3

366 21 0
                                    

Trey's POV

Natawa ako ng marinig kong umingay ang sikmura niya. Ang lakas noon ah.

"Hindi ka pa ba kumakain?" Tanong ko pero hindi ko mapigilan ang matawa.

"Walang nakakatuwa, Trey at hindi pa nga ako kumakain. Nahihiyan kasi akong sumabay sa kanila kanina." Sabi niya habang namumula ang pisngi.

I admit it, Pauline is pretty. Hindi talaga masasabi na isang nerd nga siya. Kung babaguhin siguro ang style niya sigurado akong maraming kalalakihan ang magkakagusto sa kanya.

Tumayo na ako sa swing. "Let's go."

Tumingala siya sa akin. "Saan naman tayo pupunta?"

"Maghahanap tayo ng makakain mo. Baka may bukas pang kainan dito."

"Huwag na. Uuwi na rin naman ako at doon na rin ako kakain."

"Huwag na matigas ang ulo." Hinawakan ko na ang kamay niya dahilan tumayo na rin siya.

Mabuti na nga lang may bukas pang kainan.

Umorder na kami ng makakain kasi ayaw niyang siya lang ang kakain sa amin. Konti lang naman ang inorder namin kahit ako kasi busog pa naman ako.

Habang naghihintay kami sa inorder namin ay naguusap kami. Marami akong natutunan tungkol sa kanya.

"Alam mo ba wala akong ideya na may kababatang kapatid si Jim."

"Hindi ba nawalan kayo ng communication ni kuya noong mga bata pa kayo?"

"Yup, alam kong kasalanan ko kung bakit lumipat ng paaralan noon si Jim. Madalas kasi kami tumatakas noon at isang araw na may nakakita sa amin."

"Sinabi nga sa akin iyan ni kuya. Tama nga pala ang sabi ng kapatid mo sa akin dati."

Kumunot ang noo ko. "Ano ang sinabi sayo ni Clark?"

"Na bad influence ka. Ayon sa kwento ni kuya at kwento mo ay pinapakita mong totoo ang sinabi niya."

"Hindi ko naman kasalanan na boring ang teacher namin magturo kaya nawawalan na akong gana pumasok."

"Bakit ka pa bumalik sa pagaaral?"

"Wala naman akong balak bumalik sa pagaaral pero sa last will ng lolo namin kapag hindi ako tapos sa pagaaral ay hindi ko makukuha ang mana ko. Ayaw ko naman makuha lahat ni Clark."

"So, ginagawa mo ang lahat na ito para sa mana mo? Grabe ka talaga."

Dumating na rin ang inorder namin sa wakas. Kung hindi pa dumating baka saan pa makarating ang paguusap namin.

It's already Monday at maaga akong pumasok. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko dahil palagi akong late kung pumasok pero may gusto akong gawin.

Habang naglalakad ako sa hallway ay may narinig akong naguusap na dalawang lalaking estudyante.

"Hey, bro. Kilala mo ang nerd sa section 1?"

Kumunot ang noo ko dahil si Pauline lang naman ang nerd sa section namin at ano naman ang binabalak nila sa kanya?

"Yeah, what about her?"

"May problema ka rin sa inyo kapag hindi ka pumasa sa lahat na subject natin. Bakit hindi mo siya ligawan para turuan ka niya."

"No way!"

"Dude–"

"Kung ako sa inyo huwag niyo na ituloy kung ano ang binabalak niyo kay Pauline." Sabi ko dahilan humarap silang dalawa sa akin.

"At sino ka naman?" Sabi noong unang lakaki na nagsalita kanina.

"Hindi niyo na kailangan malaman ang pangalan ko dahil kapag may nangyaring masama kay Pauline ay lagot kayong dalawa sa akin."

"Bro, siya yung nakaaway sa section 4 at dahil rin sa kanya kaya suspend iyon." Sabi ng kasama niya.

"Wala akong pakialam kung masuspend pa ako." Sabi niya sa kasama niya bago humarap sa akin. "I'm sure hindi ka boyfriend ng nerd na iyon. Ang katulad mo ay hindi ka dapat papatol sa isang nerd."

"Hmph, hindi mo boyfriend. Paano kung sabihin sa inyo na boyfriend niya ako? May magagawa ba kayo?"

"Hah. Nagpapatawa ka ba, pre? Pumapatol ka sa–" Hindi ko tinapos ang sasabihin niya dahil sinuntok ko siya. Napaupo siya sa semento habang gulat na gulat at hawak ang pisngi kung saan ko siya sinuntok.

Nag-squat ako sa harapan niya. "Mukha ba ako nagbibiro? Subukan niyo lang lumapit kay Pauline ay hindi lang iyan ang matitikman mo sa akin." Seryosong tugon ko sa kanya.

Paalis na sana ako ng hinawakan ako ng kasama niya sa balikat sabay suntok sa akin. Aba, hayop 'to. Sinusubukan talaga ako ah. Kaya sinapa ko siya sikmura at pinagsusuntok ko rin siya pero gumaganti. Ang masaklap pa pinagtutulungan ako ng mga duwag.

Pasalamat sila may dumating na teacher baka madala ko lang sila kung saan sila nababagay. Ngayon nandito ako sa infirmary para gamutin ang mga nakuha kong pasa sa mukha.

Paglabas ko ng infirmary ay hindi ko inaasahan na makikita ko si Clark.

"Totoo nga ang naririnig ko na nakipag away ka na naman."

"Tsk, ano ba ang pakialam mo?"

"Because of her again? Paano kung sabihin sayo na nagkakagusto na ako sa kanya? Susuntukin mo rin ba ako gaya ng ginagawa mo sa mga nakakaaway mo?"

Namilog ang mga mata kong tumingin sa kanya. "Tigilan mo ko, Clark. Kahit kapatid kita ay kaya kong patayin ka. Tandaan mo ikaw ang may dahilan kung bakit namatay si Taylor. Kung hindi ka lumayas noon ay sana buhay pa ngayon si Taylor."

"Tsk, huwag mong ibalik ang nakaraan, Trey. Oo, inaamin kong kasalanan ko kung bakit namatay si kuya Taylor. Hindi ko naman ginusto ang nangyari sa kanya dahil siya na nga lang ang kakampi ko tapos kinuha pa siya sa akin."

Pagkatapos ng pagsasagutan namin ni Clark ay pumasok na ako sa classroom namin. Sa akin ang atensyon ng mga kaklase ko kahit rin si Pauline. Umupo na ako sa upuan ko.

"Nakipag away ka na naman?" Bulog niyang tanong sa akin.

"Yeah, may hindi lang ako gusto sa ginawa nila at saka sinuntok ako ng kasama niya tapos pinagtutulungan na nila ako."

"So, pinapalabas mong biktima ka rito?"

"Hindi rin. Inaamin kong kasalanan ko dahil sinuntok ko yung kasama niya pero hindi ko talaga gusto ang binabalak nila."

"Sino ba iyang pinoprotektahan mo?"

"Ikaw." Sagot ko. Bakit pa ako magsisinungaling sa kanya? Kailangan rin niya malaman ang totoo.

"Ako? Ano ang binabalak nilang gawin sa akin?"

"Binabalak nilang ligawan ka at kapag naghulog ka sa kanila ay iiwanan ka na lang basta-basta. Papalabasin nilang kasalanan mo dahil easy to get ka."

"Bakit mo iyon ginagawa? Hindi mo naman kailangan protektahan ako sa kanila."

"Kapatid ka ni Jim kaya gagawin ko ang lahat para hindi ka nila bully-hin."

"Dahil lang ba kapatid ako ni kuya o may ibang dahilan ka pa, Trey. Hindi ako manhid ba hindi ko mapapansin dahil hindi ako yung tipo ng babae na lalapitan ng ibang tao kung wala silang kailangan sa akin pero iba ang sayo. Sabihin mo na sa akin."

Natigilan ako doon. May iba pa nga bang dahilan kung bakit ko ito ginagawa?

"A-Ako rin ang dahilan kung bakit naging magulo ang buhay mo. I'm sorry."

"Wala na tayo magagawa dahil nangyari na."

"At... At–"

"Okay, class. Go back to your seat." Sabi ng teacher namin pagkapasok niya sa loob.

Damn it. Ano ba ang sasabihin ko?

When Bad Boy Meets Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon