"What if makilala mo ang tunay mong mga magulang?" Tanong niya habang nagmamaneho.
"I don't know. Pero katulad nga ng sinabi ko sayo kanina na hindi na importante kung makilala ko pa sila o hindi. Ang importante sa akin ngayon ay masasaya tayong lahat. Huwag na nga natin pagusapan ang ganyang bagay."
"Anyway, sa Sunday ah. Paalala ko lang sayo."
"Hindi ko makakalimutan ang lakad natin sa Sunday. I don't want to dissappoint Evan."
"Habang naguusap ang dalawang bata kanina ay kitang kita talaga sa mukha ni Evan ang excitement."
"I can see that. Habang nasa bahay si Evan ay tinatanong niya si Travis kung excited na daw ba siya sa Sunday."
"Really?" Umiiling habang nakangiti siya. Mas lalo tuloy gumagwapo si Trey kapag ngumingiti. "Kahit sabihin natin na sa akin nagmana si Evan pero hindi naman ako ganyan kakulit noong bata pa ako. Sa tingin ko nga nakuha niya ang kakulitan sa ina niya."
"Sigurado ka bang wala kang naging girlfriend dati? Baka may hindi magandang nangyari sa inyo sa ina ni Evan kaya hindi mo siya-"
"I don't have any girlfriend after you." Pagputol niya sa sasabihin ko. Bastos rin.
"Paano nangyari iyon? Kung wala kang naging girlfriend."
"Sobrang dami kong problema noon kaya pumunta ako sa bar para mabawasan kahit konting problema. Naparami ang inom tapos nagising ako na wala ako maalala sa nangyari at nasa isang unfamiliar place na ako."
"Hindi kasi alak ang sagot sa mga problema."
"I know. Pero siyempre kapag marami ka ng problema ay hindi mo na maiisip ang iba pang bagay."
"Sabagay tama ka pero kapag may problema ka ay tawagan mo lang ako. Huwag mong solohin, magtulungan tayo."
"Thank you."
Pagkarating namin sa bahay niya ay namangha ako sa laki para namang hindi ako laki sa yaman.
"Ang ganda naman ng bahay niyo."
"This will be your house too kapag kinasal na tayo."
"Kasal agad? Masyado kang advance kung magisip, Trey."
Tumatawa siya. "At least alam mong may pangarap ako. Konti na lang sa panahon ngayon ang lalaki na gustong magpakasal ah."
"Sorry, pero hindi pa talaga pumapasok sa isipan ko ang bagay na iyan." Hindi ko nga inaasahan na makikita ko ulit si Trey tapos may anak pa kami.
"Hindi mo iniisip na maging buo tayong pamilya?"
"Buong pamilya naman tayo ah. May mommy, daddy at dalawang anak."
"Alam ko pero ang ibig kong sabihin dapat ang mga magulang ay kasal at nakatira sa isang bahay."
"Eh, kasi... Hindi ko naman inaasahan na magkikita ulit tayo. Hindi mo man lang sinabi sa akin na babalik ka pala."
"Hindi ko na kasi naiisip ang ganyang bagay. Hirap paniwalaan na doon ka rin nagtatrabaho kung saan nagaaral ang mga bata."
"Doon ko pina-enroll si Travis para mabantayan ko siya. Kung alam mo lang kung gaano kakulit ang batang iyon."
"Ganoon rin si Evan. Kaya siguro magkasundo ang dalawa." Sabi niya habang natatawa at naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.
Napatingin ako sa kamay namin at tumingin ulit sa kanya. "Sigurado ka bang wala kang dinadalang babae rito?"
"Are you saying I am a playboy?"
"Hindi naman sa ganoon pero siyempre single ka noon kaya malabong wala kang girlfriend."
"How about you? Naging girlfriend kita, "di ba?"
"Ang ibig kong sabihin pagkatapos sa akin."
"Like what I said I don't have any girlfriend after you. Marami akong problema noong umalis kami ni papa kaya hindi na pumasok sa isipan ko ang maghanap ng babae. Muntik na kasi ma-bankrupt ang kumpanya namin doon, mabuti na nga nagawan ng paraan ni papa para mabawi ang lahat nawala sa kumpanya."
"That's good."
"Pero humina si papa dahil sa pagod at stress."
"Kung nasaan man ang mga magulang mo ngayon ay sigurado akong proud na proud sila sayo.
"Oh, nandito ka na pala, Trey."
"Hello, manang. Ang mga bata po?"
"Nasa kwarto yata sila ni Evan ngayon."
"Pau, si manang Melinda, siya yung kinukwento ko sayo dati na nagalaga sa amin ni Taylor noong maliliit pa kami. Manang, si Pauline po, girlfriend."
"Hello po. Nice to meet you po."
"Ganoon rin ako, hija. Sige, pumunta niyo muna ang mga bata sa taas at magluluto na muna ako ng hapunan natin."
Napansin ko ang pagtingin ni Trey sa akin. "Puntahan mo na ang mga bata at magpapalit muna ako ng dati."
"Okay..."
Sabay na kami umakyat sa taas at tinuro na niya sa akin kung nasaan ang kwarto ni Evan. Bubuksan ko na sana ang pinto noong naririnig kong naguusap ang dalawa.
"Ano plano natin, Evan?"
"Ganito kasi iyo..."
Kumunot ang noo ko nang wala na akong marinig na boses mula sa loob.
"Pau, what are you doing there? Bakit hindi ka pa pumasok?"
Napatalon ako sa gulat at tumingin sa kanya. "Narinig ko kasi naguusap ang dalawa kanina."
"Ano ang pinaguusapan nila?"
Nagkibit balikat ako. "Parang narinig ko kanina na tinanong ni Travis kung ano ang plano nila at sunod noon ay hindi ko na alam."
"Pasok na tayo at tanungin natin ang binabalak nilang dalawa."
Pumasok na kami ni Trey sa kwarto ni Evan kaya napatingin ang dalawang bata sa amin.
"Mommy! Daddy!" Sabay nilang sabi at lumapit na sa amin.
"Ang laki po talaga ng bahay niyo, daddy." Binaling ni Travis ang tingin sa akin. Parang alam ko na ang tingin na iyan ah. "Mommy, pwede po ba dito na lang tayo tumira. Kasama natin sina daddy at Evan."
Iyan na nga ang sinasabi ko, eh. Gusto ni Travis na lumipat na kami ng tirahan.
"Daddy, pwede po ba kami dito tumira?"
"Um, kung ako lang ang masusunod ay ayos lang sa akin pero kailangan natin humingi ng permiso sa mommy mo. You need to ask your mommy first, lad."
"Mommy, please? Please please! Pumayag na po kayo."
Ano ang magagawa kung ganyan ang itsura ni Travis. He always like that.
Bumuga ako ng hangin. "Oh, sige."
"Talaga po?! Yaay!"
"Sure ka?"
Humarap ako sa kanya. "Gusto ko lang makitang masaya si Travis. Why?"
"Baka kasi napipilitan ka lang."
"Hindi ako napipilitan. Ayaw mo bang kasama mo na kami araw-araw?"
"Siyempre, gusto ko."
Gusto rin pala niya
"Bukas na kami lilipat ah."
"Kayo bahala. Saan tayo magkikita buka? Masundo ko kayo bukas."
"You don't have to. Baka marami kang gagawing trabaho bukas kaya huwag mo na ako abalain."
BINABASA MO ANG
When Bad Boy Meets Campus Nerd
RomanceChase Series #1: Trey Chase Siya si Pauline Johnson isang matalinong magaaral o mas kilalang Campus Nerd at gusto lamang niya ang tahimik na buhay. Hanggang may bagong transferee sa kanilang section at guguluhin ang kanyang tahimik na buhay. Siya na...