CHAPTER 187

2.6M 54.3K 97.4K
                                    

LOVEMIR'S POV

NAGISING AKO sa umaalingasaw na pabango ni Eerah kinabukasan. Ilang beses kong pinahiran ang ilong ko bago tuluyang bumangon. Hindi nga ako nagkakamali, nasa sala si Eerah at panay ang spray ng perfume sa katawan.

"You smell good," I said, she looked at me smiling. Gusto kong magpa-party nang dahil sa ngiting iyon, pakiramdam ko ay gusto ko nang manibago.

"I always smell good, Lovemir," hindi mawala ang ngiti sa labi niya.

Tumaas ang kilay ko. "Tch. Yeah, right. Pwede ka na ngang ibote at ibenta," sarkastiko kong sabi, lumapit sa mesa at nagsalin ng tubig sa baso. "Are you going somewhere?"

"Yeah, downstairs. I want to eat breakfast." Nakangiti pa rin siya.

Sandali akong natigilan sa pag-inom bago naubos 'yon. May kung anong kirot sa dibdib ko sa simpleng bagay na sinabi niya.

Hindi niya man lang ba ako hihintayin? Tch. "Hintayin mo na 'ko, mabilis lang ako."

"I can wait for you downstairs," tinapos niya ang paglalagay ng kolorete sa mukha saka humarap sa 'kin. "So how do I look?" Napakainosente ng kaniyang ngiti, nanlalambot ang tuhod ko.

You're always beautiful, in every way, Eerah. I love you. "Better," ang tanging naisagot ko, nanlulumo.

"Thanks," hindi na talaga maalis ang ngiti sa labi niya. At sa tingin ko ay alam ko na ang dahilan no'n. Si Deib Lohr Enrile. "I will wait for you downstairs, bilisan mo, ah? Bye," aniya at dali-daling lumabas.

Napapabuntong-hininga ko siyang sinundan ng tingin. Ano na lang ang gagawin niya kapag nalamang ang lalaking kinalolokohan niya ay nasa kaharap na kwarto lang? Tch. I can't think anymore.

Agad akong naligo. Hindi ko pwedeng sayangin ang sandaling magkasama kami. Gusto kong makuha uli ang loob niya bago pa iyon mapunta sa iba.

I'm getting tired of this feeling. She's always rejecting me and doesn't give a damn if it hurts. The pain in my chest doesn't go away, it remains everytime I speak to her. Her coldness kills every inch of me. But I have to take it just to be near her.

Papasakay na ako sa elevator nang matigilan, napangiti ako nang makita si Maxpein. Gusto kong matawa. 'Ayun na naman 'yong hitsura niyang tila ba banas na banas sa paghihintay. Kunot na kunot ang noo na siyang nakapagpapasama sa hitsura niya.

"Good morning," bati ko, matagal bago niya ako nilingon. "Hi."

"Hey," ang tanging tugon niya, hindi man lang ngumiti.

"Mag-isa ka yata?"

"Tulog pa 'yong kasama ko."

Natawa ako, nilingon niya agad ako at sinamaan ng tingin. "Sorry, I didn't mean to laugh," pinigilan ko nang matawa. "Bakit hindi mo siya hinintay?"

"Bakit mo kailangang magtanong?"

"Sorry," nakangiti kong sabi. "Parati ka na lang galit." Tumunog ang elevator, pumasok kami. Siya ang unang pumindot sa buton. "Ground floor din ako," nakangiti kong sabi. Hindi niya na ako nilingon. "Mas maganda kung maaga kayong pupunta sa light house," muling sabi ko pero hindi pa rin siya sumagot, parang wala man lang ngang narinig.

Tch. Akala ko ba ay okay na kami? Palihim akong ngumisi. She's really weird. May topak siguro.

Hindi na siya nagsalita hanggang sa makababa kami. Hindi niya na rin ako nilingon. Nagtuloy-tuloy siya sa restawran na para bang walang ibang kaluluwa sa paligid bukod sa kaniya.

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon