15

263 18 2
                                    

"Are you free this Sunday?" Tanong ko.

"Free naman ako. Bakit?"

"Ano po meron, daddy?" Tanong ni Travis dahilan tumingin ako sa kanya.

"May papakilala kami sa inyo." Sagot ni Evan.

Tumingin ulit ako kay Pauline. "Like what Evan said. May papakilala kami sa inyo."

"Sino po?"

"Siya yung tumulong sa amin ni daddy noong nawala na si lolo. Mukha lang siya nakakatakot pero mabait talaga siya, Travis."

"Talagang minove niyo ang araw ah." Sabi ni Pauline.

"Hindi kasi ako titigilan ni Evan kapag hindi kayo kasama. Gustong gusto talaga niyang makilala niyo si mr. Jackson."

"Sige, Trey. Uuwi na kami."

"Nasaan na pala yung kaibigan mo na sumundo sa inyo kahapon?"

"Kinausap ko siya kahapon na huwag na niya kami sunduin baka kasi magselos pa sa akin ang girlfriend niya. Alam mo naman ayaw ko ng gulo."

"May girlfriend pala siya. Bakit kayo ang inaasikaso niya? Hindi yung girlfriend niya?"

"Ewan ko ba kay Darryl kung bakit kami ang simusundo niya."

Bigla ko naalala ang nakita ko kahapon. "Tungkol nga pala sa lalaking kausap mo kahapon. Sino iyon?"

"Co-worker ko lang iyon."

"Ayaw kong kumakausap ka ng ibang lalaki."

"Why? Katrabaho ko iyon."

"Nagseselos ako, Pau."

Ngumiti siya. "Huwag ka na magselos."

"Dahil ako lang ang lalaking mahal mo?"

"Hindi. Dahil wala naman tayong relasyon. Mga magulang lang tayo ni Travis."

"Ouch ah. Ouch. Putek ang sakit noon ah." Alam ko naman na mga magulang kami ni Travis pero ginagawa ko ang lahat. "Nililigawan naman kita."

"I'm kidding."

"Mommy, daddy, hindi pa po ba tayo uuwi?" Tanong ng dalawang bata.

"Uuwi na." Sagot ko at binaling kay Pauline. "Hatid ko na kayo sa inyo."

Ang tahimik dahil knocked out na ang mga bata. Nakaramdam rin pala sila ng pagod.

Tumingin ako kay Pauline habang naipit kami sa traffic. Isa rin itong tahimik, eh. "Tahimik mo ah. May gumugulo ba sa isipan mo ngayon?"

Tumingin rin siya sa akin. "Iniisip ko kasi kung pupunta ako sa amin bukas o hindi. Limang taon na wala akong communication sa mga magulang ko."

"Kung ako sayo pumunta ka sa inyo. Gusto mo bang samahan kita?"

"Huwag na. Alam ko namang busy ka sa trabaho." Sabi niya at ngumiti ng pilit.

Hinawakan mo ang kamay niya. "Kung kailangan mo ng tulong ay tawagan mo lang ako. Pupuntahan kita agad."

"Thank you, Trey."

"Kung pupunta ka sa inyo, sino ang kasama ni Travis sa bahay niyo?"

"Iyon nga rin ang iniisip ko. Wala akong kilala na pwedeng pagiwanan muna kay Travis at hindi ko rin siya pwede isama."

"Bakit hindi mo siya pwede isama?"

"Walang alam ang mga magulang ko tungkol kay Travis. Ang gusto nila ipalaglag ko si Travis noong pinagbubuntis ko pa siya."

Marami pa nga talaga ako walang alam tungkol sa nangyari kay Pauline noong umalis ako ng bansa. Hindi ko nga alam na nabuntis ko pala siya pero kung tatanungin ako kung guilt ba ako sa nangyari. Siyempre dahil nasira ko ang pangarap ni Pauline pero masaya dahil nagkaroon kami ng mga anak. Kasal na lang ang kulang.

"Pwede mo bang sabihin sa akin ang mga nangyari sayo noong umalis ako ng bansa?"

"Sinabi ko sa mga magulang ko na buntis ako pero hindi na nila ako tinatanong kung sino ang ama dahil kilala na kila kung sino. Kinabukasan noon ay dinala ako ni mama sa clinic para makasiguradong buntis ba talaga ako at doon nakumpirang buntis talaga ako. Kinagabihan ay kinausap nila akong ipalaglag yung bata para daw hindi masira ang pangalan nila kapag nalaman ng ibang tao. Nagalit ako sa kanila dahil papatay sila ng inosente. Umalis ako sa amin kaso hindi ko alam saan ako tutuloy. Wala pwede akong kaibigan na pwedeng mahingian ng tulong. Nakapag tapos ako ng high school habang nagtatrabaho. Chinichismis na nga ako ng ibang tao at tinatawag pa ako ng iba na malandi pero hindi ko sila pinapakinggan. Tapos isang araw tumawag sa akin si kuya at doon ko sinabi sa kanya ang lahat. Like what I told you before nagalit si kuya nalaman niyang buntis ako pero hindi naman tumagal ay pinatawad na niya ako. Pumunta ako sa Australia para may kasama ako sa pagalaga kay Travis at ituloy ang pagaaral ko. Si kuya ang tumulong sa akin."

"Pau, I'm sorry."

"For what?"

"For what happened. Dapat hindi ako pumayag nangyari iyon."

"Nagsisi ka ba?"

"Hindi. Kahit kailan hindi ako nagsisi pero nakakaramdam ako ng guilt."

"Guilt? Why?"

"Nang dahil sa akin kaya mas lalong nagalit sayo ang mga magulang mo. Ako na nga ang dahilan kung bakit sila nagalit noon sa akin tapos ito pa ang nangyari."

"Pinagusapan na natin ang tungkol diyan, 'di ba? Huwag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari dahil kagustuhan ko naman ito."

Kahit wala talaga sa plano ang pagdating nina Travis at Evan ay wala na ako magagawa dahil nandito na sila. Ang Evan nga wala ako maalala na may nangyari sa amin ng ina niya kahit wala ako maalala sa nangyari. Marami akong problema noong mga panahon na iyon kaya naglasing ako.

"We're here. Salamat sa paghatid sa amin." Sabi niya saka bumaba.

"Wala iyon." Bumaba na rin ako para kunin si Travis sa likod kaso nagising si Evan. "Sorry, I didn't mean to wake you up, buddy."

"It's okay, daddy." Tumingin siya sa paligid. "Nasaan po tayo?"

"Nandito tayo sa bahay ng mommy mo. Hinatid natin sila, remember?"

"Yes po."

Pagkapasok namin sa bahay ay nilapitan ko si Pauline para tanungin kung saan ang kwarto ni Travis. Ang sarap kasi ng tulog.

"Pau, saan yung kwarto ni Travis?"

Humarap siya sa akin. "Ako na ang magdadala kay Travis sa kwarto."

"No, ako na ang magdadala sa kanya."

"Okay, sasamahan na lang kita kung saan ang kwarto niya."

Sinamahan na ako ni Pauline papunta sa kwarto ni Travis. Pagkarating namin sa kwarto ay binaba ko na si Travis sa kama para mahimbing pa lalo ang tulog niya.

"Kayo lang ba ni Travis ang nakatira rito?"

Tumango siya. "Yes."

"Kaninong bahay ito? Imposible namang sayo ito."

"Bakit naman imposible? Nagipon ako ng pera noong bumalik ako sa pagaaral para sa pagbalik namin ng Pilipinas ay may matitirahan kami. Kahit maliit lang ito pero tama na sa amin ito ni Travis."

"Hindi ba delikado? I mean, kayong dalawa lang ni Travis."

"Hindi naman." Ngumiti siya sa akin. Damn, huwag kang ganyan baka halikan kita. "Don't worry, we're fine here."

"Okay, pero kung may masama – wala naman mangyayaring masama. Kung sakali lang tawagan mo ko at dadating ako kaagad."

"Wala pa rin nagbago sayo. Ikaw pa rin ang kilala kong Trey pero hindi ka na yung palaging may pasa sa mukha."

"Napaaway lang ako dahil may gustong mangloko sayo. Ayaw kong may mangbully sayo."

"Dito na kayo kumain ni Evan."

"Sure, pero paano si Travis?"

"Gigisingin ko na lang si Travis pagkatapos ko magluto."

When Bad Boy Meets Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon