"Sir, may tumawag ho kanina galing sa bahay niyo." Sabi ng secretary ko.
"Bakit daw tumawag?"
I'm sure si manang Melinda ang tumawag pero bakit naman siya tatawag? Hindi niya ako tatawagan kung hindi emergency.
"Sinugod daw ho sa hospital si ma'am Pau."
Napaangat ako ng tingin. "What?! Saang hospital siya sinugod?"
Hindi naman siguro manganganak si Pauline. Wala pang kabuwanan niya. Sana walang nangyaring masama sa kanila.
Hanggang ngayon nga hindi ko makalimutan ang sinabi ng doctor noong huling check up niya. Noong una nagtataka ako kung bakit nag iba ang gender, iyon pala ay kambal ang magiging anak namin.
Pagkarating ko sa hospital ay nakita ko na kaagad si manang Melinda kaya lumapit na ako sa matanda.
"Manang, ano ho nangyari kung bakit sinugod si Pau?"
"Biglang pumutok ang panubigan kaya tumawag ako kaagad ng ambulansya."
Oh, shit. Napaanga nga talaga ang pagdating ng kambal dapat sa susunod na buwan pa.
"Ang mga bata po pala? Nasaan sila?"
"Nasa bahay. Hinihintay ko lang ang pagdating mo pero uuwi rin ako para sabihin sa mga bata at hindi sila magaalala."
"Salamat, manang."
Pagkaalis ni manang Melinda ay maghintay ako sa paglabas ng doctor. Excited na ako makita ang kambal.
Ilang sandali ay may lumabas na ng doctor kaya lumapit na ako sa kanya
"Doc, musta na ho ang mag-ina ko?" Kinakabahan ako. Alam ko walang mangyayaring masama sa kanila.
"They are both healthy. At ang pasyente ay dadalhin na muna sa recovery room hangga't sa magkaroon siya ng malay.
"Kailan ko ho pwede makita ang kambal?"
"Sabihan mo na lang ang nagbabantay sa nursery room. I have to go."
Noong magising na si Pauline ay dinala na siya sa isang private room.
"Nakita mo na ang kambal?"
Umiling ako. "Not yet. Gusto ko sabay natin makita ang kambal."
Maya't maya may kumatok na kaya binuksan ko ang pinto at ang mga nurses kasama ang kambal. Pagkabigay sa amin sa kambal ay umalis na rin sila.
"May naisip ka na bang ipapangalan natin sa kanila?" Tanong niya sa akin.
"Um, how about Althea and Theo?" Hindi talaga ako marunong mamigay ng pangalan. Pagpasensyahan niyo na ako.
"Akala ko ba hindi ka marunong mamigay ng pangalan."
"Nang aasar ka yata, eh."
"No, no. I love it."
Kinarga ko silang dalawa. Hindi naman ganoon kabigat ang kambal. "Hello, Althea, Theo, welcome."
Masaya ako dahil dumating na sila sa mundo tapos nagkaroon pa ako ng anak na babae. Paglaki niya ay hindi ako papayag na may mangligaw sa kanya. Kailangan dumaan na muna sila sa akin kung gusto nila ligawan ang prinsesa ko.
"Dahil wala ako noong pinanganak mo si Travis ay babawi ako sa kambal. Kahit gaano pa ako kabusy sa trabaho ay gagawa talaga ako ng paraan para tulungan ka sa pagalaga sa kanila."
"Ayos lang. Huwag mo masyado pagurin ang sarili mo. Nandiyan naman sina manang Melinda at ang mga bata para tulungan nila ako. Pangako kasi ang mga bata na tutulungan nila ako pagdating ng kambal."
"Gusto ko lamang bumawi sayo."
"Ikaw ang bahala."
Binaba ko na muna ang kambal at tinulungan kong bumangon si Pauline.
"Akin na si Althea para makainom na siya ng gatas."
Umupo ako sa tabi niya habang karga si Theo. "Dapat ako lang ang gumaganyan sayo. Ayaw ko na may kahati."
"Baliw ka talaga. Anak mo pinagdadamutan – Ano ba itong pinagsasabi ko? Baka may makarinig sayo."
"Sige, pagbibigyan ko sila pero sa akin lang talaga iyan ah."
"Trey, stop." Namumula na ang pisngi niya. Ang cute talaga ni Pauline pero seryoso ako sa sinabi ko ah.
Pagkatapos painumin ni Pauline ang kambal ay kinuha na sila ng dalawang nurse.
"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong niya.
"Kasama naman nila si manang kaya walang problema kahit hindi ako umuwi."
"Ganyan ka ba talaga? Minsan kasi hindi ka na umuuwi. Naalala ko kasi noong hindi mo sinundo si Evan."
"You still remember that? No choice kasi ako lalo na kung maraming problema sa company at sa amin rin nagpapaayos ng mga eroplano ang mga kilalang airlines. Mas lalong ayaw kong mawala ang lahat na pinaghirapan ni dad sa aviation. Nangako kasi ako sa kanya na wala akong gagawin na pwedeng ika-sira sa pangalan namin."
Naalala ko pa talaga ang mga panahon na nangako ako kay dad na aalagaan ko ng maigi ang company.
"Trey, mangako ka sa akin. Mangako ka na aalagaan mo ng maigi ang Chase Aviation Services at huwag kang gumawa na kahit anong kalokohan na pwedeng ika-sira ng company natin."
"Hinding hindi ako gagawa ng kahit anong kalokohan dahil ayaw kong mawala ang lahat na pinaghirapan niyo. At saka magpahaling kayo para kay Evan."
Iyan ang mga panahon na wala akong ideya na may anak pala ako kay Pauline. Paano na lang pala hindi ako bumalik ng Pilipinas? Siguro hanggang ngayon ay wala pa rin akong ideya na may anak kami at wala kami ni Pauline ngayon.
"Ano ang nginingiti mo diyan?"
"May naalala lang ako."
"Ano naman ang naalala mo?"
"Paano kung hindi ako bumalik ng Pilipinas? Baka hanggang ngayon wala akong ideya na may anak tayo."
"Maybe. Maybe not. Kaibigan mo ang kapatid ko kaya pwede ako humingi ng tulong sa kanya na hanapin ka at pupuntahan ka namin."
"Talagang papakilala mo pa rin ako? Kahit matagal na tayong hiwalay noon?"
"May karapatan kang malaman ang katotohanan at naghiwalay tayo dati dahil kailangan niyong umalis. Naiintindihan ko iyon."
"Ang importante kung ano meron ngayon. Kasal na tayo, kasama natin ang mga anak natin at walang problema." Hinimas ko ang pisngi niya saka dinikit ko ang labi ko sa labi.
"Excuse me po–" May narinig akong nahulog kung anong bagay sa sahig dahilan humiwalay na ako kay Pauline. "S-Sorry ho."
Napakamot ako ng ulo. "It's okay."
"Titingnan ko lang ho ang pasyente." Sabi ng isang nurse.
"Oh, sige." Tumayo na ako at tumingin kay Pauline. "Kakain muna ako. Babalik rin ako kaagad."
"Huwag masyado magmadaling kumain ah. Baka mabulunan ka."
Pumunta na ako sa canteen para kumain at doon ko naalala hindi pa nga pala ako kumakain ka ng pamanghalian.
Wala na talaga ako hihilingin pa dahil sobra-sobra na ang binibigay na biyaya sa akin kahit puro kalokohan ang ginagawa ko noong kabataan ko.
THE END!
·–·
Tapos na ang story ni Trey kaya kay Clark na ang sunod. May prologue na ang story ni Clark.
Title: My Aloof Lover
ѕкує ριηє
©️2021
BINABASA MO ANG
When Bad Boy Meets Campus Nerd
RomanceChase Series #1: Trey Chase Siya si Pauline Johnson isang matalinong magaaral o mas kilalang Campus Nerd at gusto lamang niya ang tahimik na buhay. Hanggang may bagong transferee sa kanilang section at guguluhin ang kanyang tahimik na buhay. Siya na...