8

269 14 2
                                    

Isang taon na at magiisang taon na rin ang relasyon namin ni Trey. Ang laki na nga ng pinagbago siya simulang naging boyfriend ko siya. Hindi na siya yung palaging tulog sa klase ko at alam ng buong campus na girlfriend ako ni Trey.

Ngayon ay nandito kami sa canteen at kumakain ng pananghalian. Hindi kasi ako papayagan ni Trey na hindi kumain.

"Hindi mo ba sasagutin yung tawag? Kanina pa kasi ring nang ring." Tanong ko.

Tiningnan niya ang phone niya. "Sasagutin ko lang 'to."

Tumango ako. "Okay."

Sinagot na niya ang tawag. "Yes, pa? Napatawag kayo."

"What?!" Napatingin ako sa kanya noong tumayo siya. Kahit yung mga tao nakarinig sa kanya ay napatingin na rin. "Okay, pa. Pupunta ako diyan."

"What happened?"

"Sinunod daw sa ospital si mama. Kailangan kong pumunta."

"Samahan kita sa ospital."

"No, may klase pa mamaya."

"Okay, pupunta na lang ako ng ospital pagkatapos ng klase."

Pagkatapos ng klase namin sa hapon ay pumunta na ako sa ospital. Pagkarating ko doon ay tinawagan ko doon pero hindi niya sinasagot ang tawag. Nagpasya na lang ako pumunta sa front desk.

"Excuse me, miss. Um..."

"Yes ho?"

"Hindi ko kasi alam ang first name ng pasyente."

"Ano po apilyido ng pasyente?"

"Chase."

"Wait lang ho." Tiningnan niya sa monitor kung saan ang mama ni Trey. "Nasa ICU ho."

Papunta na ako sa ICU ay napapansin ko na maraming doctors at nurses na galing sa ICU.

"Doc, musta na ho ang mama?" Rinig kong tanong ni Trey pero hindi siya sinagot ng doctor dahil pumasok siya sa loob ng ICU.

"Well, well..." Lumingon ako sa likod at nakita ko si Clark. "What are you doing here?"

"Bumisita ako para kamustahin ang mama niyo."

"It's not your business kung ano ang kalagayan ni mama."

"Hindi niyo nga ako kaanu-ano pero girlfriend ako ng kapatid mo."

"So, totoo nga talaga ang naririnig ko dati na girlfriend ka ni Trey. Mmm... Sasabihin ko sayo ang kalagayan ni mama pero hiwalayan mo si Trey."

Kumunot ang noo ko. "Bakit ko naman gagawin iyon?"

"Ayaw mo?"

Umiling ako. "Kahit anong sabihin mo na hiwalayan ko siya ay hindi ko siya hihiwalayan."

Huminto ako sa paglalakad noong narinig ko ang sinabi ni Clark.

"I like you." Namilog ang mga mata ko sa narinig at lumingon sa kanya. "I really hate it when you are with Trey."

"You like me? Sorry but I can't like you back. Mahal ko si Trey."

"Mama. Mama!" Napatingin ako kay Trey noong marinig kong sumisigaw siya kaya agad akong lumapit sa kanya.

"What happened?"

"You're here." Pinunasan niya ang kanyang luha. "Hindi ko alam kung ano nangyari kay mama dahil walang doctor na sumasagot sa akin tapos kanina nakitang nag-flat line. Hindi ko kaya kung pati si mama ay kinuha na rin sa amin. Kinuha na nga si Taylor..."

Niyakap ko siya. "Don't say that. Walang mangyayari sa mama niyo."

Kinabukasan ay hindi pumasok si Trey sa school. Baka binabantayan niya ang mama niya kaya hindi siya pumasok ngayon.

Pagkatapos ng klase namin ay dumeretso na ako sa ospital para kamustahin pero pagkarating ko doon nakita ko si Trey nakaupo lamang sa may waiting area.

Lumapit ako sa kanya. "Trey..." Tawag ko sa kanya pero mukhang wala siyang naririnig kaya umupo na lamang ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay nito.

Inangat niya ang tingin sa akin. "Nandito ka na pala, Pau."

Halata sa mukha niya na hindi pa siya natulog kagabi.

"Okay ka lang ba?"

Yumuko siya at pinunas ang mata. "I... I don't know. Hindi maproseso sa utak ko ang nangyari."

"How's your mom?" Tanong ko kaso wala akong nakuhang sagot.

Umiling siya. "Kinuha na siya sa amin kaninang madaling araw."

Niyakap ko siya at hinayaan ko siyang umiyak. "I'm sorry for your loss."

"Trey..." Napatingin ako sa tumawag sa kanya at napatingin rin siya sa akin. "Hindi ko alam may bisita ka pala."

Tumayo na si Trey. "Hindi ito ang tamang panahon na pakilala ko sa inyo. Pa, this is Pauline, my girlfriend. Pau, this is my father."

"Hello po."

"Nice to meet you, Pauline."

"Kayo rin po."

Binaling niya ang tingin kay Trey. "Can we talk, Trey?"

"Okay, pa..." Tumingin siya sa akin. "Excuse us."

Napatingin ako sa phone ko na tumunog iyon at nakita kong may video call galing kay kuya Jim.

"How's Trey?"

"Alam mo na, kuya?"

"Yes. Kaibigan ko si Trey. Kamusta na siya?"

"Kahit nasasaktan na siya pero nagagawa pa niyang maging matatag tapos mukhang wala pa siyang tulog kagabi kasi kaninang madaling araw namatay ang mama nila."

"Pasabi kay Trey na susubukan kong makauwi. Sige, may aasikasuhin pa ako."

Pagbaba ni kuya Jim sa video call ay sakto ang pagbalik ni Trey.

Tumayo na ako at lumapit sa kanya. "Um, Trey."

Lumingon siya sa akin at ngumiti kahit alam kong nahihirapan na siya. "Yes?"

"Tumawag pala si kuya kanina at sinasabi na susubukan niyang umuwi."

Tumango ito. "Okay. Bukas na pala ang burol kay mama kaya hindi ako sigurado kung makakapasok ako."

"Sasabihin ko na lang sa mga teachers natin ang nangyari sa inyo."

"Salamat, Pau. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag wala ka sa tabi ko ngayon."

Niyakap ko siya. "Kahit anong mangyari nandito lang ako sa tabi mo."

Ginantihan na rin niya ako ng yakap. "Ang swerte ko talaga na ikaw ang naging girlfriend ko."

"Trey." May tumawag sa kanya at ang papa niya ang tumawag.

Humiwalay na siya sa pagkayakap. "Sorry kung hindi kita mahahatid sa dorm mo. Marami pa kami kailangan gawin sa burol ni mama."

"It's okay. Maaga pa naman kaya hindi pa ganoon delikado ang bumalik sa dorm."

Paguwi ko sa dorm ay nagaalala ako sa kalagayan ni Trey ngayon. Sa ganitong sitwasyon na dapat nasa tabi niya ako palagi dahil kailangan niya ako.

Kinabukasan pumunta ako sa faculty para sabihin sa mga teachers namin ang tungkol kay Trey kung bakit siya pumapasok simula pa kahapon.

"Um, excuse me po."

"Yes, miss Johnson? How may I help you?" Sabi ng teacher namin sa English.

"Gusto ko lang po sabihin sa inyo na hindi muna makakapasok si Trey kasi namatay po ang mama niya."

"I see... Nagaalala ako sa batang iyon dahil hindi siya pumasok kahapon at tinatanong ko rin si Clark kung bakit hindi pumasok ang kapatid niya. Thank you for telling us, Pauline." Sabi naman ng teacher namin sa Math. Nandoon rin ang iba pa naming teacher dahil maaga pa para sa first subject.

Kapag maaga ako pumasok ay nasa garden lamang ako dahil mamaya pa magbubukas ang library para doon ako tumambay.

When Bad Boy Meets Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon