EERAH ANITHA'S POV
"Aalis na muna ako," paalam ko. Lumapit sa daddy ko at humalik.
"Where are you going?" Sin asked.
"Sa party ni Almeyra, my high school best friend," sagot ko habang nag-aayos ng buhok. "Remember her?"
"Of course I remember her," ani Sin na tumikhim at dumilim ang mukha. "Eh, di magkikita na naman kayo ni Lovemir?"
"Maybe?" nagkibit-balikat ako. "I'm going. Bye." Hindi na ako nakatanggap ng sagot sa kanila.
Nagpatugtog ako habang nagmamaneho. Nakangiwi kong sinabayan ang kanta, bagay na madalang kong gawin. Sa isip ay pinuri ko ang sarili sa magandang mood.
"Oh, my god, is that you, Eerah Anitha?" mula sa aking likuran ay nangibabaw ang pamilyar na tinig ni Almeyra.
Totoong best friend ko siya sa matagal nang panahon. Sa States siya nakabase kaya naman laking tuwa ko nang malamang umuwi siya para i-celebrate ang birthday.
Sabay kaming napatili. "Almeyra!" Sinalubong namin ng yakap ang isa't isa, emosyonal at nangilid ang luha. "Oh, god, I missed you so much!"
"Me, too, Eerah Anitha!" kumalas siya upang tingnan ang kabuuan ko. "God knows how much I missed you!"
"It's been years, Almeyra, of course we missed each other this much!" hinigpitan ko ang yakap.
"How have you been?" nananabik niyang tanong. Napangiti ako. "Sa loob tayo magkwentuhan. Nadagdagan ang excitement ko dahil sa 'yo."
"Marunong ka pa palang mag-Tagalog?" biro ko.
"Oo naman, 'no! Pinoy ang asawa ko at sinasanay naming magsalita ng Filipino ang mga bata."
Nauna siya sa 'king mag-asawa kaya naman may dalawang anak na siya ngayon. Iginiya niya ako sa sofa. Inutusan niya ang maid bago humarap sa 'kin nang tuluyan.
Simple lang ang party ni Almeyra. Iilan ang bisita ngunit espesyal ang mga handa. Kilala ko ang karamihan sa mga naroon, kasama naming sa Tahanan. Ipinakilala naman ako ni Eerah sa iilang hindi kakilala.
"Ang tagal nating hindi nagkita!" excited na aniya nang igiya niya ako sa sofa.
"And it's been months since the last time we talked."
"Ah, my bad. I've been busy. Nag-aaral na ang mga bata so kailangang mas focused ako sa kanila. Home-based ang job ko so hindi ako masyadong nahihirapan."
"Hindi mo naman kailangang magtrabaho, mayaman ang asawa mo."
"Ugh! Kailangan ko nang pagkakaabalahan. Mababaliw ako sa bahay."
"Ano naman ang trabaho mo?"
"Online critic sa kilalang newspaper company sa 'Tate. I'm also into baking cake and pastries then 'binibenta ko."
"Wow, hindi na kita makilala."
"Now, kwentuhan mo ako, Eerah Anitha? How are you? How do you maintain your sexy figure? Tell me your secrets!" tumatawa niyang sabi.
"Sexy ka dyan." Natawa rin ako. "Okay naman ako. Busy pa rin as usual," lang ang nasabi ko
Hindi ko alam kung paanong magkukuwento. Pakiramdam ko ay walang interesanteng bagay tungkol sa akin. Gusto kong mainggit kay Almeyra. Sa kabila nang pagiging simple, nararamdaman kong matagumpay siya sa buhay. Iyon ay dahil masaya siya.
BINABASA MO ANG
HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |
RomanceThis work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence, emotionally triggering materials, death and suicide. Please engage in self-care as you read this wor...