niya ang presensya ko. "What are you doing here? Hindi ba babalik ka pa sa company?"

"Dito ko na tatapusin ang trabaho at mamaya ko tatawagin ang secretary ko na hindi ako babalik sa company mamaya."

Niyakap niya ako. "Sobrang namiss kita dahil sobrang busy mo sa trabaho."

Ginantihan ko siya ng yakap. "Sorry kung naging busy ako pero babawi ako sa inyo."

When Bad Boy Meets Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon