21

259 15 0
                                    

Kinausap ni Pauline ang butler ni mr. Jordan tungkol sa kalagayan ni mr. Jordan. Noong una nga ayaw sabihin sa amin kung ano ba talaga ang sakit ni mr. Jordan pero kinukulit siya ni Pauline na sabihin sa amin.

"Doc, pwede ho pumasok sa loob?" Tanong ni Pauline.

"Kaanu-ano kayo ng pasyente?"

"Um, anak niya ho ako."

Pumayag na ang doctor na pumasok si Pauline sa loob ng ICU at alamin ang kalagayan ni mr. Jordan.

"Anak? May anak si mr. J?"

"Kanina ko lang nalaman na may anak si mr. Jordan at matagal ko na pala kilala."

"Kaya ba ang saya niya habang kausap ka niya kanina? Dahil nakilala na niya ang anak niya kahapon."

Maliit nga talaga ang mundo dahil hindi ko inaasahan na may anak pala si mr. Jordan at si Pauline ang anak niya.

"Miss, sa labas muna kayo maghintay."

Napaangat ako ng tingin dahil ang daming nurses at doctor ang pumapasok sa loob. Lumapit na ako at tiningnan kung ano ang nangyayari sa loob.

"Ano nangyari?" Tanong ko.

"Bigla na lang nag-flat line habang kinakausap ko siya." Niyakap ko si Pauline dahil anytime ay iiyak na siya. Kahit sinabi niya sa akin dati na wala na siyang balak na hanapin ang tunay niyang pamilya pero ang tadhana ang nagdala sa kanila para magkakilala kaso sa ganitong sitwasyon nga lang. "Natatakot ako, Trey."

"Shhh.... Walang mangyayari. Maniwala tayo at babalik siya sa atin, Pau."

Niyaya ko si Pauline na kumain sa canteen kahit ayaw pa niyang kumain pero kailangan niya.

"Uuwi na tayo pagkatapos natin kumain." Sabi ko.

"Pero ayaw ko pang umuwi, Trey. Gusto ko pang malaman ang kalagayan niya."

"Hindi pwede. May pasok ka pa bukas at baka hanapin tayo ng mga anak natin kapag hindi tayo umuwi."

"Bakit kasi sa ganitong sitwasyon ko pa nalaman na siya ang ama ko? Gusto ko alamin kung bakit nila ako pinamigay noong sanggol pa lang ako?"

"His wife died during childbirth."

"May alam ka, Trey."

Tumango ako. "Sinabi niya sa akin bago siya nahimatay kanina."

"Ano pa ang alam mo?"

"Kaya ka niya pinamigay sa kakilala niya dahil hindi ka niya kayang alagaan na magisa."

"Alam kaya ni kuya ang tungkol dito?"

"Hindi ko masasagot ang tanong mong iyan. Bakit hindi mo tawagan si Jim para tanungin siya?"

Umiling ito. "Huwag na. Busy si kuya sa trabaho at sa girlfriend niya."

"Kahit ayaw mo pang umuwi ay uuwi pa rin tayo."

"Fine."

Nang makauwi na kami sa bahay ay nakita ko ang mga bata. Mukhang hinihintay nila kami.

"Bakit gising pa kayo?" Tanong ni Pauline.

"Hinihintay po namin kayo." Sagot ni Travis.

"Matulog na kayo at may pasok pa kayo bukas." Sabi ko at humarap kay Pauline. "Pahinga ka na rin. Good night."

Kalagitnaan ng gabi ay may narinig akong kumatok sa pinto kaya bumangon ako para pagbuksan kung sino man ang kumakatok.

"Nagising ba kita?"

When Bad Boy Meets Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon