CHAPTER 231 : TORMENT

2.2M 52.6K 58.1K
                                    


DEIB LOHR'S POV

"DEIB LOHR," nangibabaw ang pamilyar na tinig ni Chairman Enrile.

Pero sa halip na lingunin siya ay mabilis kong tinalon ang mataas na bahagi ng hall na iyon kung nasaan si Taguro. Hindi ko nakasanayan ang gano'ng kilos pero nang sandaling iyon ay para bang napakadali sa 'king gawin 'yon. Sa mabilis na kilos ay nagawa kong padausdusin ang sarili ko papunta sa harapan ni Taguro. Nagawa kong higitan ang bilis niya, para lang mapigilan siya.

Pero gano'n na lang ang gulat naming pareho nang may lumipad na pana sa pagitan namin ni Taguro! Sabay namin iyong nilingon. Gano'n na lang ang galit sa mga mata ni Taguro nang igala niya ang paningin sa dagat ng tao. Itinutok niya ang paningin sa gitna na para bang nasiguro niya agad na nandoon ang pumana. Matagal siyang tumitig doon gamit ang masamang tingin. Na para bang nagagawa niyang sabihin sa pamamagitan ng tingin na iyon kung ano ang mangyayari sa gumawa niyon kung sakaling tinamaan ako. O maaaring hindi gano'n 'yon, posibleng sa sandaling iyon ay niloloko ko na lang ang sarili ko. Dahil ibang Taguro na ang nasa harap ko.

Sandaling katahimikan ang namagitan bago siya tumingin nang deretso sa mga mata ko. Pero hindi siya nagsalita. Matagal siyang tumitig sa 'kin na para bang nagagawa niyang basahin ang lahat ng nasa isip ko't damdamin.

Pinanood niya akong dahan-dahang bumaba sa mga paa ko.

Nakaluhod kong iniharang ang sarili ko sa daraanan ni Taguro. "Babe..." nakayuko kong sambit. "You want someone who will stay beside you, no matter how hard it is to be with you." Sinabi ko iyon habang inaalala kung paano niya iyong sinabi sa akin noon, nang nakatingin sa mga mata ko. "Don't you want me to stay anymore?"

Mabilis na nangunot ang noo niya sa pagkakatitig sa 'kin. Maging ang pagbilis ng kaniyang paghinga ay hindi nakatakas sa paningin ko. Sa gano'ng paraan siya nag-isip, hinihimay ang bawat salitang sinabi ko.

"Please tell me," patuloy ko.

"Enough," mahinang tugon niya, nakikiusap pero nahihirapan.

"I chose to stay beside you...no matter how hard it is to be with you. I'm staying. Maghihintay ako, Maxpein. And I don't care how long; I won't get tired of waiting. I promise I'll wait for you. Please promise me you'll be back."

"Deib Lohr..." gumagaralgal ang tinig niya.

Nanatili akong nakayuko, nakatitig sa mga tuhod niya. Nagpipigil ng mga luha at tinitiis ang sakit. "Just...please come back to me, babe. Please." Noon ko lang nasabi ang pakiusap na 'yon nang ganoon kasakit, kulang ang salitang pagmamakaawa.

Tumamlay ang mga mata niya. "You don't really have to beg for me to stay," halos pabulong niyang sinabi. "Alam mong hindi mo kailangang gawin 'yon dahil gagawin ko mismo 'yon para sa 'yo. Ikaw ang pinakamalaking dahilan sa lahat ng desisyon ko." Mariin niyang sinabi ang huling salita, titig na titig sa mga mata ko. Titig na humuhukay sa buo kong pagkatao. "Stop it, Deib Lohr," she sounded so hopeless, it hurts. "Don't sacrifice your dignity for our destiny. I'm not sure anymore if I'll be worth it."

I saw the sadness in her eyes. She's sad because I am sad. But I'm sure she could not think of anything that would take my pain away. And that in her mind, she's very sorry.

"Kailangan mong maintindihan na hindi na ako ang magdedesisyon ngayon, Deib Lohr." Alam kong pilit niyang pinagmumukhang matigas ang sarili. Pilit niyang hindi sinasabayan ang emosyong nararamdaman ko. Ayaw niyang ipakita sa 'king nahihirapan at nanghihina rin siya. Pero bigo siya dahil lahat 'yon ay nagawa niyang iparamdam sa 'kin. "Kung mababago ng luha at pakiusap ang batas, marami nang nagkasala. 'Wag mo nang sayangin ang oras mo, walang makikinig sa 'yo rito, kahit na ako," naro'n ang lungkot sa tinig niya pero ang bawat salitang 'yon ay kumurot sa dibdib ko. "Alam kong makakalimutan mo rin ako—"

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon