Trey's POV
"Let's have a date tomorrow?"
Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin. "Hindi ba marami kang gagawin bukas?"
"Yes, pero dinner date naman iyon. At pwede ko rin ituloy sa susunod na araw."
"Paano yung mga bata? Wala silang kasama."
"Hay naku, Pau. Nandiyan naman si manang para bantayan sila. O baka ayaw mo makipag date sa akin."
"Hindi sa ayaw ko pero ano kasi..."
"Ano kasi?"
"Hindi ko alam kung available ako bukas lalo na malapit na ang exams ng mga bata."
"I understand, no worries. Pahinga ka na. Good night."
Ngumiti siya sa akin. "Good night."
Mukhang nahihiya sa akin si Pauline para bang hindi niya ako boyfriend. Hindi ko siya pipilitin kung ayaw pa niya ang makipag date sa akin. Marami pa namang araw o baka kapag wala ng pasok ang mga bata.
Kinabukasan maaga ako pumasok dahil ang dami kong gagawin. Nagsisi yata ako na hindi bumalik kahapon para tapusin ang ibang trabaho pero kailangan na magkaroon pa rin ako ng oras sa mag-ina ko.
Tiningnan ko ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni mr. Jordan sa ID caller bago sinagot ang tawag. "Hello?"
"I finally found her, hijo."
Kumunot ang noo ko. "Sino po?"
"I met my daughter."
"Daughter po?" Like what I said yesterday wala akong alam tungkol kay mr. Jordan kahit sa pamilya nito.
"Yes, hijo."
"Ano po ang pangalan ng anak niyo?"
"The woman you brought yesterday. She's my daughter, Trey."
"What?" Ang bilis ng pangyayari. Alam kong ampon lang si Pauline ng mga kinilala niyang pamilya pero hindi ko inaasahan na kilala ko rin pala ang tunay niyang magulang. "Teka lang ho. Naguguluhan kasi ako sa nangyayari."
"Alam kong biglaan ang pangyayari, Trey. Hindi ko inaasahan na makikita ko ang anak ko."
"Paano po nangyari napunta sa mag-asawang Johnson si Pauline?"
"Namatay sa panganganak ang mama niya at hindi ko siya kayang alagaan na magisa. Kaya binigay ko siya sa kaibigan ko dahil alam kong aalagaan siya ng mabuti nito. Hindi ako nagkamali because she like her mother."
"Should I tell her about this?"
"Huwag na muna. Alam kong maguguluhan siya kapag malaman niya na kinilala niyang pamilya ay hindi pala niya tunay na pamilya."
"Alam na po niya ang tungkol diyan."
Kumunot ang noo ko na may narinig akong ingay sa kabilang linya.
"Hello, mr. Jordan?" Kinakabahan ako baka may nangyari sa matanda dahil walang sumasagot sa kabilang linya.
"Hello, sir. Nahimatay ho si mr. J kanina."
Napatayo ako sa binalita. "What? Tumawag na ho kayo ng ambulansya."
Hindi na ako makapag concentrate sa trabaho ko dahil nagaalala talaga ako sa kakagayan ni mr. Jordan. Tinawagan ko ang butler niya para tanungin kung saang ospital siya dinala
Pagkarating ko sa ospital tumakbo ako papasok sa lobby para tanungin sa front desk.
"Excuse me, miss. Saan dinala si Nick Jordan?"
Bago ba sumagot yung babae ay may tumawag sa pangalan ko.
"Sir Trey."
Binaling ko ang tingin sa butler at lumapit na sa kanya. "Kamusta na ho si mr. Jordan?"
"Wala pa ho sinasabi ang doctor."
"Bakit siya nahimatay kanina? May sakit ba si mr. Jordan na hindi niyo sinasabi sa akin?"
"Sir, sorry. Ayaw kasi ni mr. J na magaalala ka sa kanya kaya kinausap niya ako na huwag sabihin sa inyo ang tungkol sa sakit niya."
Sabi na nga ba. May dahilan ang biglaang pagpunta niya rito.
"Kaya biglaan ang uwi niya kasi ang hiling niya kung mamatay man siya ay katabi ng puntod ng asawa niya."
"Tsk. Hindi ko siya mapapatawad kung iiwanan niya kami lalo na nakilala niya ang anak niya. Dapat makilala na rin siya nito bilang ama."
Nagtataka ako dahil nandito kami ngayon sa ICU. Teka, kanina pa lang naman sinugod si mr. Jordan ng ospital ah. Bakit sa ICU agad? Gaano na ba kalala ang sakit?
"Malubha na ba talaga ang sakit niya?" Nagaalala ako sa kalagayan ni mr. Jordan.
Napatingin ako sa phone ko ng tumunog iyon at nakita ko ang pangalan ni Pauline sa ID caller.
"I'm going to answer this call." Sabi ko at lumayo na ako kaunti bago sagutin ang tawag.
"Are you busy?"
"Hindi naman. Bakit?" Tiningnan ko ang oras dahil uwian na pala nila. "Okay, hintayin niyo ko."
Pagkarating ko sa school ay nakikita ko ang mga bata na tumatakbo papunta sa akin.
"Daddy!" Sigaw nila. Hyper talaga ng mga bata kahit kailan.
"How's your day, Trey?"
Tumingin ako sa kanya saka pilit na ngumiti. "Ayos lang naman. Ikaw?"
"You are not fine. May problema ba?"
I don't know how to tell her that I found her real father. Tapos bad news pa.
Bumuga ako ng hangin. "Pau, no matter what happen huwag kang magagalit sa akin ah."
"Bakit naman ako magagalit sayo?"
"Kanina ko lang nalaman ang katotohanan. Hindi ko inaasahan na matagal ko na pala kilala ang tunay mong ama, Pau."
Kumunot ang noo nito. "What do you mean matagal mo ng kilala?"
"Si mr. Jordan, si mr. Jordan ang tunay mong ama, Pau."
"What? Paano nangyari iyon?"
"Kanina ko lang nalaman ang katotohanan. Tinawagan ako ni mr. Jordan at sinabi niya sa akin ang lahat. Ang dahilan kung bakit ka niya binigay sa kinilala mong magulang ngayon."
"P-Pwede ko ba siyang makausap?"
"I'm sorry."
"Why are you saying sorry? Wala ka naman ginawang mali."
"Sinugod kanina sa ospital si mr. Jordan dahil habang kausap ako kanina ay nahimatay siya. Wala akong ideya na may malubhang sakit pala siya hanggang wala akong alam sa nangyayari dahil ayaw sabihin sa akin ng butler niya."
Niyakap ako si Pauline noong umiiyak na siya. "P-Pwede ba tayo pumunta sa ospital ngayon? Gusto ko malaman ang kalagayan niya."
Sumakay na kami sa kotse ni Pauline at sinuot na rin ang seatbelt.
"Bakit ang tagal niyo po?" Tanong ni Travis.
"Sorry." Sabi ni Pauline.
"Guys, hatid na muna namin kayo sa bahay ah."
"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Evan.
"May pupuntahan lang kami ng mommy niyo."
"Bakit hindi na lang kami sumama ni Travis?"
"Bawal bata."
Tumingin ako kay Pauline dahil nakatingin siya sa akin at umiling. Hindi ko alam ang sasabihin kay Evan tungkol sa kalagayan ng lolo Nick niya lalo na wala pa akong balita.
BINABASA MO ANG
When Bad Boy Meets Campus Nerd
RomanceChase Series #1: Trey Chase Siya si Pauline Johnson isang matalinong magaaral o mas kilalang Campus Nerd at gusto lamang niya ang tahimik na buhay. Hanggang may bagong transferee sa kanilang section at guguluhin ang kanyang tahimik na buhay. Siya na...